Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 206 total views

2nd Sunday of Lent Cycle C

Gen 15:5-12.17-18 Phil 3:17-4:1 Lk 9:28-36

Magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay-pananampalataya. Ito ang paanyaya sa atin ngayong ikalawang linggo ng kuwaresma. Huwag tayong tumigil sa pagsisikap sa panalangin, pagkakawanggawa at pagpepenitensiya. Upang huwag tayong manghina, nagbibigay ang Diyos ng mga assurance sa atin.

Sa ating unang pagbasa nagsalita ang Diyos kay Abram. Iniwan ni Abram ang kanyang mga kamag-anak sa Haran dahil sa salita ng Diyos na bibigyan siya ng isang malaking angkan. Inilabas siya ng Diyos isang gabi at pinakita sa kanya ang maraming mga bituin sa langit. Ganyan karami ang magiging angkan na magmumula sa kanya. Naniwala si Abram at siya’y kinalugdan ng Diyos. Isang araw, itinabi din si Abram ng Diyos at pinakita sa kanya ang lupain na ibibigay niya sa kanyang angkan. Napatanong si Abram: “Panginoon, paano ko malalamang ito’y magiging akin?” Bilang assurance sa kanya na patuloy siyang manalig, ang Diyos ay gumawa ng pagtitipan sa kanya. Noong panahon, ang seremonyas ng pagtitipan ay very dramatic. Pinakatay sa kanya ang isang baka, ang isang kambing at ang isang tupa at biniyak ang mga ito. Ganoon din pinakatay sa kanya ang isang kalapati at isang ibong bato-bato. Pagdating ng gabi dumating ang Diyos sa anyo ng palayok na umuusok at nagniningas na sulo. Ang mga ito ay dumaan sa gitna ng mga pinatay namga hayop.

Ang seremonyas na ito ay nagsasabi na kung hindi tutuparin ng nangangako ang tipan, magiging tulad sila ng mga hayop na kinatay at biniyak. Ang Diyos mismo ang dumaan sa mga pinatay na hayop. Tinali ng Diyos ang kanyang sarili sa kanyang pangako. Kung sa atin pa, sasabihin ng nangako: mamatay man ako kung hindi ko ito gagawin. Nagbigay ang Diyos ng patotoo kay Abram upang siya ay patuloy na manalig. Tinatali ng Diyos ang kanyang sarili sa kanyang salita. Ito ang assurance ng Diyos.

Sa ating ebanghelyo naman nagbigay din ang Diyos ng assurance sa tatlong leaders ng mga apostol, kay Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula na noon na magsalita si Jesus nang hayagan tungkol sa kanyang pagpunta sa Jerusalem kung saan siya ay dadakpin, paparusahan, papatayin at doon din siya muling mabubuhay. Hindi pumasok sa isip at pang-unawa ng mga alagad ang usapin ng muling pagkabuhay kasi wala naman silang karanasan kung ano ito. Ang napapakinggan nila ay papasakitan siya at papatayin. Alam nila paano pinapasakitan ng mga Romano ang mga kaaway nila at paano sila pinapapatay. Kaya maaaring nanghihina na ang loob ng mga alagad.

Ganado sila noon na sumunod kay Jesus kasi magaling siya magsalita at makapangyarihan siya sa pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng demonyo. Sikat si Jesus sa mga gawaing ito at dinudumog siya ng mga tao. Pero ngayon, tila baga nagbago na ang tono ni Jesus. Ang sinasabi niya ay ang kanyang pagpapakasakit at ang pagpatay sa kanya. Ibang usapan na yata ito. Kaya dinala sila ni Jesus sa bundok upang doon ay bigyan ng assurance na hindi sila nagkamali sa pakikinig at sa pagsunod sa kanya.

Pinasilip sila ng kaluwalhatian ni Jesus. Hindi naman iniwan ni Jesus ang kanyang pagka-Diyos noong siya ay naging tao. Tinakpan lang ang kanyang pagka-Diyos ng kanyang pagkatao. Pero ngayon pinalabas niya ang kanyang anyo ng pagka-Diyos. Napakaganda ang ganitong pangitain na biglang nasabi ni Pedro na huwag na silang umalis doon. Gagawa na lang sila ng mga kubol upang manatili sila sa ganyang kaluwalhatian. Isa pang assurance ay ang pagpapakita ni Moses at ni Elias. Si Moises ay kumakatawan sa mga Batas at si Elias sa mga propeta. Ito ang dalawang mahahalagang bahagi ng Lumang Tipan – ang aklat ng mga Batas at ang aklat ng mga propeta.

