Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 275 total views

Homiliya Para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:46-56

Dalawang babae ang kumakanta sa ating mga pagbasa ngayon: si Ana sa ating first reading at responsorial psalm, at si Mama Mary sa ating Gospel reading.

Sa unang pagbasa narinig natin ang kuwento ni Ana, ang baog na asawa ni Elkanah. Humiling daw siya sa Diyos ng anak at nangako na kapag pinagbigyan ang hiling niya itatalaga niya ang bata sa paglilingkod sa templo ng Siloh. Dininig ng Diyos ang panalangin niya at nagbuntis siya at nagsilang ng isang lalaki na siyang magiging dakilang propeta Samuel. Ang tawag noon sa mga batang itinalaga sa Panginoon ay NAZAREO, katulad ni Samson sa kuwentong binasa natin kahapon. Mga tipong ermitanyo, nag-aayuno sa alak, balbas-sarado, long hair.

Ang narinig nating Responsorial Psalm kanina ay ang tinatawag kong “Magnificat ni Ana.” Hawig na hawig ito sa Magnificat ni Maria. Sabi niya,

“Diyos kong Tagapagligtas, pinupuri kitang wagas! Ibinabagsak mo ang mga makapangyarihan at pinalalakas mo ang mga mahihina…Nasa iyo ang kapangyarihang bigyan o bawian kami ng buhay, ang payamanin kami o paghirapin, ang ibaba o itaas ang aming kalagayan, ang dakilain ang aba at hanguin sa kahirapan ang mga dukha, ang ihanay sila sa mga maharlika at bigyang karangalan ang mga dustang-dusta.”

Sa ebanghelyo naman, narinig natin ang awit ni Maria matapos na batiin siya ni Elisabeth. Siya ang magsisilang sa batang tutupad sa pangako ng Diyos kay Abraham: si Hesus na tatawaging NAZARENO.

Noong panahon na nasa ilalim pa ng diktadura ang ating bansa, sa araw ng April 11, 1985, halos 34 na lay leaders ng mga BEC sa Diocese of Kidapawan ang inaresto at pinaratangang mga NPA daw at pinagpapaslang. Noong huling dumalaw ako sa Diocese of Kidapawan, ipinakita sa akin ng bishop doon ang sementeryong pinaglibingan sa tinatawag nilang “mga martir ng Kidapawan”, lalo na ang mga lider ng mga BEC (basic ecclesial communities) na minasaker ng mga vigilantes na noon ay ginamit ng diktadura bilang mga para-military troops. Kasalukuyan daw noon na nagsasagawa ng Bibliarasal ang mga BEC leaders sa loob ng isang kapilya. Ganito rin ang eksenang nangyari sa isang bayan sa El Salvador sa South America. Pinasok din sila ng mga sundalo, at nagkataon daw na ang paksa ng kanilang “Bible sharing” ay ang MAGNIFICAT, ang awit ng papuri ni Mama Mary, ang ebanghelyo natin ngayon.

Hinablot daw ng sundalo ang papel na hawak ng isang lider at siniyasat niya ang nakasulat sa papel. Saka niya itinanong, “Sino sa inyo ang sumulat ng subersibong kantang ito?” Itinuro daw ng isa ang imahen ng Birhen Maria sa kapilya. At sa pag-aakalang niloloko siya ng tao, dinampot sila at pinagpapatay.

Subersibo nga naman ang dating ng nasabing awit. Pakinggan natin: “Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig. Pinangalat niya ang mga mapang-abuso. Ibinagsak niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang kanilang mga trono at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.” Akala siguro ng mga sundalong wala namang alam sa Bibliya, isinulat ito ng isang radikal na aktibistang nag-uudyok ng rebolusyon sa lipunan. Totoong radikal ang nasabing tula. Pero hindi isang komunista ang bumigkas nito, ayon kay San Lukas, kundi isang kabataang babaeng taga-Nazareth noong dalawang libong taon na ang nakararaan.

Hindi daw pala kalooban ng Diyos na ang mga dukha ay abusuhin ng mga nasa kapangyarihan. Ang mga nang-aalipusta sa mga mahihina, ang mga nang-aapi sa mga walang kalaban-laban, Diyos ang makakalaban nila. Dahil ang Diyos ay Diyos na may habag para sa maliliit, at pumapanig sa mga kinakawawa. Hindi siya natutulog; siya ang maniningil sa mga kalabisan ng mga nagdiDiyos-Diyosan dito sa mundo. Tuturuan niya ng aral ang mga mapagmataas at mapanlait sa mga aba, bibigyan niya ng katarungan ang mga inaalipusta, katulad ng ginawa niya noong ang Israel ay inalipin sa Egipto. Palalayain niya ang mga bilanggo na pinaratangan ng hindi totoo.

Ibig bang sabihin ay magbabaligtad ang kalagayan? Na ang mataas ay ibababa para sila naman ang aapihin, at ang mabababa ay itataas para sila naman ang mang-aapi? Hindi. Hindi kaligtasan ang tawag dito kapag umikot lang ang mundo, kapag nagbaligtad lang ng kalagayan ang mga tao. Katarungang panlipunan ang pangarap ng Diyos para sa ating lahat. Ibababa ang mga naghahari-harian at itataas ang mga tinatapakan, hindi upang pagbaligtarin ang kalagayan nila, kundi upang ipantay sila sa isa’t isa, dahil sa mata ng Diyos, walang mataas at mababa, walang malaki at maliit. Lahat ay magkapantay ng dangal bilang nilikhang kawangis niya at tinawag upang maging kapamilya niya.

Hindi naman nilikha ng Diyos ang mga mabubuting bagay dito sa mundo para pakinabangan lamang ng kakaunti o iilan, kundi ng nakararami. Kaya tayo walang kapayapaan sa mundo, kaya laging may hidwaan at labanan, dahil may lamangan. Ang tanda na tumataas ang dangal ng tao, ay kapag nagiging mahabagin din siya sa mga mahihina, mga maysakit, mga nasasantabi, mga may kapansanan.

Ang katuparan ng pangarap ng Diyos, ito ang orihinal na awit ng Pasko, ang awit ng mga anghel: Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong MAY MABUTING KALOOBAN. Ang kaligtasan ay nagsisimula sa pag-usbong ng mabuting kalooban.

Wika nga ng propeta Isaias 11:6-8:

Ito ang hula ng propeta: “Magiging lubos ang kapayapaan sa kanyang paghahari. Ang asong gubat ay maninirahang kasama ng tupa. Mahihigang magkakasama ang kambing at tigre. Magsasama rin ang baka at batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila ay mga batang paslit. Kahit maglaro ang mga bata sa tabi ng lungga ng mga ulupong…hindi sila mapapahamak.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 10,101 total views

 10,101 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 25,178 total views

 25,178 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 31,149 total views

 31,149 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 35,332 total views

 35,332 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 44,615 total views

 44,615 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 2,195 total views

 2,195 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 4,325 total views

 4,325 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 4,325 total views

 4,325 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 4,326 total views

 4,326 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 4,322 total views

 4,322 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 5,194 total views

 5,194 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 7,396 total views

 7,396 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 7,429 total views

 7,429 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 8,783 total views

 8,783 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 9,880 total views

 9,880 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 14,094 total views

 14,094 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 9,814 total views

 9,814 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 11,183 total views

 11,183 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 11,444 total views

 11,444 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 20,137 total views

 20,137 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top