Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 34,104 total views

2nd Sunday of Advent Cycle C
Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6

Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng Adbiyento. Bukas natin ipagdiriwang at pagninilayan ang Inmaculada Concepción. Ngunit ang nagsisimba ngayong Linggo ay tumupad na na ipangilin ang kapistahan ng Inmaculada Concepcion.

Sa panahon ng Adbiyento inaasahan natin ang pagdating ng Panginoon na magdadala ng kaligtasan. Dahil sa darating siya, ihanda natin ang ating sarili sa pagtanggap sa kanya. Iyan ang mensahe ni Juan Bautista. Itinalaga siya ng Diyos upang manguna sa Panginoon at ihanda ang kanyang daraanan. Dumating si Juan sa takdang panahon at sa takdang lugar at mayroon siyang takdang mensahe.
Narinig natin ang pangalan ng mga dakilang tao noong panahon ni Juan. Sila iyong mga hari, mga namumuno at mga pangunahing mga pari noon. Sila iyong mga bigatin at mga kilala sa kanilang panahon. Nandiyan ang Emperador ng Roma na si Tiberias, si Pontio Pilato na gobernador ng Judea, si Herodes at si Felipe na mga hari, si Anas at si Caifas na mga punong pari. Ginamit lang sila bilang mga background para sa takdang panahon ng pagkilos ng Diyos sa ating kasaysayan. Pero ang pinadala ng Diyos ay hindi ang mga dakilang mga taong ito na may posisyon at may kapangyarihan. Ang pinadala ng Diyos ay si Juan na hindi naninirahan sa isang ciudad o isang palasyo. Nandoon siya sa tabi-tabi ng bayan, sa isang ilang. Iniiwasan ng mga tao ang ilang kasi wala namang matatagpuan doon – walang tubig, walang pagkain, walang mabibili, walang masyadong mga tao. Pero nandoon si Juan. Doon siya nanawagan. Doon nagmula ang salita ng Diyos at ang nakarinig nito ay ang sumasadyang pumaroon.

Ang mensahe niya ay hindi madali: Magsisisi kayo. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na pag-amin na ako ay nagkamali. Mahirap aminin ito. Ang pagsisisi ay nanawagan ng pagbabago. Mahirap magbago. Ibig natin manatili sa nakasanayan na lang natin. Pero kailangan ng pagsisisi upang matanggap ang Diyos na dumadating. Kailangang ihanda ang daan niya: tuwirin ang daan, tibagin ang bundok, tambakan ang lambak, patagin ang baku-bako. Tuwirin ang liku-likong pamamaraan ng ating buhay, ang ating pagkukulang ay dapat punan, ang ating pagmamalabis ay dapat bawasan, …ang baku-bakong pag-iisip natin ay dapat patagin. Ito ang ibig sabihin ng pagsisisi.

Pero kahit na mahirap ang hamon ng adbiyento, saya ang diwa ng adbiyento. Sinulat ni Baruc sa unang pagbasa: “Nagagalak sila kasi hindi sila kinalimutan ng Diyos… Aakayin sila ng Diyos, at babalik silang masaya sa pangangalaga ng kanyang habag at katuwiran, at liligaya sa liwanag ng kanyang walang hanggang kaningningan.” Darating nga ang Panginoon kasi mahalaga tayo para sa kanya. Hindi niya tayo iiwanan o pababayaan. Anuman ang dinadaan natin ngayon, darating ang Diyos sa atin. Kaya masasabi natin ang sinulat ni San Pablo: “Ang aking panalangin para sa inyo ay lagi kayong mapuspos ng kagalakan.”

Kaya huwag tayong matakot na pumunta sa ilang at pakinggan ang panawagan ni Juan Bautista. Ang ilang ang nagbibigay ng katahimikan upang makilala ang ating sarili at mapakinggan ang Diyos. Hind komportable ang buhay sa ilang. Kailangan tayong magsakripisyo upang magkaroon ng disiplina sa sarili at maituwid ang buhay natin. Kailangan nating aminin ang ating kasalanan upang ito ay talikdan. Sa paraang ito magkakaroon tayo ng tunay na adbiyento kasi magbabago ang buhay natin. Tutungo na tayo sa Diyos, o di kaya, ang Diyos na mismo ang lalapit sa atin.

Ang malungkot lang ay para sa marami, ang adbiyento ay isang ordinaryong panahon lang. Wala mang pagsisikap na magbago, na magsisisi, na magdasal at magnilay. Para sa iba nga, nandiyan na ang ingay ng mga Christmas carols, ng mga paputok, ng mga palaro at Christmas parties. Wala pang pasko. Adbiyento pa lang. Ito ay panahon ng panalangin at pagninilay. Ito ay panahon ng patulong sa kapwa. Ito ay panahon ng pagsisisi. Kung talagang isinasabuhay natin ang adbiyento magiging masaya at tunay ang pasko natin kasi mas lalo nating matatanggap ang Panginoong Jesus.

Ang adbiyento ay ang mabuting gawa na pinasisimulan sa atin ng Diyos upang maging lubos ang ating pagtanggap sa kanya sa araw ng pagbabalik ni Kristo Jesus. Tandaan natin na ang Adbiyento ay hindi lamang paghahanda para sa Pasko. Mas pinaghahandaan natin ang muling pagdating ng Panginoon. Doon magiging ganap na ang kaligtasan na inaantay natin. Mas dakila ang saya ng muling pagdating ng Panginoon kaysa anumang pasko. Ito ang abangan natin. Tulad ng siguradong darating ang Pasko, siguradong darating muli ang Panginoon. Ang kasiyahan ng pasko ay anino lamang ng muling pagdating ng Panginoon.

Halina Jesus, dumating ka na!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 14,105 total views

 14,105 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,165 total views

 28,165 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,736 total views

 46,736 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,669 total views

 71,669 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Homily July 20, 2025

 3,730 total views

 3,730 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle C Gen 18:1-10 Col 1:24-28 Lk 10:38-42 Isa sa mainit sa usapin ngayon sa ibang bansa at

Read More »

Homily July 13, 2025

 6,931 total views

 6,931 total views 15th Sunday in Ordinary Time Cycle C Deut 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10: 25-37 Hindi natin magagawa ang hindi natin nalalaman. Kung hindi

Read More »

Homily July 6, 2025

 10,895 total views

 10,895 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 16,180 total views

 16,180 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 18,186 total views

 18,186 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 33,692 total views

 33,692 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 23,268 total views

 23,268 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 30,219 total views

 30,219 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 34,867 total views

 34,867 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 37,751 total views

 37,751 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »
1234567