Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle 3-day Nobenaryo para sa kapistahan ni San Roque sa San Roque De Manila Parish, Sta. Cruz, Manila

SHARE THE TRUTH

 168 total views

Homily
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
3-day Nobenaryo para sa kapistahan ni San Roque sa San Roque De Manila Parish, Sta. Cruz, Manila
August 9, 2018

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magpasalamat sa Diyos na nagtipon sa atin. Siya po ang dahilan kung bakit tayo narito at sama-sama. Magpasalamat tayo sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng isang modelo ng pananampalataya at pagsunod kay Hesus, ang ating patron na si San Roque na tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kagipitan at ng peste pati ang kanyang sariling buhay ay kanyang ibinuwis para lamang makatulong sa kapwa, kaya maganda po ang ating pagdiriwang.

Ang mga pagbasa po natin sa araw na ito ay may magandang paala-ala sa atin, lalo na kung ibig nating maging banal katulad ni San Roque.

Sa unang pagbasa mula kay propeta Jeremias, ipinangako ng Diyos na magbibigay siya sa atin ng bagong puso, ng bagong kalooban. At doon sa ating puso at kalooban, doon niya isusulat ang kaniyang kautusan. Ang kautusan ng Diyos hindi na niya isusulat sa papel na mababasa, hindi sa mga bato katulad nang binigay kay Moises, ang kanyang batas ilalagay na niya sa ating puso, upang doon sa ating kalooban, doon tayo makipagtipan sa kanya. Mula sa puso doon natin mapapakinggan ang kanyang kagustuhan at mula sa puso doon din tayo tutugon, aayon sa kalooban ng Diyos. Kasi po kapag hindi nailagay sa puso ang utos ng Diyos, tayo kalimitan susunod, hindi susunod na naman.

Halimbawa may mga bata dito, eksamin hindi alam ang sagot dun sa isang tanong, titingin, wala namang nakakakita sa akin, ang teacher palakad-lakad, buksan ko kaya yung aking libro pero kung ang kautusan nasa puso, kahit walang nakakakita, kahit walang teacher, sa puso mo hindi ka mandaraya. Pero dahil wala sa puso nasa labas lang wala namang makakakita di pagkakataon ko na ito. Hindi, hindi ganun, o baka meron ditong mga mister, si misis umuwi sa probinsya, wala naman siya hindi niya ko makikita. Hindi naman niya ko mahuhuli.

Sige, magsusugal muna ako, makikipag-inuman muna ako wala naman bantay. Pero kung nasa puso mo ang utos ng Diyos na mahalin mo ang asawa mo, huwag mong dadayain kahit na walang nakakahuli sa puso mo susunod ka. Mga misis, wala naman si mister nasa abroad, hindi naman niya ako makikita makapag-make up nga at makapag pa sexy-sexy diyan. Bata pa naman ako baka meron pang manigaw sa akin.

Kapag nasa puso ang utos ng Diyos kahit walang nakakakita sa puso mo susunod tayo sa Diyos.Doon gusto ng Diyos na mapakinggan natin ang kanyang salita sa puso at sa puso diyan din tayo tutugon. Ang tawag po diyan sabi ng Panginoon ay ang pakikipagtipan sa kanya.

Tipanan, marami tayong tipanan sa buhay kaya lang minsan hanggang dokumento lang.Magpapakasal ang tipanan hanggang pirmahan lang. Magkakaroon ng eleksyon, magkakaroon ng tipanan, yung mga kandidato may pirmahan pa, covenant, pero hanggat hindi nasa puso, puwedeng baliin at itapon.

Kaya mga kapatid ang unang paanyaya sa atin ngayon ilagay sa ating puso ang utos ng Panginoon. At iyan po ang nangyari sa ebanghelyo kay San Pedro at sa mga alagad, tinanong ni Hesus, Ano ba ang sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Magaganda naman ang chismis tungkol kay Hesus, si Hesus pala ay pinagchi-chismisan ng mga tao, pero maganda. Akala ng iba siya si Juan Bautista, akala ng iba siya si propeta Elias, akala ng iba siya si propeta Jeremias.

Maganda ang sabi-sabi tungkol kay Hesus, pero tinanong niya, kayo na kasama ko, sino ako? Kayo na lagi kong kasama, ano ang sabi ninyo sino Ako? Sumagot si Simon sabi niya, kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay. Tama ang sagot ni Simon pero sabi sa kan’ya ni Hesus, Simon, kaya tama ang sagot mo hindi dahil iyan ay natutunan mo kung kaninong tao. Tama ang sagot mo kasi ipinagkaloob sa iyo ng aking Ama sa langit ang katotohanan.

