VeritasPH

The Word, The Truth

 302 total views

Homiliya Para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi, Huwebes ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:57-66

Sabi ng isang kakilala ko, kapag hindi daw siya kinakausap o iniimik ng asawa niya, ninenerbiyos na siya. Ibig sabihin masama ang loob nito. Feeling niya parang tinotorture daw siya. Mabuti pa daw na awayin na lang siya talaga kaysa idaan siya sa “silent treatment”.

Kaya bilib talaga ako dito kay Elisabeth sa kuwento ni San Lukas, nang malaman daw na buntis siya, hindi na siya kinausap ng asawa niyang si Zacarias. Katahimikan na nagtagal, hindi lang nang isang araw o isang linggo. Siyam na buwan! Di ba grabe iyon? Pero na-survive niya.

Bilib din ako na nakayanan niyang harapin at pakitunguhan ang mga relatives ni Zacarias. Biro nyo, kung di ba naman sila talaga nang-uudyok ng intriga, pati ba naman ang pangalang ibibigay sa bata ay pakikialaman nila? Dapat daw Zacarias Junior ang itawag sa bata dahil “only child” siya.

Talagang nanggagatong sila; nanunulsol ng gulo. Itanong daw kaya muna kay Zacarias kung sang-ayon ba siya sa gustong ipangalan ni Elisabeth sa bata? Ang ineexpect nila ay gulo—iyung mapapa-react nila si Zacarias para sabihing, “Wala akong kinalaman sa batang iyan. Huwag ninyo siyang ipangalan sa akin! Hindi ko anak iyan!” May suspetsa kasi sila na kaya nanahimik si Zacarias ay dahil hindi niya matanggap na kanya ang batang isinilang ni Elisabeth.

Kapag tumanggi si Zacarias na pangalanan ang bata, ibig sabihin hindi niya tinatanggap na lehitimong anak niya ito. Ang husay magkuwento ng drama ni San Lukas. Noon mismong sandaling iyon mabubuksan ang bibig ni Zacarias upang sabihin na tama ang misis niya; na sumasang-ayon siya sa kanya, na ang dapat ipangalan sa bata ay JUAN.

May kasabihan tayo sa Tagalog: “Huli man daw at magaling ay naihahabol din.” Minsan may nagserve sa akin sa isang parokya, nagpakilala bilang seminarista pero mukhang matanda pa siya sa akin noong panahong iyon—parang nasa singkwenta na. Sabi niya, “Late vocation po kasi ako.” Sabi ko sa kanya, “Hindi late vocation, later response siguro.” Minsan tulad ni Zacarias, hindi naman tayo maka-oo kaagad.

Nang sabihin ni Zacarias, “Ang pangalan niya’y Juan!” Parang noon pa lang siya umoo sa balita ng anghel Gabriel. Nang balitaan ni Gabriel si Maria, mabilis niyang nakuha ang OO ng dalagita. Kay Zacarias, after 9 months pa lang. Ang pangalan na ibibigay niya ay ang binanggit sa kanya ng anghel 9 months earlier. Dito pa lang siya nakapag-express ng paniniwala sa sinabi ni Gabriel sa kanya, na matutupad daw sa takdang panahon.

Sabi nila, “You cannot teach old dogs some new tricks.” Hindi naman totoo iyon. Pwede pa rin, pero mas challenging nga lang. Kailangan ng tiyaga, kailangan ng mas mahaba-habang panahon at pasensya. Ang naiiisip ko dito ay iyong takbo ng dalawang alagad: ang pinakabata na si Juan at ang pinakamatanda, na si Pedro, patungo sa sementeryo matapos ibalita sa kanila na nawawala ang bangkay. Tumingin si Juan at siya daw ay naniwala. Si Pedro, hindi daw maintindihan pa ang kahulugan ng mga nangyayari.

Isa daw sa pinakamalinaw na indicator na tumatandang-paurong ang tao ay pag sumusungit na siya, nawawalan na ng “sense of wonder” or “sense of humor”, masyadong mabagal ang pick-up sa mga pahiwatig ng Diyos sa buhay niya. Sila yung mga tipong “killjoy”, ayaw na ng sorpresa, natitigatig at natuturete kapag may nagbago kahit konti sa regular routine ng buhay nila.

Si Elisabeth ang magandang huwaran ng tamang pagtanda—mas lalong lumakas ang instincts, mas naging welcoming, mabilis kumilatis ng grasya, very open sa galaw ng Espiritu Santo. Sa kanya nga mas bagay ang Magnificat ni Maria. (Siguro iyun ang dahilan kung bakit sa ibang mga lumang manuscripts, ang umawit ng Magnificat ay siya, imbes na si Maria.)

May isa pang karakter na naroon din sa eksena pero hindi na binabanggit ni San Lukas: si Maria. May kutob ako na ang nagpalakas ng loob kay Elisabeth upang maging mas assertive siya sa mga intrigerong kamaganak at sa mister niya ay ang moral support ni Maria.

Sa totoo lang, 5 buwan daw na nagtago si Elisabeth. Ang pagdalaw ni Maria ang nagpalakas ng loob sa kanya. Sa buhay kasi natin, minsan, kapag mahina ang loob ng tao, madali siyang mapapadala sa sinasabi ng iba. Tulad ngayon, tanungin mo ang maraming botante kung bakit iyon ang kandidatong iboboto nila, hindi man nila maipaliwanag. Iyon ang matunog e. Iyon ang direksyon ng agos ng opinyon sa social media.

Parang noon tanungin ni Pilato kung sino ba sa dalawang bilanggo ang palalayain niya—si Barabbas o si Hesus, ang pinili daw ng marami ay ang magnanakaw? Nadala sila ng lakas ng sigaw ng mga pala ng mga Saduseo. Hindi demokrasya ang tawag sa ganoon. Disgrasya.

Si Zacarias muntik na rin niyang tanggihan ang grasya. Hindi parusa ang pananahimik niya kundi oportunidad para magnilay, para unti-unting makita ang kamay ng Panginoon sa mga nangyayari sa buhay niya. May kutob ako na binulungan din muna siya ni Maria bago nabuksan ang bibig niya. Kung may panahon para manahimik, may panahon din para magsalita, para bigkasin ang totoo, para kilalanin ang tunay na kalooban ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,354 total views

 3,354 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 9,111 total views

 9,111 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,374 total views

 16,374 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,359 total views

 24,359 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,895 total views

 31,895 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 452 total views

 452 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 455 total views

 455 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,210 total views

 3,210 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,625 total views

 7,625 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,951 total views

 2,951 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,474 total views

 3,474 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,973 total views

 4,973 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,817 total views

 5,817 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,072 total views

 4,072 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,285 total views

 8,285 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,518 total views

 7,518 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,728 total views

 11,728 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,176 total views

 5,176 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,180 total views

 5,180 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,180 total views

 5,180 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top