Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 400 total views

14th Sunday of Ordinary Time Cycle A

Zech 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30

“Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos.” Nananahan na nga sa atin ang Espiritu ng Diyos. Ibinigay siya sa atin sa binyag kaya ang ating katawan ay naging Templo ng Espiritu Santo. Mas lalong pinalakas ang kapangyarihan ng Espiritu Santo noong tayo ay kinumpilan.

Pero ano ang ibig sabihin ng mamuhay ayon sa Espiritu ng Diyos at hindi ayon sa laman? Ano ba ang batayan ng ating pininiwala – ang kalakaran ng mundo o ang kalakaran ng Diyos? Kumikilos ba tayo ayon sa anong ginagawa ng mga tao o ayon sa ginawa at sinasabi ni Jesukristo? Ngayong Linggo may panawagan at sinasabi si Kristo na kakaiban sa ginagawa sa mundo.

Gusto natin na maging panatag ang buhay natin. Ayaw naman natin na mamuhay ng walang kasiguraduhan, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa atin bukas. Ano ba ang nagbibigay sa atin ng kapanatagan? Para sa marami sa mundo natin, nagiging panatag sila kung may hawak silang kaalaman. Kaya sila ay nag-aaral, sila nag re-research. Gusto nilang maging wise sa mga bagay ng mundo, maging iyan ay sa business, o sa politika o sa kanilang trabaho. Ang iba ay nagiging panatag kung sila ay may kapangyarihan. Masusunod ang gusto nila, kaya galit sila kapag may gumagawa ng ayaw nila. Sila ang dapat masusunod. Ang iba ay panatag kung sila ay may pera. Nandito ang kasiguraduhan nila. Mabibili nila ang gusto nila. May mahuhugot sila kapag may kailangan sila. Panatag sila kapag sila ang may hawak – may hawak na kaalaman, may hawak na kapangyarihan, may hawak na yaman. Ito ay ang namumuhay ayon sa laman.

Iba ang namumuhay ayon sa Espiritu ng Diyos. Ang nagbibigay ng kapanatagan sa atin ay ang Diyos. Kumakapit tayo sa kanya. Ang hawak natin ay walang iba kundi ang tiwala na mahal tayo ng Diyos kaya hindi niya tayo pababayaan. Isang mapagmahal na Ama siya. Ibinigay na niya sa atin ang kanyang kaisa-isang anak. Ano pa kaya ang hindi niya maibibigay sa atin? Bakit abalang-abala tayo? Hindi nga niya napapabayaan ang mga ibon at ang mga isda, tayo pa kaya na ginawang kawangis niya, na tinubos na ng kanyang Anak? Kaya sa halip na maniwala sa ating kakayahan, maniwala tayo sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Sa halip na maging mayabang dahil sa may hawak tayong kaalaman, may hawak tayong technology, may hawak tayong pera at kapangyarihan, tayo ay mapagkumbabang umaasa kasi hindi tayo pababayaan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa may kababaang loob dahil sa believe siya sa Diyos. Ang espiritu ng mundo ay believe sa sarili at ito ay mayabang. Sinabi ni Propeta Zacarias sa ating unang pagbasa na dumadating ang Diyos bilang matagumpay na hari pero sa paraan ng kababaang loob. Ang mga hari at ang mga generals na matagumpay ay dumadating na nakasakay sa kabayong pandigma, o sa ating panahon pa, sa tangke de giyera o sa bullet proof na sasakyan. Pero dumating ang matagumpay na Diyos na nakasakay sa isang bisirong asno, o sa ating panahon, sa isang traktora o sa isang topdown na motorsiklo. Ang tagumpay sa mundo ay napapakita sa pagsupil sa kaaway. Natalo ang kaaway. Ang tagumpay ng Diyos ay napapakita sa tagumpay ng katarungan. Nagkaroon ng kapayapaan hindi dahil sa natalo ang kaaway, kundi dahil sa nagkaroon ng pakikipagsundo. May kapayapaan dahil sa magkaibigan na, nagkakasundo na, ang dalawang magkaaway na panig.