Pedro ang pangalan mo kaya tama ang sagot mo kasi sa puso mo napakinggan mo ang salita ng Aking Ama. Para hindi yumabang si Pedro kasi baka sabihin ni Pedro dun sa labing-isang kasama niya, tingnan niyo ha sa ating labing-dalawa ako lang ang tama ang sagot. Magaling talaga ako, sabi ni Hesus, hindi ka magaling.

Kaya lang mabait ang Diyos, ibinigay sa iyo ang katotohanan. Sa puso ni Pedro, ang problema po ng puso ng tao’y marupok, ka’y daling lumimot. Pinaliwanag ni Hesus kay Pedro at sa mga alagad, anong klaseng mesias siya. Sabi ni Hesus, ako yung mesias na huhulihin at ipapapatay subalit muling mabubuhay sa ikatlong araw.

Sabi ni Pedro, hindi po! Hindi mangyayari yan, hindi pupuwedeng ganyan ang mesias na huhulihin, papatayin. Hindi! Sabi ni Hesus, lumayo ka Satanas! Tatlong beses nag-iba ang pangalan niya Simon, Pedro, Satanas. Si Simon naging Pedro noong nakinig ang puso niya sa Diyos Ama. Nung hindi na siya nakikinig sa Diyos at ang pinakinggan nalang niya ang sarili niyang isip, hindi na siya si Pedro, Satanas na siya.

Sabi ni Hesus, lumayo ka Satanas hadlang ka sa akin, ang iniisip mo’y hindi galing sa Diyos kundi sa tao. Balik na naman sa puso, ang puso ba pinakikinggan ang Diyos? Kapag pinakikinggan ang Diyos, katipan natin si Hesus. Pero kapag ang puso hindi na ang Diyos ang pinakikinggan kundi ang sarili na lamang, ang tawag dun, Satanas. Ibig sabihin manunukso pati si Hesus tinutukso. Kaya balik na naman tayo don sa unang pagbasa, ang malinis na puso.

Sabi nga doon sa ating salmo responsoryo, Diyos ko sa aki’y likhain tapat na puso’t loobin. Maganda nga ang panlabas maayos ang buhok, tuwid na tuwid ang kilay, ang mga peleges na banat, pero kung ang kalooban, ang puso hindi katipan ng Diyos, wala din yan. Maganda ang damit, plantsado, meron pang buwaya, mukhang mamahalin, kapag ang puso, hindi ayon sa Diyos, ‘yang damit na yan, wala yan, dekorasyon lang yan.

Meron ngang diploma sa bahay, graduate ng ganito tapos ng ganitong kurso pero kung ang puso hindi katipan ng Diyos, yang diploma mo, yang pinag-aralan mo, baka gamitin mo pa nga sa pagsasamantala sa kapwa. Sa araw na ito ng ating nobena tayo po ay ibinabalik ng Diyos, sa pinaka mahalaga, kamusta na ang iyong puso? Huwag n’yong sasagutin. Okay naman ang cholesterol ko, okay naman ang aking blood pressure, okay naman ang aking x-ray sa puso. Hindi, hindi lang yon, ang tanong ay kumusta ang puso mo? Naririnig ba ang salita ng Diyos? Ang puso mo ba sumasagot ng may katapatan sa Diyos? Nababasa ng Diyos ang ating puso. Sa piging puwede tayong mangako ng magagandang bagay pero nababasa ng Diyos ang laman ng puso. Sa puso manggagaling ang ating pagbabago, ang ating pakikipagtipan sa Diyos, ang ating katapatan sa kanya. Kaya alagaan po ang mga puso, at alagaan natin ang puso ng bawat isa, para ang puso natin ang pagmulan ng ating katapatan.

Tayo po’y tumahimik sandali at buksan an gating puso sa Diyos humingi tayo ng patawad sa kakulangan natin, ng katapatan sa kanya at umasa tayo na kanyang lilinisin ang ating puso at ilalagay ang kanyang salita.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 4,845 total views

 4,845 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 10,818 total views

 10,818 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,573 total views

 16,573 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 23,836 total views

 23,836 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 31,821 total views

 31,821 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 4,258 total views

 4,258 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 4,257 total views

 4,257 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 4,215 total views

 4,215 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 4,228 total views

 4,228 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 4,269 total views

 4,269 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 4,226 total views

 4,226 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 4,311 total views

 4,311 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 4,195 total views

 4,195 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 4,190 total views

 4,190 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 4,263 total views

 4,263 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 4,408 total views

 4,408 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 4,242 total views

 4,242 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 4,291 total views

 4,291 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 4,251 total views

 4,251 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 4,208 total views

 4,208 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top