WWFN, inaanyayahan ang mamamayan na makinahagi sa Earth hour 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 846 total reads

Muling inaanyayahan ng World Wide Fund for Nature – Philippines ang mamamayang Filipino na makibahagi sa taunang pagdiriwang ng Earth Hour na may temang “Shape Our Future”.

Muli itong isasagawa sa pamamagitan ng online sa March 26, 2022 kung saan sa ganap na alas-8:30 ng gabi ay sabay-sabay na papatayin ang lahat ng mga ilaw at kagamitang de kuryente sa loob ng isang oras.

Sa media launching ng Earth Hour 2022, sinabi ni Attorney Angela Ibay, WWF-Philippines Climate and Energy Program Head na sa pamamagitan ng Earth Hour, mahihikayat nito ang bawat Pilipino na ipahayag ang mga boses na makakatulong upang mapangalagaan ang inang kalikasan at mahubog nang wasto ang kinabukasan ng lipunan.

“We want people to lend their voices as we’re shaping our future, and hopefully, we’ll be changing the ending for the positive – for both people and the planet,” pahayag ni Ibay.

Napapanahon din ang pagdiriwang ng Earth Hour ngayong nalalapit na Eleksyon dahil magsisilbi itong inspirasyon sa pagbuo ng kolektibong pagkilos para sa kalikasan.

Ito’y sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan partikular na sa mga usaping dapat na pagtuunan ng pansin ng bawat mamamayan lalong-lalo na ng mga lider ng bansa.

“It is for the Filipino voters, for the sake of our children, to let our leaders know that nature is important to you so that it will be important to them,” ayon kay WWF-Philippines Executive Director Katherine Custodio.

Magugunita noong nakaraang taon nang ipagdiwang din ang Earth Hour na may temang “Speak Up for Nature” na hinikayat naman ang mamamayan na ipahayag at ipagtanggol ang karapatan ng kalikasan upang ipabatid sa bawat pinuno ng mga bansa ang pangangalaga at pagpapahalaga na matagal nang hinaing ng ating nag-iisang tahanan.

15 taon nang isinasagawa ang Earth Hour sa iba’t ibang bahagi ng mundo na unang inilunsad noong 2007 sa Sydney, Australia, at 2008 naman sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,788 total reads

 75,788 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,086 total reads

 154,086 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,533 total reads

 187,533 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,830 total reads

 222,830 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,315 total reads

 446,315 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,676 total reads

 157,676 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top