Talagang kakaiba ang paraan ng mundo at ang paraan ng Diyos. Dito sa Pilipinas ilang taon nang kinakalaban ng military ang mga rebelde. Ang daming armas na nabili upang tapusin ang rebelyon pero nandiyan pa rin ang mga encounters. Kung ang pera na ginamit sa pagbili ng armas, ang perang ginamit sa pagpapadala ng maraming sundalo ay ginamit na tumulong sa mga walang lupa at walang trabaho, ginamit ang pera sa pagtulong sa mga magsasaka, mga manggagawa, mga mangingisda, nawala na ang rebelyon noon pa. Hindi dahas at armas ang magbibigay ng kapayapaan, kundi ang katarungan at pagkikipagkasundo. Hindi barilan kundi pag-uusap. Hindi pagbibintang tulad ng red-tagging kundi tiwala sa kapwa tao.

Sa ating ebanghelyo nagpapasalamat si Jesus sa kanyang Ama sa langit sapagkat ang pinapahalagahan niya ay ang mga maliliit na tao, ang mga may pusong bata, at hindi ang mayayabang at marurunong sa mundo. Ang mga maliliit na tao ang mas nakakaintindi at sumusunod sa mga paraan ng Diyos at hindi ang matatalino at mayayabang. Ang mga matalino kuno ay siya ang mga pilosopo na maraming dahilan upang hindi magsimba, upang hindi makiisa sa simbahan. Ang mga may mababang loob ang nakikiisa, ang nakikipagtulungan, ang nananalig na hindi sila pababayaan ng Diyos na nagmamahal sa kanila.

Kaya kapag tayo ay nahihirapan sa buhay, tugunan natin ang paanyaya ni Jesus na lumapit sa kanya at bibigyan niya tayo na kapahingahan. Dito rin nagkakaiba ang paraan ng laman at ng Espiritu ng Diyos. Para sa mga taong makamundo, nakakapagpahinga sila kapag wala silang ginagawa. Iba si Jesus. Sabi niya: “Kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok at tularan ninyo ako.” Nagkakaroon tayo ng kapahingahan kung sumusunod tayo sa kanya at nagse-serve tayo. Hindi ba nararamdaman natin ito? Sa ating pakikiisa sa pagse-serve, tulad ng sa pagdalaw sa may sakit, sa paglinis ng simbahan, o anumang gampanin sa nangangailangan, mas gumagaan ang ating loob, mas nagiging masigla tayo. Sa ating pagpapakumbaba na magkumpisal, nagiginhawahan tayo. Sa ating pagdarasal, mas lalong nabubuhayan ang ating loob.

Lumapit tayo kay Jesus. Hindi siya nanlilinlang sa atin. Mamuhay tayo ayon sa kanyang Espiritu, ayon sa kanyang paraan. Papalakasin tayo at bibigyan niya tayo ng kapanatagan sa ating buhay. Pagiginhawahin niya ang ating buhay. Sinabi niya sa atin: Ako ay naparito upang bigyan kayo ng buhay, ng isang buhay na kaaya-aya, buhay na masaya at magsigla.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 1,770 total views

 1,770 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 9,252 total views

 9,252 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 22,392 total views

 22,392 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 28,365 total views

 28,365 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 34,120 total views

 34,120 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 603 total views

 603 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,917 total views

 2,917 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 9,044 total views

 9,044 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,173 total views

 7,173 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,456 total views

 9,456 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,362 total views

 12,362 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,301 total views

 13,301 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,295 total views

 13,295 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,013 total views

 17,013 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,859 total views

 18,859 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,856 total views

 18,856 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,365 total views

 23,365 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,681 total views

 28,681 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,839 total views

 30,839 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,996 total views

 32,996 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top