VeritasPH

The Word, The Truth

Huwag sayangin ang mga bakuna

SHARE THE TRUTH

 178 total views

Mga Kapanalig, nang magsimula ang pandemya, lagi nating ipinagdarasal na matuklasan ng mga siyentipiko ang bakunang pipigil sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na COVID-19. Sa awa ng Diyos, bagamat mabagal, unti-unti namang nakakuha at nakatanggap ng mga bakuna ang ating bansa, sapat para mabakunahan ang mahigit 65 milyong Pilipinong target para makamit natin ang herd immunity.

Ngunit ngayon, nasisira at nasasayang lang ang mga bakunang mayroon ang bansa. Kahit pa kaliwa’t kanang pangangampanya ang pinagkakaabalahan ng mga pulitiko, dapat pa ring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pangangampanya tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna. Dagsa man ang mga tao sa mga campaign rallies, hindi ibig sabihing tapos na ang pandemya.

Ayon sa Department of Health, humigit-kumulang 45 milyong Pilipino pa ang kailangang maturukan ng COVID-19 booster shot, ngunit 12 milyon pa lamang ang nagpapabakuna nito. Ibig sabihin, nasa 33 milyong Pilipino pa ang kailangan pang mabakunahan. Maging sa Metro Manila na may pinakamataas na COVID vaccination rate, 30% lang ang nagpaturok ng booster shot. Sa mga pag-aaral at survey na ginawa ng DOH, nalamang hindi na raw nagpapa-booster shot ang ilan dahil naniniwala silang mayroon na silang sapat na proteksyon laban sa COVID-19 dahil sa fully vaccinated na sila. May ilan ding naniniwalang may natural immunity na sila mula sa coronavirus.

Sinabi na ng mga ekspertong humihina ang proteksyong ibinibigay ng mga bakuna pagkatapos ng ilang buwan, kaya’t inirerekomenda ang booster shot apat na buwan matapos ang pangalawang primary dose. Base rin sa mga pag-aaral, hindi garantisadong hindi na ulit magkakaroon ng COVID ang mga nabakunahan na, ngunit mas maliit ang tsansang mahawaan silang muli kumpara sa mga hindi bakunado. Kung sakali namang mahawa ang mga bakunado na, hindi magiging kasintindi ng sa walang bakuna ang mga sintomas.

Kinumpirma ng National Vaccination Operations Center noong nakaraang buwan na mayroong mga bakunang nag-expire na at malapit nang mag-expire sa mga darating na buwan. Ito raw ang mga bakunang donasyon ng ibang bansa at binili ng pamahalaan at pribadong sektor. Sa panahong nakararanas na naman ng surge o biglang-dami ng mga kaso ng COVID-19 sa mga kalapit nating bansa pati na sa Amerika at Europa, napakahalagang may karagdagang proteksyon ang bawat isa sa atin. Nakapanghihinayang ang mga bakunang nag-expire na, kaya hindi na dapat hayaang masayang pa ang mga bakunang mayroon ang ating bansa, lalo na’t marami pa rin ang hindi pa nakatatanggap ng kahit first dose ng COVID-19 vaccine. Maliban sa baón na sa utang ang Pilipinas para tustusan ang pantugon sa pandemya, mahigit dalawang taon na ring nahihirapan ang ating mga healthcare workers lalo na sa tuwing mayroong surge ng virus sa bansa.

Upang mapagtagumpayan ang pandemyang ito, kailangan nating makinig sa awtoridad at sa mga eksperto sa kalusugan at sumunod sa kanilang mga rekomendasyong magpabakuna. Kasabay nito, maging maingat tayo sa mga pagbabasa at pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa bakuna lalo na’t laganap ang fake news. Sa ganitong mga paraan, hindi lamang sarili natin ang ating pinoprotektahan, kundi pati ang mga kasama natin sa bahay at ang mga nakakasalamuha natin. Gaya ng pangaral sa mga taga-Filipos 2:4, huwag lang ang sariling kapakanan ang isipin kundi ang kapakanan din ng iba. Ganito rin ang sinasabi sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes: hindi sapat na pansariling kabutihan lang ang ating iniisip, dahil pananagutan ng bawat isa, ayon sa kanyang kakayahan at pangangailangan ng iba, ang isulong ang kagalingang panlahat.

Mga Kapanalig, malaki ang nakaatang na responsibilidad sa pamahalaang ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna, ngunit responsibilidad din ng bawat isang isaalang-alang ang kaligtasan ng ating kapwa sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,237 total views

 4,237 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,223 total views

 20,223 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,268 total views

 28,268 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,348 total views

 33,348 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,054 total views

 39,054 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,238 total views

 4,238 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 20,224 total views

 20,224 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,269 total views

 28,269 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,349 total views

 33,349 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,055 total views

 39,055 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,372 total views

 44,372 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,297 total views

 41,297 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,611 total views

 55,611 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,301 total views

 59,301 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,904 total views

 57,904 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,891 total views

 67,891 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,859 total views

 71,859 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,746 total views

 82,746 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,185 total views

 95,185 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,943 total views

 105,943 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top