Simbahan, tiniyak ang pakikilakbay sa mga Filipino seafarers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,804 total reads

Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kasama ng mga Filipino Seafarer ang simbahang katolika saanmang paglalakabay nila sa buhay.

Ito ang mensahe ng Obispo na siya ring Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines para sa paggunita ng Pilipinas sa National Seafarers Sunday sa September 29.

Ayon sa Obispo, napakahalaga ng mga tungkulin na ginagampananan ng mga mandaragat na Pilipino dahil hindi lamang sila matatagpuan sa mga katubigan ng Pilipinas kungdi sa ibat-ibang bahagi rin ng mundo.

Ito ay dahil bukod sa trabaho, ginagampanan nila ang ibat-ibang tungkulin sa pangingisda, logistics, at pangangalaga sa seguridad at kapayapaan.

“Whoever you are, you are important. Your honesty and integrity shine through in all that you do. We commend you for your dedication and perseverance, which inspire us all. Your hard work sets a standard of excellence, and your kindness and willingness to assist others make a profound difference in the lives of many,” ayon sa mensaheng ipinadala Bishop Santos sa Radio Veritas.

Panalangin ng Obispo ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa mga Filipino Seafarers sa buong mundo upang manatili silang matatag sa anumang hamon at pagsubok na kakaharapin sa kanilang mga paglalayag.

Kasabay ito ng pananalangin ni Bishop Santos na naway higit pang maging masagana ang kanilang kinabukasan at pagkakaroon ng katatagan ng loob ng mga pamilya o mahal sa buhay na naiiwan ng mga mandaragat sa Pilipinas.

“Thank you for being the pillars of strength and hope. Your unwavering
commitment and selflessness are the driving forces behind our collective success. Together, we build a brighter future, one where every individual is valued and every effort is recognized, let us continue to support one another, to uplift those in need, and to strive for a community where compassion and unity prevail. With your continued dedication, we can overcome any challenge and achieve great things,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.

Sa datos ng pamahalaan ayon sa Statista, umaabot sa 578,600 ang bilang g mga Filipino Seafarers na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Ngayong taon, itinalaga ng Stella Maris Philippines ang paggunita ng Seafarers Sunday sa temang: Marinong Filipino!: Ligtas na Paglalayag!.

Ito ay upang isulong ang pananatiling ligtas ng mga mandaragat sa kanilang trabaho kung saan nakahanda simula sa September 21 ang ibat-ibang programa sa pangangasiwa ng Stella Maris katuwang ang magkakaibang ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 39,209 total reads

 39,209 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,521 total reads

 89,521 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 137,392 total reads

 137,392 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 241,340 total reads

 241,340 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 325,413 total reads

 325,413 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top