Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag ng mag-iwan ng basura sa karagatan

SHARE THE TRUTH

 1,639 total views

Nanawagan ang Haribon Foundation sa mga turista na huwag mag-iwan ng maraming plastic sa karagatan, kasabay ng pagdiriwang ng Month of the Ocean ngayong Mayo.

Ayon kay Ditto Dela Rosa – Marine Biologist ng grupo, pinapatay ng mga tambak na plastic ang buhay sa karagatan tulad ng mga hayop at halaman sa ilalim ng dagat.

Dagdag pa nito, sa pag-aaral ng kanilang grupo sa limang karagatan sa Pilipinas, unti-unti nang nawawala ang ilang mga uri ng isda na matatagpuan sa bansa, at nababawasan na rin ang karaniwang dami ng huli ng mga mangingisda.

“Kung maaari bawasan natin yung paggamit ng plastic, at magdala ng sariling lalagyan o inuman, tapos yung pagtatapon ng iba’t ibang klase ng basura hindi dapat mapariwara, matuto din mag-segregate. Tapos halimbawa, sa mga isla magdadala tayo ng gamit, kailangan kung ano yung dinala mo kukunin mo rin.” Panawagan ni dela Rosa sa programang Barangay Simbayanan.

Ngayong buwan ng Mayo ipinagdiriwang ang Month of the Ocean sa ilalim ng Presidential Proclamation 57 na inilabas ng pamahalaan noong 1999.

Layunin nito na mapaigting ang pangangalaga sa yamang dagat ng Pilipinas tulad ng mga Coral Reefs at endemic na uri ng mga isda.

Matatandaang idineklara ng United Nations ang Pilipinas bilang Center of the Marine Biodiversity dahil sa dami ng matatagpuang iba’t-ibang uri ng isda.

Unang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mamamayan na isapuso ang iniatas na tungkulin ng Diyos sa tao bilang tagapangalaga ng sanilikha.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,086 total views

 22,086 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,146 total views

 36,146 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 54,717 total views

 54,717 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,416 total views

 79,416 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 169,313 total views

 169,313 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 113,159 total views

 113,159 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567