VeritasPH

The Word, The Truth

 332 total views

Homiliya para sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 04 Setyembre 2022, Luk 14: 25-33

May kantang Cebuano na ang pamagat ay SI FILEMON, SI FILEMON. “Nangisda raw sa karagatan, nakahuli ng isdang tambasakan, iyung tipo ng isda na walang kuwenta. Ibinenta daw niya sa palengke at ang kinita ay sapat lang na pang-inom niya ng tuba.”

Ang narinig nating second reading ngayon ay sulat ni San Pablo kay Filemon—hindi mangingisda. Mukhang isang alagad na mayaman ang dating dahil meron siyang alipin at ninakawan ng maraming pera.

Madalang lang nating marinig ang pinakamaikling sulat na ito ni San Pablo. Hindi ito katulad ng ibang sulat niya na addressed sa mga pamayanan katulad ng Corinthians, Philippians, Thessalonians. Itong sulat na ito ay addressed sa isang tao, isang alagad na ang pangalan ay Filemon. Endorsement letter ang dating, iniindorso kay Filemon ang isang taong ang pangalan ay Onesimo, pangalang Latin na ang ibig sabihin ay “May pakinabang, o maaasahan.”

Sa sulat maiintindihan mo na may atraso kay Filemon si Onesimo. Mukhang ito’y isang taong dating malapit sa kanya at pinagkakatiwalaan niya, pero sinira ang tiwala niya, kaya “wala nang silbi sa kanya at hindi na niya maaasahan.” Mukhang hindi lang niloko si Filemon, ninakawan pa siya ng Onesimong ito. At mukhang ang malaking perang iyon ay ipinagkatiwala lang sa kanya para ihatid kay San Pablo na noon ay nakakulong sa bilangguan. Imbes na makaabot kay San Pablo ang pera, mukhang winaldas niya at di na siya bumalik kay Filemon. Sa kamalas-malasan naman, nahuli si Onesimo ng mga pulis at nakulong siya sa bilangguan at napasama sa selda kung saan naroon si San Pablo.

Doon nakilala niya si San Pablo, nagbago ang ugali dahil sa pakikinig sa pangaral ni San Pablo, nagpabinyag at naging Kristiyano. Nang matapos ang sintensya niya, malaya na sana siya, pero saan siya uuwi? Alam niyang itinakwil na siya ng amo niya. Ah, si San Pablo ang gagawa ng paraan. Uutusan si Onesimo na bumalik kay Filemon, humingi ng tawad at ibigay sa kanya ang edorsement letter. Sino ba si Pablo kay Filemon? Parang tatay niya, isang taong pinagkakautangan niya ng buhay niya, isang guro na iginagalang niya at hindi niya matitiis na hindian.

Sa sulat, ang pakiusap ni Pablo kay Filemon ay ganito, “Alam kong may atraso siya sa iyo. Patawarin mo na sana siya. Tanggapin mo siya hindi na bilang alipin kundi bilang kapatid—ibig sabihin, kapatid sa pananampalataya.” Isang matinding drama sa tunay na buhay ang laman ng sulat na ito at isa sa mga saksi dito ay si San Lukas. Kaya tuloy naiisip ko, hindi kaya ito ang dramang naging inspirasyon ni San Lukas para sa Parable of the Prodigal Son? Si San Pablo ang pumapapel na tatay, si Filemon ang kuya, si Onesimo ang bunso na may atraso at nagsasabing, “Kuya, nagkasala ako sa iyo at humihingi ako ng tawad. Kung di mo ako matanggap bilang kapatid, tanggapin mo man lang ako bilang alipin.”

Pero sa endorsement letter na dala niya, malinaw ang hiling ni Pablo kay Filemon: “Tanggapin mo siya hindi bilang alipin kundi bilang kapatid.”

Isang matinding hamon ang sulat na ito kay Filemon para patunayan na isa nga siyang tunay na alagad. Ang punto: ang pagsunod kay Kristo ay di biro.

Ganito rin ang punto ng ating ebanghelyo ngayon: tungkol sa hamon ng pagiging alagad. Kumbaga sa kantang “Magtanim ay di biro”, PAGSUNOD AY DI BIRO.

Sabi ni San Lukas sa simula ng ebanghelyo, maraming tao daw ang sumusunod sa kanya. Ngunit hinarap niya sila at pinagsabihan. Mukhang alam niya na marami sa kanila ay parang natatangay lang sa agos, hindi alam kung ano ang pinapasok nila. Kaya hinamon sila na parang ganito ang ibig sabihin, “Akala ba ninyo madali ang maging alagad ko? Nakahanda ba kayong tawagin kayong mga “Pasaway sa magulang? Rebelde? Sira-ulo? Panatiko?” Kung hindi, mag-isip-isip muna kayo. Hindi naman pasyal, party o pagliliwaliw ang pinapasok ninyo. Baka para kayong hari na lumalaban sa giyera pero wala naman palang ibubuga. Baka para kayong nagyayabang na magtayo ng mansion, e ni kubo pala hindi n’yo kayang itayo.”

“Ayaw ko ng bulag na tagasunod o mangmang na alagad na tipong nakikisawsaw lang, sumusulong dahil natatangay pero umaatras sa huling sandali.” Ito ang hamon niya. Di ba parang ganyan din ang sinasabi ng kantang “I beg your pardon, I never promised you a rose garden.”?

Hindi sapat kay Hesus ang talino o kahusayan sa pag-iisip. Kahit ang mga corrupt o tiwali sa lipunan ay mahusay ding mag-isip. Ang tinuturing nilang katalinuhan ay katusuhan, walang kinalaman sa kaharian ng Diyos.

Ang itinuturo ni Hesus ay karunungan ng puso, kakayahang kumilatis, husay sa pakikiramdam, katulad ng sinasabi sa ating unang pagbasa. Kakaibang klaseng galing—kakayahang unawain ang kalooban ng Diyos. Kay Hesus, kasama na rito ang kakayahang magpatawad, magparaya, humarap sa pagsubok na buo ang loob, umako sa pananagutan, manindigan sa tama, totoo at nararapat kahit ipagdusa pa ito o ikamatay.

Ito, para kay Hesus ang ibig sabihin ng maging alagad niya: hindi alipin ng layaw, kundi anak na tunay na malaya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,056 total views

 4,056 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,042 total views

 20,042 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,087 total views

 28,087 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,167 total views

 33,167 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,873 total views

 38,873 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,675 total views

 2,675 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,091 total views

 7,091 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,417 total views

 2,417 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,940 total views

 2,940 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,439 total views

 4,439 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,283 total views

 5,283 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,538 total views

 3,538 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,751 total views

 7,751 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,984 total views

 6,984 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,196 total views

 11,196 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,644 total views

 4,644 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,648 total views

 4,648 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,648 total views

 4,648 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,640 total views

 4,640 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,640 total views

 4,640 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top