VeritasPH

The Word, The Truth

 243 total views

23rd Sunday Cycle C
Wis 9:13-18 Philemon 9-10.12-17 Lk 14:25-33

Sino ba ang Kristiyano? Sapat na ba na maniwala sa Diyos para maging Kristiyano? Hindi! Ang mga Muslim ay naniniwala sa Diyos pero hindi sila Kristiyano. Sapat na ba na tumulong sa kapwa para maging Kristiyano? Hindi! May mga taong matulungin sa iba dahil sa mabubuting tao sila pero wala silang pananampalataya. Sapat na bang maging madasalin para maging Kristiyano? Maraming mga Buddhist na madasalin at magaling mag-meditate pero Buddhist sila. Kaya, sino ang Kristiyano? Ang Kristiyano ay ang naniniwala kay Kristo na siya ay tunay na Diyos at tunay na tao at sinisikap na sundin siya. Si Jesukristo ay ang anak ng Diyos na naging tao. Naging tao siya upang tubusin tayo, gabayan tayo sa buhay na walang hanggan at dalhin tayo sa tahanan ng Diyos Ama. Pupunta tayo sa Diyos Ama kung tinutularan natin siya. Siya ang tanging daan patungo sa Ama. Kaya ang palaging paanyaya ni Jesus sa mga tao ay: SUNDIN NINYO AKO. TULARAN NINYO AKO. Sinulat ni San Pablo: TULARAN NINYO AKO SA AKING PAGTULAD KAY JESUKRISTO. IMITATE ME AS I IMITATE CHRIST.

Mga kapatid, napakahalaga para sa atin ang pagtulad at pagsunod kay Kristo. Hindi lang ito basta-basta. Upang gawin ito, kailangan nating itaya ang lahat. Naalaala ba natin ang talinhaga ni Jesus tungkol sa isang tao na naghahanap ng mamahaling perlas? Noong matagpuan niya ang napakagandang perlas, ipinagbili niya ang lahat niyang ari-arian upang mabili ang perlas na ito. Itinaya niya ang lahat para makuha ang napakahalaga. Ganoon din ang hinihingi sa atin ni Jesus: itaya ang lahat! Siya ang uunahin natin. Wala dapat humadlang sa pag-ibig natin sa kanya. Ito ang ibig sabihin na hindi natin mamahalin ang sinuman o ang anuman ng higit sa kanya – kahit na ang ating mga magulang o mga anak, kahit na nga ang ating sarili. Kaya maging handa tayo na iwanan ang lahat, na daanan kahit na anumang hirap – iyan ang pagpapasan ng ating krus – para hindi tayo mahiwalay kay Jesus.

Napakahirap naman. Kaya ba natin ito? Kung sa ating sarili lang, hindi natin ito kaya, pero ibinigay ni Jesus ang Banal sa Espiritu, na walang iba kundi ang kanyang kapangyarihan at kaalaman upang ito ay magawa natin. At nagawa nga ito ng napakaraming mga martir at mga santo, hindi lang ng nakaraang panahon, pero pati na sa ating panahon. Sa Nigeria ngayon kinikidnap at pinapatay pa ang mga pari, pero mas marami pa ang gustong maging pari. May mga simbahang pinapasabog sa Nigeria, sa Pakistan, sa Sri Lanka at pati na sa Mindanao. Tumitigil ba ang mga Kristiyano doon na magsimba? Hindi! Sa bawat pagsimba nila tinataya nila ang kanilang buhay.

