Huwag malungkot kung walang katipan sa valentines day-Bishop Maralit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,784 total views

Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang bawat isa na hindi dapat na malungkot o ma-pressure ang sinuman lalo na ang mga kabataan kung wala mang nobyo o nobya sa pagsapit ng Valentine’s Day.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso sa ika-14 ng Pebrero.

Ayon sa Obispo mas nararapat na bigyang halaga ng bawat isa ang pag-ibig ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria gayundin ang mga taong malapit sa kanilang buhay tulad ng pamilya.

Paliwanag ni Bishop Maralit, dapat na tuwinang panghawakan ng bawat isa ang tunay na wagas at pambihirang pag-ibig ng Diyos at Mahal na Birheng Maria para sa bawat isa, gayundin ang pagmamahal ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

“Kung sa sinasabing Araw ng mga Puso ay wala ka pang katipan, okay lang yan! Huwag kayong malungkot o kaya e magpa-pressure sa sinasabi at kantyaw ng iba… Panghawakan ninyo sana lagi ang pag-ibig una ng Diyos sa inyo, ni Mama Mary at ang pag-ibig ng mga taong mahal ninyo at mahal kayo (mga magulang, mga kabigan, etc.).”  Bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, muling ipinaalala ng Obispo ang habilin ni Hesus sa Kanyang mga alagad na pagmamahal sa isa’t isa tulad ng pagmamahal ng Diyos sa bawat isa bilang pundasyon ng tunay na pagmamahal.

Ayon kay Bishop Maralit, maraming uri ng pag-ibig ang makikita at mapapanood na pawang mga kuwentong nakakakilig at kaakit-akit sa paningin, ngunit kung tunay na pag-ibig ang hinahanap, nararapat lamang na ang pag-ibig ng Diyos ang gawing sukatan at sandigan ng pagmamahal na ibinibigay at tinatanggap ng bawat isa.

“Love one another as i have loved you…” Jn 13: 34 – Yan ang iniwang bilin ni Lord sa atin patungkol sa pag-ibig at sa tunay na sukat ng pag-ibig. Marami tayong mapapanood na mga pag-ibig na nakakakilig, parang ang sarap maranasan at minsan ay magandang tingnan. Ngunit kung ang gusto natin ay tunay na pag-ibig, ang ating pagsumikapan sana ay ang ating gawing sukatan at sandigan ng pag-ibig sa atin at ng pag-ibig natin ay ang Pag-ibig ng Diyos…” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Paliwanag pa ng Obispo, walang dapat ikalungkot o ipag-alala kung wala pang romantikong relasyon sapagkat mas dapat na pagtuunan ng pansin ang pag-ibig at pag-aaruga na ibinibigay at ipinadadama ng mga taong tapat na nagmamahal sa kanilang buhay sa pangunguna ng kanilang mga pamilya, gayundin ang mga kaibigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 173,223 total views

 173,223 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 150,856 total views

 150,856 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 214,984 total views

 214,984 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 234,762 total views

 234,762 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 154,653 total views

 154,653 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top