Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 293 total views

15th Sunday Year C

Dt 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10:25-37

Sa ating panahon ngayon, dahil sa mga fake news, nawawalan na ng halaga ang salita. Hindi na tayo naniniwala sa basta salita lamang. Kailangan pa natin ito i-verify. Kailangan pa natin ng ibang patotoo. Mga kapatid, ang salita ng Diyos ay kakaiba. Hindi basta-basta nagsasalita ang Diyos. Ito ay salang-sala. Hindi nagsisinungaling ang Diyos. Siya ay totoo. Kaya ang kanyang salita ay katotohanan. At ang salita ng Diyos ay buhay at nagbibigay ng buhay. Kaya binanggit natin sa ating salmong tugunan: Your words, Lord, are Spirit and life.

Ang Diyos ay nagsasalita sa atin kasi mahal niya tayo. Hindi siya naglilihim sa atin. Kaya ang salita ng Diyos ay tanda ng kanyang pagmamahal sa atin. Nag-re-relate siya sa atin. Kaya magpasalamat tayo sa kanyang salita at magpasalamat tayo na nagsasalita siya sa atin. Ang salita ng Diyos ay naaabot natin. Hindi ito malayo sa atin na kailangan pa natin sungkutin sa langit o kailangan pa tayong tumawid ng dagat o ng bundok para maabot. Sinabi ni Moises sa unang pagbasa natin na ito ay nasa inyong labi at nasa inyong puso.

Totoo ito kasi ang ating konsensya ay ang munting tinig ng Diyos sa ating budhi. Nalalaman natin ang pinapagawa ng Diyos at ang ayaw niya kung pakikinggan lamang natin ang ating budhi. Hindi nga naglilihim ang Diyos sa atin. Pakinggan lang natin at sundin ang ating budhi.

Ganyan ang ginawa ng Samaritano sa talinhaga ni Jesus. Masama ang tingin ng mga Hudyo sa mga Samaritano. Para sa kanila hindi sila totoong tagasunod ni Moises. Mali ang kanilang paniniwala sa Diyos. Hindi tamang salita ng Diyos ang alam nila. Pero ang Samaritano sa kwento ni Jesus ay nagpadala sa kanyang mahabaging puso. Noong makita niya ang nakahandusay at sugatan na tao sa daan, naawa siya sa kanyang kapwa tao. Hindi man niya inusisa kung sino siya, kung taga-saan siya o kung ano ang kanyang relihiyon. Nakita niya ang isang kapwa tao na nangangailangan. Agad tumigil siya sa anumang lakad niya. Walang mas mahalaga kaysa isang kapwa tao. Kung anuman ang mayroon siya ay kanyang binigay para makatulong. Wala naman siyang kahandaan o training para magbigay ng first aid. Nilinis niya ang dugo, binuhusan ng langis at alak na dala niya. Maaaring ito ay baon niyang pagkain sa daan. Isinakay sa kanyang asno at pinaalaga sa bahay tuluyan na may pangako na hindi niya ito pababayaan. Babalikan niya at babayaran kung may gastos sa pag-aalaga sa kanya. Ang habag sa kapwa na nasa puso niya ay kanyang isinagawa. Spontaneous ang kanyang ginawa. Hindi siya nagbasa ng Bibliya o nagkonsulta muna sa isang dalubhasa. Kakaiba siya sa mga tao na dapat alam ang batas ng Diyos kasi sila ay malapit sa templo – sa isang pari at isang sacristan. Palagi silang nagkikinig sa salita ng Diyos na binabasa sa kanila. Palagi silang sumasamba sa Diyos sa templo. Nakita nila ang tao pero dinaanan lang. Nakita nila pero hindi sila nahabag. Nawala ang kanilang pagkatao.

Ang kwentong ito ay sagot ni Jesus sa tanong sa kanya kung anong gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang sagot ay nasa Banal na Kasulatan – mahalin ang Diyos ng higit sa lahat at mahalin ang kapwa ng tulad ng sarili. Tama naman ang sagot. Walang problema ang pagmamahal sa Diyos. Isa lang ang Diyos na dapat mahalin. Pero mayroong maraming kapwa tao. Kaya ang tanong: Sino ba ang aking kapwa? Ang tanong ay, sino ba ang aking kapwa na mamahalin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Tanong din natin iyan – ang kamag-anak ko ba? Ang kapwa kristiyano ba? Ang matuwid na tao ba? Sa pamamagitan ng kwentong ito, nagbago ang tanong. Sino ba ang naging kapwa ng taong nabiktima ng mga tulisan? Ang sagot ay ang nahabag sa kanya. Sinasabi sa atin ni Jesus: huwag mong hanapin ang kapwa na dapat mahalin.

