Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag maliitin ang mga mangingisda at magsasaka

SHARE THE TRUTH

 691 total views

Mga Kapanalig, napakalaki ng kontribusyon ng ating mga mangingisda at magsasaka sa pagkakaroon natin ng pagkain sa araw-araw. Hindi man nakikita ng marami, lalo na ng mga nasa siyudad, hindi biro ang pinagdaraanan nilang hirap upang magkaroon ng masaganang ani at huling lamang-dagat. Sa tagal ng panahong iginugugol nila sa pagsasaka at pangingisda, paniguradong marami sa kanila ang maalam na sa iba’t ibang estratehiyang magpapayaman ng kanilang ani at huli. Kaya tama bang sabihing wala silang alam?

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado para sa panukalang badyet ng Department of Agriculture (o DA) para sa taong 2023, sinabi ni Senadora Cynthia Villar na huwag daw asahan ang mga mangingisda at magsasaka sa pagtugon sa climate change. Wala raw silang alam tungkol dito at hindi raw nila ito naiintindihan. Ayon sa senadora, gawain na raw ng DA na bumuo at magpatupad ng mga programang tutugon sa climate change. Sinabi ito ng senadora habang tinatalakay ng isang opisyal ng DA ang epekto ng climate change sa agrikultura at ang mga programa nito upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda.

Isang halimbawa si Roberto “Ka Dodoy” Ballon ng isang mangingisdang may malaking kontribusyon sa agrikultura. Kilala siyang nanguna sa kanilang komunidad sa Zamboanga Sibugay upang tulungan ang mga kapwa niyang maliit na mangingisda na mapanumbalik ng kanilang mangrove forest o bakawan at iba pang yamang-dagat para sa kanilang kabuhayan. Dahil sa kanyang dedikasyon at pagsisikap na muling buhayin ang kanilang pangisdaan at tulungang iangat ang kabuhayan ng mga kasama niyang mangingisda, ginawaran siya ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Award noong 2021. Isa lamang si Ka Dodoy sa mga mangingisda at magsasakang malaki ang kontribusyon sa pagpapaunlad ng agrikultura at sa mga patuloy na nagpapayabong ng kanilang kaalaman upang itaguyod ang sektor.

Gayunpaman, sa kabila ng kanilang natatanging kontribusyon sa lipunan, nananatili pa rin silang “poorest of the poor”. At marami ang dahilan. Lantad sila sa epekto ng climate change katulad ng malalakas na bagyo at matinding tagtuyot. Talamak din ang mga negosyong ginagawang malls o kaya’y subdivision ang mga lupang sakahan. Napakamahal na rin ng pataba, pesticides, feeds, at iba pang agricultural inputs sa pagsasaka at pangingisda. Higit sa lahat, kulang na kulang din ang suportang naibibigay ng gobyerno. Noong Hunyo, halimbawa, inamin ng DA na 10% o 1.5 milyon lang sa 11 milyong mangingisda at magsasaka ang napaabutan nito ng ayuda. Ilan lamang ang mga ito sa mga dahilan kung bakit nananatiling mahirap ang buhay ng ating mga magsasaka at mangingisda. Hindi dahil sa wala silang alam.

Taliwas sa pahayag ni Senadora Villar, hindi lang dapat DA ang tutugon sa climate change. Kabalikat dapat ng pamahalaan ang mga mangingisda at magsasaka sa anumang programa at proyekto nito. Gaya ng mensahe sa Caritas in Veritate, dapat ay mayroong direktang pakikilahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran ang mga taong makikinabang sa mga ito. Hindi maaaring isantabi ng pamahalaan ang kaalaman ng mga mangingisda at magsasaka dahil may kakayahan din silang palaguin ang sarili nilang kabuhayan. Bilang mga lingkod-bayan, isapuso nawa ng ating mga lider ang nasasaad sa Mga Kawikaan 31:8 na “ipagtanggol ang mga ‘di makalaban at ipaglaban ang kanilang karapatan.”

Mga Kapanalig, dapat itrato ng mga taong-gobyerno ang ating mga magsasaka at mangingisda nang may paggalang. Maling sabihing wala silang alam dahil sila ang babád sa sakahan at sa dagat. Dahil din talî ang kanilang kabuhayan sa kalikasan, sila ang unang nakararanas ng mga epekto ng pagbabago ng klima. Sa pagkakataong naghihikahos ang mga magsasaka at mangingisda at lantad sila sa mga panganib na dala ng climate change, tulong ang kailangan nila, hindi pangmamaliit.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 559 total views

 559 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,041 total views

 8,041 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 21,181 total views

 21,181 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 27,154 total views

 27,154 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,909 total views

 32,909 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 560 total views

 560 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,042 total views

 8,042 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 21,182 total views

 21,182 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 27,155 total views

 27,155 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,910 total views

 32,910 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,117 total views

 40,117 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,201 total views

 41,201 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,582 total views

 36,582 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,586 total views

 48,586 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,628 total views

 56,628 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,185 total views

 48,185 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,610 total views

 46,610 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,396 total views

 48,396 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,321 total views

 45,321 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,635 total views

 59,635 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top