Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 837 total views

3rd Sunday of Advent Cycle A Gaudete Sunday

Is 35:1-6.10 James 5:7-10 Mt 11:2-11

Excited na tayo! Excited na ba kayo? Excited sa ano? Sa Pasko o sa pagdating ng Panginoon? Kung excited tayo sa Pasko, saan tayo excited? Sa bakasyon? Sa bonus, kung hindi pa natin ito natanggap? Sa regalo? Sa Christmas party kung hindi pa ito nangyari? Sa bagong damit? Kung diyan lang tayo na-e-excite, ang babaw naman! Kasi ang lahat ng iyan ay lilipas. One week after Christmas ay wala na iyan. Sana excited tayo hindi lang sa pasko kundi sa pagdating ng Panginoon. Maaaring nandiyan ang pasko pero wala ang Panginoon. At maaari namang dumating ang Diyos anytime, kahit hindi na pasko.

Excited ba tayo sa pagdating ng Panginoon? Sinabi sa atin ni propeta Isaias: “Huwag kang matakot, laksan mo ang iyong loob, darating na ang Panginoong Diyos at ililigtas ka sa kaaway!” Sa anong kaaway tayo ililigtas? Sa mga pumipigil sa atin na magkaroon ng kaganapan ng buhay. Para sa iba maaaring iyan ay kakulangan sa hanap buhay, o karamdaman, o tukso, o pang-aabuso, o galit, o bisyo. Dini-describe ang mga hadlang na ito ng pagiging bulag, pagiging pipi, pagiging pilay o pagiging pilay. Kaya ang mga bulag ay makakikita, at makaririnig ang bingi, lulundag ang pilay at aawit ang pipi. Iyan ang katubusan. Dito dapat tayo manabik, at iyan ang asahan natin. Kaya ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak. Kaya ngayong ika-tatlong Linggo ng Adbiyento ay tinatawag na Gaudete Sunday – Linggo ng tuwa at galak kasi ang inaasahan natin na darating ay ang Panginoon na magbibigay ng kaganapan ng buhay.

Si Juan Bautista ang tagapagpanguna sa pagdating ng Panginoon. Nanawagan siya ng pagsisisi. Bininyagan niya ang mga taong nagsisisi. Pero ang ayaw na magsisisi ay nagagalit sa kanya. Isa na diyan ang haring si Herodes, ang anak ng Herodes na nagpapatay sa mga sanggol noong si Jesus ay isinilang. Nagagalit ang Herodes na ito noong sabihin ni Juan Bautista na hindi tama na kinakasama niya bilang asawa ang asawa ng kanyang kapatid. Ipinabilanggo niya si Juan. Sa katahimikan at kalungkutan ng bilangguan umaasa si Juan na darating na ang kaligtasan, kasi bininyagan na nga niya si Jesus. Pero wala pang nangyayari. Akala niya pagdating ni Jesus pababagsakin na niya ang mga Romano at si Herodes na tuta ng mga ito. Pero hindi naman nangyayari.

Kaya nagpadala sila ng mga alagad niya kay Jesus upang tanungin: “Kayo po ba ang ipinangakong paririto o maghihintay pa kami ng iba?” Siguro dramatic na pagbagsak ng mga kaaway ang kanyang inaasahan. Pero sinabihan ni Jesus ang mga sinugo niya na ibalita nila kay Juan ang ginagawa niya: nakakikita ang mga bulag, nakaririnig ang mga bingi, binubuhay ang mga patay at ang mabuting balita ay naipangangaral sa mga dukha. Ang kapangyarihan ni Jesus ay hindi niya ginagamit upang ibagsak ang makapangyarihan kundi upang buhatin at tulungan ang mga nasa ilalim. Madalas inaasahan natin na ibagsak ang nasa itaas, at hindi na buhatin ang mga nasa ibaba. Ibang kumilos si Jesus kaysa ating inaasahan.