Sa halip, maging kapwa ka sa kanino mang taong nahihirapan. Makipagkapwa ka sa kanya na makakatagpo mo sa daan na nangangailangan. Magagawa mo lamang ito kung kumikilos ka ayon sa habag na nakatanim sa iy
ong puso. Ang habag na iyon ay ang salita ng Diyos na nakatanim sa ating budhi. Gawin natin ito at tayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

Committed ang Diyos sa atin na ang kanyang salita ay nasa budhi ng bawat isa sa atin. Hindi lang! Ganoon siya ka-committed sa kanyang Salita na ito ay nagkaroon ng laman. Ang Salita ng Diyos ay naging tao. Kaya nagkaroon ng mukha ang salita ng Diyos. Ito ay si Jesukristo. Siya ang mukha ng Diyos na hindi nakikita. Kaya ang salita ng Diyos ay hindi lang nasa puso natin. Ito ay kasama na natin sa ating paglalakbay. Tinuruan niya tayo at pinakita niya sa atin kung papaano magmahal sa Diyos at sa kapwa. Ito ang ipinagdiriwang natin sa bawat misa – ang pag-aalay ni Jesus sa Diyos Ama. Mahal niya ang Diyos Ama nang higit sa lahat, higit pa sa kanyang sariling buhay. Inialay din ni Jesus ang sarili niya para sa atin kahit na makasalanan tayo. Walang siyang pinipili kung sino ang mamahalin niya. Lahat, lalo na ang mga makasalanan, ay minamahal niya. Sa Banal na Misa walang makasasabi na hindi ako karapat-dapat mahalin ng Diyos. Ang kanyang dugo ay ibinuhos para sa lahat!

Nandito ang salita ng Diyos upang gabayan tayo sa buhay na walang hanggan. Gawin natin ito. Sa ating panahon, parang tumitigas na ang ating puso. Nawawala na ang habag. Nagiging manhid na ang ating konsensya. Nangyayari ito kasi nagiging makasarili na lang tayo. Wala na tayong pakialam sa iba, laloung-lalo na sa mga hindi natin kaano-ano. Pinupukaw uli tayo ng salita ng Diyos na makipagkapwa sa kaninumang nangangailangan. Maglaan palagi ng kahit kaunti upang makatulong sa kapwa. Ito ang diwa ng Pondo ng Pinoy. Araw-araw nagtatabi tayo ng kahit na kaunti para sa nangangailangan upang magbigay ng puwang sa habag para sa iba. Kahit na tayo mismo ay may pangangailangan, may mga tao pang mas nangangailangan. Matuto tayo palagi na maging open to give, bukas para magbahagi! Iyan ang patungong langit!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 13,053 total views

 13,053 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 27,113 total views

 27,113 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 45,684 total views

 45,684 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 70,673 total views

 70,673 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Homily July 20, 2025

 3,699 total views

 3,699 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle C Gen 18:1-10 Col 1:24-28 Lk 10:38-42 Isa sa mainit sa usapin ngayon sa ibang bansa at

Read More »

Homily July 13, 2025

 6,900 total views

 6,900 total views 15th Sunday in Ordinary Time Cycle C Deut 30:10-14 Col 1:15-20 Lk 10: 25-37 Hindi natin magagawa ang hindi natin nalalaman. Kung hindi

Read More »

Homily July 6, 2025

 10,864 total views

 10,864 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle C Is 66:10-14 Gal 6:14-18 Lk 10:1-12.17-20 “Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.” Galak at tuwa ang

Read More »

Homily June 29, 2025

 16,149 total views

 16,149 total views Solemnity of St. Peter and Paul St. Peter’s Pence Sunday Acts 12:1-11 2 Tim 4:6-8.17-18 Mt 16:13-19 Noong taong 64 nagkaroon ng matinding

Read More »

Homily June 22, 2025

 18,155 total views

 18,155 total views Corpus Christi Sunday Gen 14:18-20 1 Cor 11:23-26 Lk 9:11-17 Ang taong nagmamahal ay malikhain. Naghahanap siya ng mga pamamaraan upang makapiling niya

Read More »

AVT LIHAM PASTORAL

 33,605 total views

 33,605 total views Magdasal para sa Kapayapaan “Mapalad ang gumagawa ng paraan para sa kapayapaan sapagkat sila’y tatawagin na mga anak ng Diyos.” (Mateo 5:9) Mga

Read More »

Homily June 15, 2025

 23,237 total views

 23,237 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle C Basic Ecclesial Community Sunday Prv 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15 Kapag tayo ang nanonood ng

Read More »

Homily June 8 2025

 30,188 total views

 30,188 total views Pentecost Sunday Cycle C Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Si Jesus ay umakyat na sa langit. Iniwan na ba niya tayo?

Read More »

Homily May 25, 2025

 34,836 total views

 34,836 total views 6th Sunday of Easter Cycle C Acts 15:1-2.22-29 Rev 21:10-14. 22-23 Jn 14:23-29 “Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Napakasarap pakinggan ang pananalitang

Read More »

Homily May 18, 2025

 37,720 total views

 37,720 total views 5th Sunday of Easter Cycle C Acts 14:21-27 Rev 21:1-5 Jn 13:31-35 Tapos na ang eleksyon. Masaya ba kayo sa resulta? Siyempre hindi

Read More »
1234567