Opisyal ng CBCP, nanawagan ng pananagutan at paggalang sa rule of law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,044 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at paggalang sa ‘rule of law’ kaugnay ng mga usapin ng katiwalian at impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang programang Veritasan sa Radyo Veritas, sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs, nananatiling malinaw ang paninindigan ng Simbahan na dapat manaig ang legal at demokratikong proseso sa pagresolba ng mga kontrobersiyang kinahaharap ng bansa.

Sinabi ni Fr. Secillano na suportado ng Simbahan ang pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan, kabilang ang masusing imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian gaya ng usapin sa flood control funds.

Gayunman, nilinaw niyang walang kapangyarihang magsiyasat o magsampa ng kaso ang Simbahan.
“Ang Simbahan ay walang police powers at wala ring investigative powers. Ang meron kami ay moral suasion,”ani Secillano.

Binigyang-diin niya na sa pamamagitan ng mga pahayag, homiliya at panawagan, hinihikayat lamang ng Simbahan ang mga institusyon ng pamahalaan na gampanan ang kanilang mandato.

Iginiit din niya na mali ang pananaw na nananahimik ang Simbahan sa mga usapin ng katiwalian.

“No, we are not quiet…we are standing up for the common good. We are standing up for what is just. We are standing up for what is, you know, sabi nga natin, legal.” Ani Fr. Secillano.

Kaugnay naman ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, sinabi ni Fr. Secillano na hindi kaaway ng Simbahan ang Bise Presidente at hindi rin bahagi ng paglilitis ang mga obispo at pari.

Aniya, “Ang impeachment ay isang constitutional at political process. Hindi mga obispo o pari ang mga hukom dito.”

Ipinaliwanag din niyang bagama’t may ilang pari na naghain ng reklamong impeachment, hindi ito nangangahulugang opisyal na paninindigan ng buong Simbahang Katolika.

Sa halip, sinabi niyang iginagalang ng Simbahan ang kalayaan ng bawat mamamayan na gamitin ang mga demokratikong mekanismong nakasaad sa batas.

“Let the whole process take its course, and let the democratic processes be applied, and then the rule of law also be applied,” pahayag ni Fr. Secillano.

Sa huli, hinimok ng pari ang publiko na ipagdasal ang lahat ng sangkot sa impeachment proceedings upang manaig ang katotohanan, katarungan at kabutihang panlahat.

“And then yung mga kababayan natin, mga Pilipino, ipagdasal din po natin na sana makamtan din natin yung hustisya. And then yung mga tao sa gobyerno, ipagdasal natin na sana hipuin sila ng Panginoon na gawin nila kung ano yung tama at makabubuti para sa bayan at taumbayan.,” pagtatapos ni Fr. Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,202 total reads

 10,202 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,711 total reads

 49,711 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 85,011 total reads

 85,011 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,280 total reads

 311,280 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,042 total reads

 204,042 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,554 total reads

 7,554 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top