Diocese of Bangued, nagpapasalamat sa Caritas Manila sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Egay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,138 total views

Nagpapasalamat ang Diocese of Bangued, Abra sa ipinadalang tulong ng Caritas Manila bilang tugon sa mga biktima ng Bagyong Egay.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Leopoldo Jaucian, inihayag nito ang pasasalamat sa social arm ng Archdiocese of Manila sa pangunuguna ni Fr. Anton CT Pascual, dahil sa 200-libong pisong paunang tulong para sa mga lubhang apektadong pamilya ng nagdaang bagyo.

“Sa ngalan po ng mga kaparian, lalong lalo na po yung layko at tsaka yung mga naapektuhan, maraming-maraming salamat po sa Caritas Manila. Fr. Anton, thank you so much po for the help,” pahayag ni Bishop Jaucian.

Pagbabahagi ng obispo na karamihan sa mga tahanan ay napinsala ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pag-uulang dulot ng Bagyong Egay na pinaigting ng hanging Habagat.

Panawagan ni Bishop Jaucian sa bawat isa ang pagtutulungan sa pamamagitan ng panalangin at kawanggawa upang maibsan ang pasanin ng mga biktima at muling mabigyan ng pag-asa sa tinamong pinsala mula sa hagupit ng kalamidad.

“Hinihiling po ng obispo ng Bangued, Abra, Bishop Leopoldo Jaucian, lalong lalo na sa mga kapatid ko dito sa Abra na naapektuhan ng Bagyong Egay, sana po ay tulungan natin sila,” ayon kay Bishop Jaucian.

Maliban naman sa Diyosesis ng Bangued, nakatanggap din ng paunang tulong mula sa Caritas Manila ang Arkidiyosesis ng Tuguegarao, Cagayan at Nueva Segovia, Ilocos Sur; at ang Diyosesis ng Laoag, Ilocos Sur.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang Caritas Manila Damayan 2023 Typhoon Egay Telethon katuwang ang Radio Veritas at layong makalikom ng 5-milyong pisong pondo bilang tulong sa mga biktima ng mapaminsalang bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,899 total views

 43,899 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,768 total views

 39,768 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,970 total views

 75,970 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,764 total views

 84,764 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,352 total views

 110,352 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top