Siguro nakumbinsi si Juan ng mga ibinalita ng mga isinugo niya kaya nanatili siyang tapat hanggang sa wakas, hanggang siya ay pinugutan ng ulo. Si Juan ay hindi isang tao na nagpapasunod lang sa ihip ng hangin, o nagpapadala sa public opinion. Bilang tunay na propeta siya ay nanindigan at naging tapat. Dakilang propeta si Juan na pinaniwalaan ng mga tao at kinikilala na galing sa Diyos.

Tulad ni Juan magtiyaga din tayo at patuloy na umasa sa pagdating ng kaligtasan. Ang pagtitiyagang ito ay inihambing ni Santiago sa ating ikalawang pagbasa sa mga magsasaka. Alam ninyo iyan, kasi marami sa inyo ay magsasaka. Hindi agad-agad ang pagsibol at pagbunga ng itinanim natin. Kailangang mag-antay sa panahon ng tag-ani. Pero habang nag-aantay inaalagaan at binabantayan din ang ipinunla. Ang pag-aantay ng magsasaka ay hindi pagpapabaya. Busy din siya sa kanyang pag-aalaga sa tanim na inaasahan niyang mamumunga.

Ganoon din tayo. Busy din tayo sa pagkilos ayon sa ating inaantay. Excited tayo na dumating ang katarungan, kumilos tayo para sa katarungan. Gusto natin na umangat ang nahihirapan, iangat natin ang kilala nating nahihirapan. Ayaw natin ng nagsasamantala, pigilin natin ang alam natin na nagsasamantala ngayon. Sa maikling salita, gawin na natin ngayon ang ating inaasahan. Huwag nating isipin na kaunti lang tayo, hindi man natin mapipigil ang mga corruption, hindi man natin kayang tulungan ang mga mahihirap. Oo, hindi man natin matutulungan ang lahat ng mahihirap pero matutulungan natin ang isang mahirap. Hindi man natin maituwid ang lahat ng pagsisinungaling, mapipigilan natin ang pagkalat ng ilang sinungaling. Gawin natin ang magagawa natin at ang Diyos na ang aayos para sa lahat. Siya naman talaga ang manliligtas. Sa paggawa ng gusto nating gawin ng Diyos, napapaalab ang ating pag-asa.

Noong may higit na limang libo ang nagugutom na mga tao, nagtanong si Jesus kung saan makakukuha ng pagkain para sa kanila. Nag-calculate na si Felipe. Kailangan natin ng halaga ng 200 araw na sahod para makakain ang lahat. Sa ating panahon na 550 pesos per day – mga 350,000 pesos iyan – napakalaking halaga. Pauwiin mo nalang sila. May isa pang nagsabi, wala naman tayong mabibilhan ng tinapay dito para ganyang karami na mga tao. Magkanya-kanya na lang silang humanap ng pagkain. Mabuti pa ang isang bata. Noong narinig niya na pinag-uusapan ang pagkain, inalok niya ang kanyang limang tinapay at dalawang isda. Talagang hindi kasya iyan. Pero sa pamamagitan nito napakain ni Jesus ang lahat.

Si Jesus ang manliligtas, ialok natin at ilagay sa kanyang kamay ang mayroon tayo at ang makakaya natin. At makikita natin ang ating inaasahan na makakikita ang mga bulag, makalulundag ang mga pilay, makaririnig ang mga bingi, at makaaawit ang mga pipi. Ito ang pag-asa na binibigay sa atin ng adbiyento. Ito ang pagsikapan nating gawin. At ito ang mararanasan nating mangyari. Umasa tayo! Magtiyaga tayo!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 17,079 total views

 17,079 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 24,560 total views

 24,560 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 37,700 total views

 37,700 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 43,673 total views

 43,673 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 49,427 total views

 49,427 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 1,210 total views

 1,210 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 3,523 total views

 3,523 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 9,650 total views

 9,650 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,779 total views

 7,779 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 10,062 total views

 10,062 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,968 total views

 12,968 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,907 total views

 13,907 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,901 total views

 13,901 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,619 total views

 17,619 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 19,465 total views

 19,465 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 19,462 total views

 19,462 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,971 total views

 23,971 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 29,287 total views

 29,287 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 31,445 total views

 31,445 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 33,600 total views

 33,600 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top