Light the world campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total reads

Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya.

Ito ang pinatunayan ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints sa paglunsad ng kampanyang Light the World kung saan isa sa mga napiling partner ay ang Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Sa pahayag ni Elder Michael John Teh, member of the Philippine Area Presidency ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints, iisa lamang ang layunin ng kanilang Simbahan at ng Caritas Manila ang tulungan ang mga nangangailangan sa pamayanan.

“Ang partnerships ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints and the Catholic Church has gone on for many many years. We have great respect for them and the love for the people and so we were really enjoy working with them [Caritas Manila],” bahagi ng pahayag ni Elder Teh sa Radio Veritas.

Layunin ng Light the World campaign ang himukin ang mamamayan na magsasgawa ng kawanggawa, at tumulong sa pag-angat ng pamumuhay at pangangailangan ng mga dukha sa lipunan.

Dito ay maaring magbigay ng mga donasyon sa pamamagitan ng isang vending machine kung saan makapipili ang mga nagnanais magbahagi ng biyaya ng benipisyaryo o mapupuntahan ng kanilang tulong.

Ayon kay Elder Teh, isa rin itong paraan na mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makapagbahagi sa kapwa.
“We are both very excited kasi it gives avenue to many other people kahit yung sa mga taong palagay nila wala silang oportunidad na magsilbi o magbigay, makikita nila na may kakayanan sila na tumulong,” dagdag nito.

CARITAS MANILA’S PROGRAM

Ikinatuwa naman ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints sa institusyon ng Simbahang Katolika na ang hangarin ay tulungan ang mga mahihirap na makaahon sa karukhaan.

Sa pahayag ni Marie Kiel Fernandez, ang Stewardship Division Head ng Caritas Manila ang maiipong tulong mula sa Light the World Giving machines ay ibabahagi sa mga programa ng Caritas Manila.

“Ang giving machine po ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints ay mapupunta po sa iba’t ibang programa ng Caritas Manila na naglalayong tumulong sa ating mga kababayang mahihirap,” bahagi ng pahayag ni Fernandez.

Nangunguna pa rin dito ang mga pagbibigay ayuda sa mga kabataan iskolar ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership Program na may 5, 000 estudyanteng kabataan na tinutulungan sa buong bansa.

Bukod dito, ay may ilalaan din sa mga feeding program ng Simbahan, mga kagamitang medikal at pangkarpentero na para naman sa Caritas Damayan ang disaster response ng Simbahang Katolika.

Ibinahagi ni Fernandez na matagal na ang pagtutulungan ng dalawang Simbahan para sa ikaaangat ng pamumuhay ng mga mahihirap na sektor sa bansa.

Katunayan napiling benipisyaro ang Caritas Manila noong 2016 sa konsiyerto ni Lea Salonga sa pangunguna ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints at noong ipinagdiriwang ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang ika – 60 kaarawan ay malaki rin ang iniambag ng institusyon para sa mga estudyanteng iskolar ng Simbahan.

PAANYAYA SA MAMAMAYAN

Dahil dito, kapwa inaanyayahan nina Elder Michael John Teh at Kiel Fernandez ang mamamayan na makiisa sa adhikain ng Light The World Giving Machine campaign upang mabigyang kasiyahan ang mga mahihirap na komunidad sa darating ng Kapaskuhan.

Sa pahayag nga ni Elder Brent H. Nielson, senior leader ng Simbahan ito ang magandang pagkakataon na mabigyang oportunidad ngayong Kapaskuhan na maipalaganap ang pag-ibig, kaligayahan at pag-asa sa bawat isa sa tulong ng liwanag na dala ng ating Manunubos.

Ang mga Light the World Giving Machine ay matatagpuan sa Upper Ground Floor ng SM Megamall Building A mula ika – 23 ng Nobyemre hanggang ika – 31 ng Disyembre.

Bukod sa Caritas Manila katuwang din ng institusyon ang UNICEF Philippines at Purple Centers Foundation para naman sa kanilang mga proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,012 total reads

 56,012 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,218 total reads

 105,218 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,089 total reads

 153,089 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,038 total reads

 257,038 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,306 total reads

 340,306 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top