Edukasyon susi ng tagumpay

SHARE THE TRUTH

 361 total views

Mahalaga ang Edukasyon bilang isa sa mga salik para makamit ang magandang kinabukasan.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, ito ang layunin sa pagpapalawak ng mga programa ng Simbahang Katolika sa pangunguna ng Social action ng Archdiocese ng Manila ang Caritas Manila.

Ang pahayag ng Pari ay kasabay ng pagbukas sa ika – 32 Segunda Mana Charity Outlet sa V. Luna Street sa Quezon City.

Paliwanag ni Fr. Pascual, pangunahing benipisaryo ng Segunda Mana ay ang scholarship program ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership Program o YSLEP kung saan nagpapaaral ito ng mahigit sa 5-libong kabataan sa buong Bansa.

“Ang proceeds po nito, ang napagbentahan ay gagamitin naman natin sa pagpapaaral ng mga kabataan sa Voctech at lalong lalo na sa Kolehiyo.” Pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Noong 2017 mahigit sa 1-libong iskolar ang nakapagtapos sa kolehiyo kabilang na ang mahigit sa 400 mula sa Eastern Visayas partikular sa Samar at Leyte na labis naapektuhan ng bagyong Yolanda noong 2013.

“Nagpapatapos tayo isanlibo, isang taon ng College Graduate sa buong Pilipinas, hindi lang mga Kristiyano kundi ang mga Iskolar na Muslim at mga katutubo.” Dagdag pa ni Fr. Pascual.

Sa tala ng Caritas Manila – YSLEP, mula 2011 hanggang 2017 umabot na sa 3, 487 ang nakapagtapos at 98 porsiyento dito ay nagtatrabaho na sa iba’t ibang mga kumpanya sa Bansa.

Dahil dito nagpapasalamat naman ang pari sa mga nagsipagtapos dahil bukod sa pagtulong sa kanilang mga pamilya ay tumutulong na rin ito sa mga kapwa iskolar ng YSLEP sa pamamagitan ng pay forward program o ang yearly pledge nito sa CARITAS MANILA ALUMNI SCHOLARS ASSOCIATION (CAMASA), samahan ng mga nagsipagtapos na iskolar ng Caritas Manila.

Samantala, sa 32 Charity outlet ng Segunda Mana, 1 dito ay matatagpuan sa Iloilo City at inaasahan pa ang pagpapalawak nito at pagbubukas sa iba pang lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Ito ang isa sa mga pamamaraan ng Simbahang Katolika sa Bansa upang matulungan at maabot ang mga mahihirap sa lipunan na nangangailangan ng pagkalinga ng kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 14,819 total views

 14,819 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 25,447 total views

 25,447 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 46,470 total views

 46,470 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 65,309 total views

 65,309 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,858 total views

 97,858 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top