HLAF, duda sa drug testing ng PDEA sa mga estudyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 438 total reads

Ang drug addiction ay maituturing na bagong uri ng pang-aalipin.

Ito ang pagsasalarawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa lumalang problema ng drug addiction sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ipinaliwanag ni Pope Francis na ang mga nalulong sa illegal na droga ay mga biktima na nawalan ng kalayaan dahil sa pang-aalipin ng ipinagbabawal na gamut.

Sinasabi ni Pope Francis na dapat tugunan ng bawat bansa ang problema sa pamamagitan ng edukasyon at rehabilitasyon.

Gayunpaman, nagpahayag ng duda si Atty. Rommel Abitria, Executive Director ng Humanitarian Legal Assistance Foundation (HLAF) sa tunay na dahilan ng isinusulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pagsasailalim sa mga kabataang mag-aaral sa mandatory drug testing.

Iginiit ni Atty. Abitria na kung talagang pagkakaloob ng rehabilitasyon sa mga magpopositibo sa isasagawang drug test ang layunin ng naturang panukala ay dapat ang Department of Health ang mangunguna dito at hindi ang PDEA na siyang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa War on Drugs ng pamahalaan.

“Yun yung aking worry, yun yung aking agam-agam, parang ang reason is actually to prosecute hindi naman siya to help, to rehabilitate kasi kung magre-rehabilitate ka ang dapat magpo-propose ay Department of Health at dapat meron ng nakalatag na budget and programs para sa intervention ng kung sinuman ang makikita na dependent…” pahayag ni Abitria sa Radio Veritas

Naunang isinantabi at kinundina ng DepEd ang naturang panukala dahil sa paglabag nito sa karapatan ng mga kabataang mag-aaral.

Habang lumabas naman sa isinagawang survey ng Social Weather Station kamakailan lamang na mayorya o 51-porsyento ng mga Filipino ang pabor na isulong ang naturang mandatory drug test na panukala ng PDEA para sa mga mag-aaral mula Grade 4.

Sa kabila nito, nagpalabas naman ng CHED Memorandum No. 18 series of 2018 si CHED Chairman Prospero de Vera III kung saan nakapaloob ang implementing guidelines para sa naturang mandatory random drug testing sa mga estudyante ng mga unibersidad, kolehiyo at iba pang higher education institution mula sa academic year 2019-2020.

Matatandaang una nang binigyang diin ni Pope Francis na taglay ng mga kabataan ang dalisay na pag-asa at intensyong nagmumula sa wagas na pag-ibig ng Panginoon para sa sangkatauhan kaya’t marapat lamang na protektahan ang kanilang kapakanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,426 total reads

 53,426 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,764 total reads

 102,764 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,635 total reads

 150,635 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,584 total reads

 254,584 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,028 total reads

 338,028 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top