Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

House panel, binawasan ng P1.3 B ang pondo ng OVP

SHARE THE TRUTH

 6,655 total views

Nagkaisa ang committee on appropriations ng Kamara na bawasan ang higit sa kalahati ng panukalang pondo ng Office of the Vice President Sara Duterte para sa susunod na taon.

Ang pangunahing dahilan ayon sa komite ay dahil sa ang mga programa ng tanggapan na kaparehas ng iba pang mga ahensya ng gobyerno, gayundin ang overextended offices na hindi naman kinakailangang pagkagastusan.

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior committee vice chairperson, sa isang press conference, na nagpasya ang panel na i-rekomenda ang pagbabawas ng halos P1.3 bilyon mula sa panukalang P2.037 bilyon, na magiging P733 milyon na lamang ang matitira.

Ayon sa kaniya, kabilang sa mga ibinawas na pondo ang mga alokasyon sa financial assistance, professional services, na tumutukoy sa mga consultant, utilities, supplies and materials, at rentals/leases.

Paglilinaw naman ni Quimbo na ang alokasyon para sa “personal services,” o para sa mga sahod, ay nanatiling buo at hindi naapektuhan ng mga pagbabawas.

Paliwanag pa ni Quimbo, na ang buong pondo para sa financial assistance (FA) ng OVP na P947 milyon ay ililipat sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa medical assistance program ng Department of Health (DOH), kung saan ang dalawang ahensya ay makakatanggap ng halos magkaparehong bahagi ng tinatayang P646 milyon.

Dagdag pa ni Quimbo na ang budget sa FA ay ang pinagmumulan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong sa mga gastusin sa libing, medikal, transportasyon, at iba pang katulad na pangangailangan.

Binibigyang-diin niya na ang OVP at ang mga benepisyaryo ng mga proyektong iyon ay maaari pa ring makuha ang parehong pondo na ililipat sa DSWD at DOH sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa dalawang kagawaran.

Base rin aniya sa report ng Commission on Audit (CoA), “di nagamit ng mabuti ang pondo at may redundancy ang mga programa, maraming problema sa implementation.”

“Ilipat na lang ang funds sa DSWD at DOH and we will ensure na meron syang sapat na allocation doon hanggang doon sa kayang ma-implement ng opisina nila,” ayon pa kay Quimbo.

Nakita at dama din naman din natin na subok na ang DSWD at DOH sa mga programang ito kaya kung ito ay makakatulong lalo na mas mapalawak ang pag-aabot ng tulong sa recipients, bagay na hindi naging klaro sa mga programa dati sa OVP base sa COA report,” dagdag pa ng lady solon.

Sinabi pa ni Quimbo, natuklasan din na ang OVP ay nagmimintine ng 10 satellite offices at dalawang extension offices.

We want them to return to the spending level in 2022, when the OVP maintained just one office,” saad pa nito.

Paliwanag nito, sa pagbabawas ng mga tanggapan ay mababawasan ang alokasyon sa upa o rental/lease mula P80 milyon sa P32 milyon.

Paliwanag pa niya, na ang mga pagbabawas ay “mga rekomendasyon lamang ng committee on appropriations” na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at nakasalalay pa rin sa pag-apruba ng House of Representatives kapag magsimula ang plenary debates sa panukalang 2025 national budget sa Setyembre 16.

Paglilinaw pa niya na ang panukalang badyet ay mahaba at masusing proseso bago ito maaprubahan.

Magkakaroon pa ng isa pang round ng amendments ng budget amounts (sa plenary), at ito yung magiging recommendation namin ng (House) to the Senate. Matapos ang senate approval, meron pang bicameral (committee) approval. Babalik ulit sa (House) at Senate for ratification. And then for President’s approval,” ayon pa kay Quimbo.

Idinagdag niya na ang Pangulo ay may kapangyarihang gamitin ang line-veto o tanggihan ang mga panukalang alokasyon sa pondo.

So kitang kita po natin na napakahaba ng proseso at napakaraming tao na involved sa budget approval,” pagdidiin pa nito.

Gayundin ay nasa mga ahensya na ang desisyon kung paano nila gagamitin ang mga pondo na inilalaan sa kanila ng Kongreso at ng Pangulo.

