6,391 total views

4th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Sunday of the Word of God
National Bible Sunday
Deut 18:15-20 1 Cor 7:32-35 Mk 1:21-28

I-dineklara ni Papa Francisco na ang bawat ika-tatlong Linggo ng Enero ay ang Sunday of the Word of God sa buong mundo. Pero dahil sa ang ikatlong Linggo ng Enero ay Kapistahan ng Santo Nino dito sa Pilipinas, ginagawa natin ang Sunday of the Word of God sa ika-apat na Linggo, na dito sa Pilipinas naman ay National Bible Sunday. Kaya magkatugma na ngayong Linggo ay Linggo ng Salita ng Diyos at Pambansang Linggo ng Bibliya.

Mahalaga ang Salita ng Diyos. Ang lahat ay nilikha sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Nagsalita ang Diyos, ang nagkaroon. Si Jesus ay naparito upang ipahayag ang Salita ng Diyos na siyang Magandang Balita ng ating kaligtasan. Si Jesus mismo ay ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Sinabi ni Jesus na kung mahal natin siya, sinusunod natin ang kanyang Salita.

Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan – sa kalikasan, sa mga taong pinapadala niya, sa ating konsensya, sa ating karanasan, kung tayo ay nagdarasal, at may iba pang paraan. Ngunit ang isang katangi-tanging paraan na natatagpuan natin ang Salita ng Diyos ay sa Bibliya. Binabasa, pinapakinggan natin at pinag-aaralan ang Bibliya kasi dito matatagpuan natin ang Salita ng Diyos. Iba ang Bibliya sa ibang mga aklat. Mayroong maraming magagandang aklat pero ang Bibliya ay talagang maaasahan natin kasi ito ay galing sa Diyos. Sinulat ito ng mga tao na kinasihan ng Espiritu Santo. Ito ay sinulat ni Pablo, ni Lukas, ni Isaias, ni Baruk at ng marami pang mga tao na ginamit ng Diyos. Ang nakasulat dito ay ang salita nila at ang salita ng Diyos. Kaya nga ito ay 100% human at 100% divine. Kaya hinihikayat tayong pag-aralan at panampalatayaan ito upang ito ay maunawaan. Pag-aralan – tulad ng pinag-aaralan natin ang mga sinulat ng mga dakilang authors tulad ni Balagtas at ni Dr. Jose Rizal. Panampalatayaan – kasi ito ay galing sa Diyos at pinaniniwalaan natin ang sinasabi niya. Ang layunin ng Bible ay walang iba kundi ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesukristo.

Noong nagsalita ang Diyos sa mga Israelita doon sa bundok ng Horeb – nagulat at natakot sila. Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Sinamahan ito ng kulog, kidlat at apoy. Nasindak ang mga tao kaya sinabi nila kay Moises na pakiusapan ang Diyos na huwag nang direktang magsalita sa kanila. Magpadala na lang ng iba na magsalita sa kanila. Ganoon nga ang pangako ng Diyos. Magpapadala siya ng isang propeta na tulad ni Moises na magsasalita sa kanila at magpaliwanag ng dapat nilang gawin. Matagal na inabangan ng mga tao ang propetang ito na tulad ni Moises. Marami na ring pinadala na mga propeta. Magagaling sila pero hindi tulad ni Moises.

Noong dumating si Jesus natagpuan ng mga tao ang katuparan ng pangakong propeta na tulad ni Moises. Hindi lang nga. Mas magaling at mas makapangyarihan pa kaysa kay Moises. Iyan ay si Jesus.
Narinig natin sa ating ebanghelyo na hangang-hanga ang mga tao kay Jesus. Nagtuturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga eskriba o mga guro nila. Maaaring ang kapangyarihan niya ay galing sa lawak at lalim ng kanyang itinuturo. May dating ang kanyang sinasabi kasi ito ay galing sa kanyang karanasan at malalim na pagkakilala sa Diyos. Mas lalong humanga sila at nanggilalas pa nga noong sa pamamagitan ng kanyang salita pinalayas niya ang demonyo at pinagaling ang isang tao. Talagang makapangyarihan ang kanyang salita. Pati na ang demonyo ay napag-uutusan niya. Talagang si Jesus na ang nagmana ng galing at kapangyarihan ng Salita ng Diyos na unang naranasan ng mga tao kay Moises.
Ang mga salita at gawa ni Jesus ay siyang nababasa natin sa Bibliya. Si Jesus nga ang susi at sentro ng buong Bibliya. Kaya kung tatanggapin natin ang Salita ng Diyos, tinatanggap natin si Jesus. Sinabi niya na siya ay ang daan, ang buhay at ang katotohanan. Siya ang daan patungo sa katotohanan na nagdadala ng buhay. Ano ang gagawin natin upang matahak natin ang landas na ito, ang daan na si Jesus?

Una po, basahin natin ng palagi ang bibliya, lalo na ang mga ebanghelyo na naglalaman ng mga gawa at aral ni Jesus. Basahin natin ito na nagdarasal. Sa totoo lang, kapag binabasa natin ang Bibliya ng nagsisikap na ito ay maintindihan, tayo ay nagdarasal na. Nakikinig na tayo sa sasabihin ng Diyos. Kung tayo ay may pagkakataon, pag-aralan natin ang Bibliya. Marami na ngayong mga libro at mga on-line na mga materials na nagpapaliwanag ng Bibliya o ng mga bahagi ng bibliya na mahirap maintindihan. Naging mahirap unawain ang Bible kasi sinulat ito ng matagal na – ilang libong taon na, sa ibang lenguahe, at sa kultura na kakaiba kaysa atin. Naging mahirap din kasi hindi tayo familiar sa mga pananalita na ginagamit dito at sa mga kwento na makikita doon. Kaya sa matiyagang pagsisikap at sa palagiang pagbabasa masasanay na rin tayo sa lenguahe ng Bible at madadalian na rin tayong unawain ito.

Hindi sana tayo magkulang sa pagsisikap na maintindihan ang Bible. Ayaw ba natin na maintindihan ang Diyos? Siya ang nagbibigay ng liwanag sa atin. Ang kanyang salita ang nagpapasigla sa ating buhay. Makakaiwas tayo sa maraming gulo kung sinusunod natin ang Salita ng Diyos.

Magkakaroon po tayo ng second collection ngayon araw para po sa pagsuporta ng mga programa na magpapalalim sa pag-unawa ng Bibliya. Sa ibang mga lugar, wala pa ngang Bibles ang mga tao. Kailangan din mabigyan siya ng Bible. Kailangan din natin suportahan ang mga nagbibigay ng bible study o ng katesismo, kasi ang tinuturo sa katesismo ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Sa ating pagko-contribute, at least sa material na bagay, nakakatulong din tayo na palaganapin ang Salita ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Trabaho sa kabila ng init

 11,754 total views

 11,754 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 19,978 total views

 19,978 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 25,824 total views

 25,824 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Resilient Education

 39,225 total views

 39,225 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »

Financial Inclusion

 42,337 total views

 42,337 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 4,338 total views

 4,338 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 6,496 total views

 6,496 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 8,654 total views

 8,654 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 9,004 total views

 9,004 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 22,474 total views

 22,474 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 22,903 total views

 22,903 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 26,947 total views

 26,947 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 29,703 total views

 29,703 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 29,703 total views

 29,703 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 29,685 total views

 29,685 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 33,186 total views

 33,186 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 29,685 total views

 29,685 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 29,680 total views

 29,680 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 29,680 total views

 29,680 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 29,681 total views

 29,681 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top