Ang pagsunod kay Kristo at pagtataya para sa kanya ay isang desisyon. Hindi lang ito isang kostumbre. Sana po madesisyonan natin ito. Napakahalagang desisyon ito, tulad ng pagdedesisyon ng isang gustong magtayo ng tore, na sa atin pa, ng isang condominium. Hindi ito isang ordinaryong building. Ito ay malaking building at nangangahulugan ng malaking gastos. Kailangang ibuhos ang lahat ng pera natin kung gagawin natin ito. Ito ay tulad ng pakikipagdigma sa isang kalaban na may mas malaking army kaysa atin. Kaya ba natin itong sagupain? Pag-isipan nang mabuti kung kakayanin natin ito. Hindi natin ito makakaya kung hindi natin ibubuhos ang lahat ng pera na mayroon tayo, ang lahat ng tauhan na mayroon tayo. Kaya sabi ni Jesus: “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Para sa desisyong ito, kailangan natin ang karunungan at kaalaman na galing sa Diyos. Mahirap talikdan ang mga mahal natin sa buhay. Mahirap unahin ang Diyos kaysa ating sariling kagustuhan. Ika nga ng aklat ng Karunungan na ating narinig sa ating unang pagbasa: Kapos ang kaisipan ng tao at marupok ang ating mga panukala. Binabatak tayo ng ating pagkamakasarili at ng tawag ng laman. Hinihila tayo ng public opinion na nagsasabi sa atin na unahin mo muna ang iyong sarili at ang iyong kapakanan. Kaya kailangan natin na talikdan ang pangkaraniwang kalakaran at pag-iisip ng mundong ito.

Pero bakit naman napakalupit ni Jesus? Why does he ask for all? Jesus can demand all because he himself has given his all. Ang commitment ni Jesus sa atin ay buo, kaya makakahingi siya ng buo. Ang buong buhay niya ay ibinigay niya sa atin. Thirty three years old pa lang si Jesus at itinaya na niya ang buhay niya sa atin. Hind niya ibinigay ang sarili niya kasi mahina na siya, kasi masakitin na at natikman na niya ang buhay. Sa kanyang kabataan, sa rurok ng kanyang kalakasan – thirty three years old – ibinigay na niya ang kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo. Inaalaala at ipinagdiriwang natin ito tuwing Banal na Misa. Dito binibiyak-biyak ni Jesus ang kanyang katawan at ibinuhos ang kanyang dugo para sa atin.

He has given his all so he can demand our all. Kaya huwag natin ipasabukas pa ang ating pagsunod sa kanya. Huwag sana natin sabihin na may gusto pa tayong gawin. Huwag nating gayahin si San Agustin noong kabataan niya. Matalino siya. Nakita na niya na tama ang katuruan ng mga Kristiyano. Nakita niya ang commitment ng maraming mga martir na nag-alay ng kanilang buhay para kay Jesus. Nararamdaman niya na hinihikayat na siya ni Kristo pero mag-re-resist pa siya.

Dinadahilan niya: Susunod ako sa iyong Panginoong Jesus – but not yet. Hindi pa ngayon. Pero sa wakas, pinutol na niya ang kanyang attachment sa mundong ito at nagpabinyag siya. Ibinigay na niya ang buong buhay niya sa paglilingkod sa Diyos at doon niya naranasan ang buong kasiyahan niya. Doon niya nadevelop ang katalinuhan at kaalaman niya na naging dakilang manunulat siya at pantas ng simbahan na hanggang ngayon, mga isang libo at anim na raang taon na ang nakaraan, patuloy pa ang kanyang influensiya sa maraming Kristiyano at mga scholars. Akala natin mahirap at malulugi tayo kapag ibinigay natin ang lahat kay Jesus.

Hindi iyan totoo. Mas pinapatingkad ng Diyos ang ating buhay at kakayahan sa pagtulad natin kay Jesus. Lalong nagiging makabuluhan ang buhay natin at sumasaya tayo kapag tinalikdan natin ang lahat alang-alang sa kanya. Talagang ibinabahagi niya ang kanyang kagalakan sa atin sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan. Sabi nga ni San Pablo, hindi pa humahaging sa ating kaisipan ang ibibigay ng Diyos sa mga tapat sa kanya. Kaya, tara na! Sumunod na tayo kay Jesus!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,681 total views

 7,681 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,666 total views

 15,666 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,202 total views

 23,202 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,188 total views

 39,188 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,232 total views

 47,232 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,645 total views

 1,645 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,773 total views

 7,773 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 5,902 total views

 5,902 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,185 total views

 8,185 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,091 total views

 11,091 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,030 total views

 12,030 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,024 total views

 12,024 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,742 total views

 15,742 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,588 total views

 17,588 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,585 total views

 17,585 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,094 total views

 22,094 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,410 total views

 27,410 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,568 total views

 29,568 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,726 total views

 31,726 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,073 total views

 32,073 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top