“Budget execution is entirely by the executive branch,” saad nito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 7,165 total views

 7,165 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 57,489 total views

 57,489 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 66,965 total views

 66,965 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 66,381 total views

 66,381 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 79,306 total views

 79,306 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 2,072 total views

 2,072 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

 5,216 total views

 5,216 total views Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato. Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Opisyal ng pamahalaan na nakipagsabwatan sa POGOs, papanagutin

 5,509 total views

 5,509 total views Tiniyak ng pinuno ng House Quad Committee ang paglalantad at pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan na nagtaksil sa bansa sa pakikipagsabwatan sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa kalakalan ng droga, human trafficking, at money laundering. Ito ang inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Budget cut, inalmahan ng 39-SUCs

 5,889 total views

 5,889 total views Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon. Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pamahalaan, pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng mga biktima ng EJK

 6,675 total views

 6,675 total views Nanawagan sa pamahalaan ang mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings sa kampanya kontra illegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbayad ng danyos. Ito ang inihayag ni Fr. Manuel Gatchalian SVD, Special adviser of relatives of victims sa pagharap sa Quad Committee ng Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Surigao del Norte

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 10,156 total views

 10,156 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Hindi pagdalo ni VP Duterte sa OVP budget briefing, pang-iinsulto sa Kamara

 9,026 total views

 9,026 total views Kawalang paggalang sa institusyong sumusuri sa paggasta ng pondo ng ahensya ang ginawang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) sa Mababang Kapulungan. Ito ang inihayag ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa pagdinig ng budget ng OVP, kung saan binigyan diin

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 10,921 total views

 10,921 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Rep. Barbers kina Quiboloy at Guo: “You can run, but you cannot hide”

 9,151 total views

 9,151 total views Ito ang binigyan diin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kina dating Bamban Mayor Alice Guo at puganteng si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na hindi matatakasan ang batas. “It only proved that you can run but you cannot hide, ayon nga sa kasabihan. But eventually, the long

Read More »
Economics
Marian Pulgo

P1.2 bilyon halaga ng tulong, dala ng serbisyo caravan sa Davao city

 9,156 total views

 9,156 total views Nagtungo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davao City, dala ang P1.2 bilyong halaga ng tulong at serbisyo ng gobyerno para sa 250,000 benepisyaryo sa 2-day event noong Huwebes hanggang Biyernes. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, pangunahing tagapagsulong ng BPSF, ang serbisyo caravan sa Davao ay sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mambabatas binatikos ang dating kalihim sa mga iniwang problema sa DepEd

 10,618 total views

 10,618 total views Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro si Vice President Sara Duterte sa pagtalikod sa mga hindi nareresolbang isyu sa Department of Education, na nag-iwan ng santambak na problema sa kahalili nitong si dating senador at ngayo’y kalihim na si Sonny Angara. Inihayag ni Castro ang kaniyang pagpuna

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Archdiocese ng Davao, nanawagan para sa Kapayapaan, Pagpapakumbaba, at Pagtutulungan

 12,802 total views

 12,802 total views Nagsalita na rin ang Arkidiyosesis ng Davao kaugnay sa nagaganap na kaguluhan sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City, sa pagitan ng pulisya at mga tagasuporta ng tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy. Nag-ugat ang kaguluhan sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy at ilang pang mga akusado sa kasong

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

‘Rule of law must prevail,’- Archbishop Jumoad

 12,773 total views

 12,773 total views Hinimok ng Obispo mula sa Mindanao ang tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy-pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko at harapin ang kasong isinampa laban sa kaniya. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay para sa kapakanan ng kanyang mga tagasunod at upang matigil na ang karahasan. Sinabi ng Obispo na

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

P563 M halaga ng tulong at serbisyo, ipinamahagi ng BPSF sa 60,000 benepisyaryo sa Batangas

 14,009 total views

 14,009 total views Kasunod ng matagumpay na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit, inilunsad nitong Sabado ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan, kung saan namahagi ng kabuuang P563 milyon halaga ng mga serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal sa mahigit 60,000 mamamayan ng lalawigan ng Batangas. Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte, inimbitahan ng House Quad-committee

 13,607 total views

 13,607 total views Inaanyayahan ng House quad-committee si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na humarap sa komite upang bigyang linaw ang mga paratang ukol sa kanyang pagkakasangkot sa extrajudicial killings (EJKs) sa panahon ng anti-illegal drug campaign ng kanyang administrasyon. Ang imbitasyon ay kasunod na rin ng testimonya ni Leopoldo “Tata” Tan Jr., isa sa dalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top