Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,020 total views

15th Sunday in Ordinary Time

Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23

Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula lang sa iilang tao noong si Jesus ay umakyat sa langit, ang mga kristiyano ngayon ay mahigit na 1.3 bilyon na mga tao sa buong mundo, 17.7% ng populasyon ng buong mundo. Sinubukan na ito ay supilin at lipulin ng maraming mga makapangyarihang mga kaharian at mga tao, ngunit patuloy pa itong lumalago. Inusig ito ng mga Romano ng higit na tatlong daang taon. Napakaraming mga kristiyano ang ipinako sa krus, pinakain sa mababangis na mga hayop, pinugutan ng ulo at sinunog. Nawala na ang Roman empire pero nandiyan pa ang simbahan. Naging Kristiyano pa nga ang mga Romano. Sa ating panahon, inusig ito ni Stalin ng Russia, ni Mao Tse-tung ng Tsina, ngunit wala ring nangyari. Kahit si dating presidente Duterte noon ay nagwika na mawawala ang simbahan, pero nandiyan pa rin ito. Siya ang nawala sa eksena, hindi ang simbahan. Makapangyarihan ang simbahan. Saan nanggaling ang kapangyarihang ito? Sa Salita ng Diyos! Ito ang tanging sandata ng simbahan. Makapangyarihan ang Salita ng Diyos kasi ito ay galing sa Espiritu Santo. Ang Salita ng Diyos ang nagpapalawak ng kaharian ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang nagpapatatag nito. Ang Salita ng Diyos ay palaging mabisa.

Inihambing ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa ang Salita ng Diyos sa ulan at sa niyebe. Kapag ito ay pumatak sa lupa, parang walang nangyari. Sumusuot ito sa lupa at parang nawawala. Pero may epekto ito. Nagpapasibol ito ng mga tanim na siya naman nagiging pagkain ng mga hayop at ng mga tao. Mabisa ang Salita ng Diyos. Nagbibigay ito ng buhay.

Nagbibigay din ito ng pag-asa sa buhay. Narinig natin sa ating ikalawang pagbasa na ang sangnilikha ay palalayain sa pagkaalipin sa kabulukan at makikihati ito sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos. Hindi lang tayong mga tao ang ililigtas, kasama natin sa kaligtasan ang buong sangnilikha. Ang kaligtasang ito ay labis na labis sa ma-iimagine natin. Higit sa ating maiisip ang kaluwalhatian na mapapasaatin. Kaya balewala ang anumang kahirapan na dinadanas at tinitiis natin ngayon. Sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok na dinadaanan natin, binibigyan tayo ng pag-asa ng Salita ng Diyos. Kaunting langit lang, sulit na ang lahat!

Makapangyarihan, epektibo, at mabunga ang Salita ng Diyos. Pero depende din sa atin kung mararanasan natin ang kapangyarihang ito. Ang binhi ay may buhay pero sisibol lang ang buhay na ito depende sa lupa na tumatanggap dito. Ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos ay mararanasan natin depende sa ating pagtanggap sa kanya.

Anong klaseng lupa ba tayo? Saan ba pumapatak ang binhi ng Diyos? Ang binhi na pumapatak sa daanan ay hindi nabubuhay. Hindi nakaka-penetrate ang binhi sa lupa. Maraming nakakarinig ng Salita pero dahil sa wala ang attention nila dito, hindi ito nakakapasok sa kanilang pag-iisip. Napakaraming bagay na naririnig lang natin pero hindi natin iniisip. Baka isa na diyan ay ang Salita ng Diyos? May iba naman na naririnig nga ang salita at masaya pang tinatanggap, pero hindi rin nakakaugat sa kanilang buhay dahil sa mababaw sila. Manipis ang lupa sa kanila. Matigas ang ilalim, mabato. Maaaring matigas ang ulo o matigas ang puso. Siguro mayabang, kaya pag dumating na ang kahirapan dahil sa demands ng Diyos, kasi mababaw ang lupa, walang ugat, madaling malanta ang Salita. Namamatay agad ang magagandang balak niya na sumunod sa Diyos.

May mga tao naman na marami ang pinagkakaabalahan. Iyan iyong lupa na puno ng tinik, dawag at damo. Malakas ang kakumpitensiya ng Salita ng Diyos. Abalang-abala na magpayaman. Ang kanilang katanyagan ang pinapansin, na sila ay makilala na maganda o makapangyarihan. Nawalan ng puwang ang Diyos sa kanilang puso. Hindi rin nabubuhay sa ganitong mga tao ang binhi ng Salita. Pero kung ang binhi ay tinanggap tulad ng matabang lupa, ito ay mamumunga ng masagana – tig-sasandaan, tig-aanimnapu o tig-tatatlumpu, depende gaano kataba ang lupa. Kaya nga binanggit natin sa ating tugon sa Salmong Tugunan: NAGBUNGA NANG MASAGANA, BINHI SA MABUTING LUPA.

Nagpapasalamat tayo sa Diyos na patuloy na nagpapadala sa atin ng mga manghahasik ng kanyang Salita. May Santo Papa tayo, may mga obispo, may mga pari at lay ministers, may mga katekista at mga magulang na patuloy na nangangaral sa atin ng Salita ng Diyos. Maniwala tayo na mabisa ang kanilang mensahe. Ito ay nagbibigay ng buhay at ng pag-asa sa ating buhay. Pero pagsikapan din natin na ang Salita na ating naririnig ay mabuhay at mamunga sa atin. Pagsikapan natin na maging mabuting lupa tayo. Hindi sana tayo maging daanan lang ng maraming mga bagay na uso o nasa moda, mga tagapagmasid lang sa buhay at hindi involved. Huwag nating hayaan na tayo ay maging daanan lang.

Bungkalin natin at tibagin ang ating katigasan ng ulo. Matuto tayong magpakumbaba at hindi lang tanggapin ang gusto o nakasanayan na natin. Palambutin natin ang ating puso upang magkaugat sa atin ang Salita ng Diyos. Ang maging concern sana natin ay ang mga bagay tungkol sa Diyos, tungkol sa katarungan at katotohanan, at hindi ang mga makamundong bagay tulad ng ating kayamanan o pagkabantog. Sinabi ni Jesus na hanapin muna natin ang kaharian ng Diyos at ang lahat na kailangan natin ay ibibigay niya sa atin.

Maging matabang lupa tayo. Paano? Patabain natin ito ng mabubuting gawa, ng ating pagbabalik-handog at pagpopondo ng Pinoy. Diligan natin ito ng panalangin at pakikiisa sa mga gawain ng simbahan. Magbasa tayo ng Bibliya. Anumang pagsubok na dumating, magiging matatag ang ating pananampalataya kasi kumikilos ang kapangyarihan ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita. Pakilusin natin ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa ating buhay.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,527 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 19,857 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 42,416 total views

 42,416 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,151 total views

 115,151 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,433 total views

 146,433 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,449 total views

 178,449 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 328,564 total views

 328,564 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 2, 2026

 13,391 total views

 13,391 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 15,102 total views

 15,102 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 20,447 total views

 20,447 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 5, 2026

 34,440 total views

 34,440 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »
Scroll to Top