Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 11,126 total views

Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan.

Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa paggunita sa ika-52 anibersaryo ng pagde-deklara ng Martial Law o batas militar sa Pilipinas sa ilalim ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Huwag kailanman kalimutan ng mga mamamayan at namumuno na ang mga may hawak ng kapangyarihan ay lingkod at hindi amo ng bayan. Ang public office ay public trust at dapat managot ang mga public officials sa kanilang pagkilos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Nagbabala din si Bishop Bacani sa mamamayan na huwag ibaon sa limot ang madilim na bahagi ng Batas Militar, kung saan nilapastangan ang karapatang pantao.

“Napakadilim na bahagi ng Martial Law ang paniniil sa karapatang pantao upang hindi makapagpahayag ng kanilang opinion tungkol sa mga namumuno. Umabot sa torture at pagpatay,” ayon kay Bishop Bacani.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial Law ang rehimen ni dating Pangulong Marcos Sr., kung saan sa loob ng 14 na taon, samu’t saring pang-aabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Filipino.

Batay sa tala ng Amnesty International, 70-libong katao ang nakulong dahil sa paglaban sa pamahalaan, 34-libo ang pinahirapan, habang mahigit tatlong libo naman ang biktima ng extrajudicial killings.

Nagwakas naman ang Batas Militar sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution noong taong 1986.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,583 total views

 83,583 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,358 total views

 91,358 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,538 total views

 99,538 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,069 total views

 115,069 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 119,012 total views

 119,012 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,672 total views

 2,672 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,085 total views

 4,085 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top