Hingin ang pamamagitan ng birheng Maria para makamit ang kaligtasan at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total views

Hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang sambayanang kristiyano na patuloy na hingin ang pamamagitan ng Mahal na Birhen para sa pagkamit ng kaligtasan at kapayapaan lalu na sa panahon ng pandemya.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo sa misa bilang pagpaparangal kay Maria kasabay ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima.

“Ipagdasal natin ang kapayapaan lalung-lalu na sa pagdarasal ng Santo Rosaryo. Nananawagan sya sa pamamagitan ng pagbabalik loob ng mga tao. Repentance. Hindi magkakaroon ng kapayapaan ang buong mundo kung ang puso ng mga tao ay hindi mapayapa. Kailangan natin ng pagsisi at kailangan natin ng sakripisyo para sa kapayapaan,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Paliwanag ng Obispo, hindi naiiba ang pangyayari noong 1917 nang magpakita ang Mahal na Birhen sa mga batang pastol ang panahong laganap din ang Spanish flu kung saan may 50 milyon katao ang nasawi at pagpapatuloy na karahasan dahil sa digmaan.

Ayon kay Bishop Pabillo sa kasalukuyang panahon, bukod sa pandemya ilang mga bansa din ang nakakaranas ng digmaan kabilang na ang Myanmar at Israel habang sa Pilipinas naman ay nararanasan ang kaguluhan dahil sa mga pagpaslang na iniuugnay sa anti-terror law at drug war.

Giit ng Obispo, higit kailanman ay kinakailangan ang pagdarasal ng rosaryo at hingin ang kalinga at pangangalaga ng Mahal na Birhen.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na sa kasalukuyang pag-iral ng community quarantine ay gamiting pagkakataon nawa ng bawat isa na ilaan ang panahon ng pananatili sa tahanan sa pamamagitan ng pagdarasal ng Rosayo.

Una na ring itinalaga ng Santo Papa Francisco ang buong buwan ng Mayo sa pananalangin ng Rosaryo bilang pagsusumamo sa Mahal na Birhen para sa kaligtasan at paghihilom ng buong mundo mula sa pandemic novel coronavirus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,231 total views

 63,231 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,100 total views

 59,100 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,302 total views

 95,302 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,448 total views

 103,448 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,502 total views

 127,502 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top