Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makinig at maging bukás

SHARE THE TRUTH

 626 total views

Mga Kapanalig, tuwing panahon ng State of the Nation Address (o SONA) ng pangulo, kapansin-pansin ang kaliwa’t kanang panawagan mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Ginagawa nila ito upang iparating sa pangulo at sa kanyang administrasyon ang mga isyung kinahaharap ng mga mamamayan.  

Sa pangalawang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang linggo, nag-viral sa social media ang video kung saan makikitang nagbi-videoke ang ilang pulis ng National Capital Region Police Office (o NCRPO) sa loob ng police truck habang nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga magsasaka, estudyante, at miyembro ng iba’t ibang sektor.1  

Sa isang panayam, ipinagmalaki ng Philippine National Police (o PNP) na gagamitin daw nilang pamantayan sa mga susunod na SONA ang naging latag ng kanilang seguridad matapos ideklarang naging mapayapa at walang nalabag na karapatang pantao ng mga nagdaos ng kani-kanilang programa sa lansangan. Ang sagot din ng hepe ng NCRPO sa pagbi-videoke ng mga pulis, totoo raw na naglatag sila ng mga banda para maaliw ang mga pulis na naka-deploy na noon pang Sabado at Linggo bago ang araw ng SONA. Hindi raw iyon para sapawan ang mga nagkikilos-protesta.2  

Sari-sari ang komento at opinyon ng mga netizens sa balitang ito. Maraming nagsasabing wala naman daw masama sa ginawa ng mga pulis at “karapatan” naman daw ng mga pulis na mag-enjoy. May ilan pang nagsabing mas maigi na raw marinig ang kantahan sa videoke kaysa ang sigaw ng mga raliyistang sinasabi ng ilan na nakasasawa na raw na marinig. 

Ang mga pulis na nasa SONA ay nasa oras ng kanilang trabaho. Pinapasahod sila gamit ang buwis ng taumbayan kaya hindi ba dapat lang na protektahan at paglingkuran nila ang taumbayan. Hindi ba’t ito ang sinsabi sa motto nilang “to serve and protect”. Malinaw ring dapat na hindi kasama sa karapatan ng ating mga pulis ang magliwaliw sa oras ng kanilang trabaho. Ang mga mamamayan ang may karapatang ipahayag ang kanilang mga hinaing nang malaya at mapayapa. Mga lehitimong isyu ang kanilang ipinaaalám sa pamahalaan at sa publiko: dagdag-sahod, regular na trabaho, pagtaguyod ng hustisya, paggalang sa karapatang pantao, at maayos na serbisyong pampubliko.  

Para sa mga kababayan nating pumapanig sa mga pulis sa isyung ito at sa mga nagsasabing nakaririndi na ang ipinagsisigawan ng mga nagra-rally, ipinaalala sa atin ng panlipunang turo ng Smbahan na nagsisimula ang pakikipagkaisa o solidarity sa pagkilala sa mga pinagdaraanan ng ating kapwa.3 Hindi uunlad ang ating lipunan kung laganap ang kawalan ng empathy o pakikiramay sa kalagayan ng mga mahihina at maliliit sa ating lipunan. Hindi natin makakamit ang kabutihang panlahat kung marami sa atin ang manhid at walang pakialam sa mga problemang dinaranas ng mga magsasaka, mga mangingisda, mga maralitang tagalungsod, mga bata, kababaihan, at marami pang iba.  

Para naman sa ating kapulisan, huwag sana silang makalimot sa kanilang mandato at tungkulin bilang tagapaglingkod ng mamamayan. Gaya nga ng sabi sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng marami ay hahanapan ng marami.” Ang mga lider natin ay binigyan ng kapangyarihang dapat nilang gamitin para sa kapakanan ng kanilang mga pinaglilingkuran.  

Mga Kapanalig, marami sa ating mga kababayan ang nagsasagawa ng protesta upang manawagan sa ating pamahalaan para sa mas makataong lipunan. Nag-uumpisa ang pagkakaroon ng empathy sa pakikinig sa ating kapwa. Mas magagawa nating maintindihan ang kanilang kalagayan kung bubuksan natin ang ating isip at puso sa kanilang sitwasyon. Bilang mga Kristiyano, hindi dapat tayo nakatutok lamang sa pansariling interes at kaginhawaan sa buhay dahil bahagi ng ating pananampalataya ang maging mulat at may pakialam sa kalagayan ng ating kapwa. Ito ang mag-uudyok sa ating tumugon sa kanilang mga pangangailangan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,790 total views

 4,790 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,930 total views

 17,930 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,903 total views

 23,903 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,658 total views

 29,658 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,920 total views

 36,920 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,791 total views

 4,791 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 17,931 total views

 17,931 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 23,904 total views

 23,904 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,659 total views

 29,659 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 36,921 total views

 36,921 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,976 total views

 40,976 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,357 total views

 36,357 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,361 total views

 48,361 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,403 total views

 56,403 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,960 total views

 47,960 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,385 total views

 46,385 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,171 total views

 48,171 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,096 total views

 45,096 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,410 total views

 59,410 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,100 total views

 63,100 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top