Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag mawalan ng pag-asa, paalala ng Pari sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa Laguna de Bay tragedy

SHARE THE TRUTH

 2,558 total views

Alalahanin ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan sa anumang pagsubok na haharapin sa buhay.

Ito ang mensahe ni Father Edwin Tirado – Kura Paroko ng Santo Domingo Parish sa Baranggay Janosa Talim Island Binangonan Rizal para sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa pagtaob ng Motorboat Princess Aya sa Laguna Lake.

Ayon sa Pari, nawa ay hindi rin mawalan ng pag-asa ang mga naiwang pamilya at higit na paigtingin ang kanilang pananampalataya.

“Pero ako ay naniniwala na sa takdang panahon ay magkakaroon ng kaliwanagan ang lahat so hayaan muna natin na tayo ay magluksa, magdalamhati, naniniwala ako na magkakaroon ng bagong pagasa ang ating buhay.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tirado.

Sa Parokya din ng Santo Domingo idadaos ang misa para sa kaluluwa ng mga nasawi na nagsimula noong July 31 at magtatagal hanggang August 03.

Nagpapasalamat din ni Binangonan Mayor Cesar Ynares sa mga nagpadala at magpapadala pa ng tulong sa pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng motorboat banca.

“Patuloy kami, hindi titigil ang LGU, katunayan marami ding mga senador ang mga nagpahayag ng tulong at tumatawag sa amin at nagpapasalamat ako katulad ng inyong samahan ng Veritas.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Ynares.

Tiniyak naman ng Binangonan LGU at Philippine Coastguard ang masusing imbestigasyon sa insidente upang mapanagot ang mayroong mga kasalanan sa pagkasawi ng kababaihan, bata at breadwinner na biktima ng insidente.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 26,936 total views

 26,936 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 38,653 total views

 38,653 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 59,486 total views

 59,486 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 75,954 total views

 75,954 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 85,188 total views

 85,188 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top