Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nagpahayag ng pakikiisa sa SAF 44 massacre

SHARE THE TRUTH

 26,943 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paggunita ng ika-9 na anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan nasawi ang 44 na PNP-Special Action Force troopers na tinaguriang SAF 44.

Ayon kay Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang naganap na Mamasapano encounter ang nananatiling pinakamadugong paalala sa nagpapatuloy na armadong sagupaan sa bansa.

Pagbabahagi ng Obispo, kaisa ng mga naiwang kaanak ng SAF 44 ang Simbahang Katolika sa patuloy na pananawagan ng katarungan at pagpapanagot sa kung sino ang may kasalanan sa pagkasawi ng 44 na PNP-SAF troopers sa gitna ng operasyon.

“The Mamasapano clash remains a stark reminder of the devastating human cost of armed conflict… We stand in solidarity with the families who continue to grieve their loved ones and demand accountability for their sacrifice.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang tugunan ang ugat ng armadong sagupaan sa bansa upang maiwasan ang mga kahalintulad na pangyayari at insidente ng karahasan.

Partikular na tinukoy ni Bishop Bagaforo ang pagtugon sa kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at kawalang katarungan na nagaganap sa lipunan.

“We call for decisive action to address the root causes of these conflicts, including poverty, inequality, and historical injustices,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Tema ng 2024 Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44 ang ‘Valiant Men with Unparalleled Devotion to God, Country, and People: A Blessing to a Victorious Nation’.

Ginugunita ngayong taon ang ika-9 na anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 164 ang ika-25 ng Enero bilang National Day of Remembrance bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 14,913 total views

 14,913 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 28,873 total views

 28,873 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 46,025 total views

 46,025 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 96,298 total views

 96,298 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 112,218 total views

 112,218 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 15,468 total views

 15,468 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,591 total views

 23,591 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top