Pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Egay, pinalawak ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 3,152 total views

Pinaigting ng Caritas Manila ang mabilis na pagtugon sa mga nasasalanta ng bagyong Egay.

Noong ika-30 ng Hulyo 2023, nagsagawa ang Caritas Manila ng relief operations kung saan namahagi ng mahigit 700 Manna bags sa mga nasalanta ng bagyong Egay sa Binangonan, Angono, San Mateo at Montalban sa Rizal.

Sa tulong din ng Social Arm ng Diyosesis ng Antipolo ay nakapagbahagi ng 27 Manna bags sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa lumubog na Princess Aya sa Laguna Lake.

Labis naman ang pasasalamat ni Father Edwin Tirado – Parish Priest ng Santo Domingo Parish sa Baranggay Janosa, Talim Island sa Binangonan Rizal sa tulong na ibinagi ng Caritas Manila para mga pamilya ng mga nasawi.

“Talagang bukod sa panalangin na binibigay ng simbahan at encouragement, pagasa yung tulong na pinansyal o anuman na pwede nilang makuha ay very much appreciated kasi sa oras na ito talaga ay kailangan na kailangan talaga nila so lahat ng magbibigay at nagbigay lalo na sa Caritas Manila, maraming-maraming salamat at alam ko matutuwa yung mga naulila simple man ito pero ito ay makakadagdag sa kaliwanagan at pagasa na hinangangad nila sa mga sandaling ito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tirado.

Magkasabay ring ipinarating ni Father Alex Miday – Assistant Priest ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Aransazu sa San Mateo Rizal ang pasasalamat at panghihimok sa mga mananampalataya na pakikibahagi sa mga kaparehong inisyatibo ng simbahang upang maibsan ang dinaranas na hirap ng mga nasalanta ng kalamidad.

“Ito ay patuloy natin pakikisa sa misyon ng Panginoon na iangat ang mga nasa abang kalagayan at patuloy na iparamdam sa kanila ang kapangyarihan ng pagi-ibig ng Diyos kung saan dito natin lubos na napanghahawakan na ang Diyos ay tunay ngang emmanuel o kasamahan natin na kasama natin sa anuman ang ating pinagdaraanan,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Father Miday.

Sa datos ng Caritas Manila, 438-Manna Bags ang naipamahagi sa Dambanda ng Aransazu , 90 sa Sacred Heart Parish Binangonan Rizal, 71 naman sa Maria Ina ng Kapayapaan Parish sa Montalban, 65 sa Diocesan Shrine of Saint Clement sa Angono at 27 para sa pamilya ng mga nasawi sa Talim Island.
Naunang nagbigay ang Caritas Manila ng 800-libong pisong cash aid sa apat na dioyesesis at arkidiyosesis sa Northern Luzon na lubhang naapektuhan ng bagyo.

Read:https://www.veritasph.net/caritas-manila-magbibigay-ng-financial-aid-sa-mga-nasalanta-ng-bagyong-egay/

Bilang tugon sa malaking pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong, idinaos sa Radio Veritas ang Caritas Manila Damayan – Typhoon Egay Telethon 2023.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,730 total views

 14,730 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,250 total views

 32,250 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,826 total views

 85,826 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,065 total views

 103,065 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,554 total views

 117,554 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,087 total views

 22,087 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 11,082 total views

 11,082 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top