Nag-uusap sila kasama ni Jesus at ang pinag-uusapan nila ay ang tungkol sa nalalapit na pagpanaw ni Jesus sa Jerusalem. Ang mangyayari pala kay Jesus ay naaayon sa sinasabi ng mga Batas at ng mga propeta. Ito ay naaayon sa plano ng kaligtasan. At ang pangatlong assurance ay ang tinig na galing sa alapaap na bumalot sa kanila. Ito ay ang tinig ng Diyos Ama na madalas magsalita mula sa ulap. Sabi ng tinig: “Ito ang aking anak, ang hinirang. Siya ang inyong pakinggan.” Hinihikayat ng Ama na sumunod sila kay Jesus. Tama ang kanyang sinasabi. Minamahal siya ng Diyos Ama. Ang karanasang ito ay nagbigay ng lakas sa mga alagad na samahan si Jesus sa Jerusalem kahit na mahirap intindihin o ayaw nilang intindihin ang kanyang mga pangungusap tungkol sa kahirapan, tungkol sa krus at tungkol sa kamatayan. At noong Siya ay muling nabuhay, naalaala nila na nagsalita na pala siya tungkol dito.

Ang pagbabagong anyo ni Jesus ay nagpapalakas din ng loob natin at tinuturo sa atin kung saan tutungo itong pagpepenitensiya, pagdarasal at pagkakawanggawa na ginagawa natin. Ito ay patutungo din sa ating pagbabago. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na sa pagdating ng araw, babaguhin ni Kristo ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati tulad ng kanyang katawan. Kung tayo nga ay nakikiisa sa kanyang pagdadalamhati, makikiisa din tayo sa kanyang kaluwalhatian. Hindi lang natin pagmamasdan ang kanyang kaluwalhatian tulad ng balak ni Pedro. Magiging maluwalahati din tayo tulad niya! Diyan tutungo ang ating mga gawain ngayong kuwaresma!

Kaya sana ngayon huwag tayong mamuhay bilang mga kaaway ng krus ni Kristo. Huwag nating itakwil ang krus. Huwag nating talikdan ang mga kahirapan na dumadating sa ating pagsisikap na maging katulad ni Kristo. Huwag nating gawing diyos ang mga hilig ng katawan. Hindi ito ang nahapin natin. Huwag natin ipagmalaki ang mga bagay na panlupa lamang na lilipas din. Hindi naman tayo panlupa. Dumadaan lang tayo sa lupa pero hindi tayo para rito. Ang tunay na tahanan natin ay makasama ang Diyos. Magpakatatag tayo sa paglalakbay patungo doon.

Pero habang hinahangad natin ang pagpunta sa langit, sikapin din natin na ayusin ang mundong tinitirhan natin dito. Isabuhay na natin sa mundong ito ang kalagayang gusto nating maranasan sa langit. Kapayapaan ang matatamasa natin sa langit. Inaasam ba natin na magkaroon ng kapayapaan sa mundo natin? Nababahala ba tayo na may sumiklab na digmaan sa Ukraine, na ito ay inaapi ng dambuhalang Russia? Mabahala tayo; ipagdasal natin na mapigil na ang digmaan doon at sa iba pang bansa tulad ng sa Yemen at sa Central African Republic. Sa langit panatag ang ating loob kasi doon ay walang kasinungalingan at panlilinlang. Kaya sikapin din natin dito pa lang sa lupa na huwag tayo magpadala sa panlilinlang at ikalat natin ang katotohanan, hindi ang kasinungalingan sa social media, lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Masaya ang langit kasi doon ay may pagmamahalan. Ginagawa ba natin iyan ngayon? Tumutulong ba tayo sa nangangailangan? Nagpapatawad ba tayo sa nagkasala sa atin? Kaya mga kapatid, ang pagbabagong anyo ay hindi lang biglang mangyayari sa atin. Dahan-dahan, sa abot ng ating makakaya, magbago na tayo at sa gayon makikita ng Diyos na handa na tayong baguhin na maging maluwalhati na kasama niya. Kaya magpakatatag tayo sa ating pamumuhay na kaugnay sa Panginoon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 3,653 total views

 3,653 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 16,793 total views

 16,793 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 22,766 total views

 22,766 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 28,521 total views

 28,521 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 35,783 total views

 35,783 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 357 total views

 357 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,671 total views

 2,671 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,798 total views

 8,798 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,927 total views

 6,927 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,210 total views

 9,210 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,116 total views

 12,116 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,055 total views

 13,055 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,049 total views

 13,049 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,767 total views

 16,767 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,613 total views

 18,613 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,610 total views

 18,610 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,119 total views

 23,119 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,435 total views

 28,435 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,593 total views

 30,593 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,751 total views

 32,751 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top