Panunumbalik ng face-to-face classes, pinuri ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Ikinabahala ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Lumabas sa pag-aaral ng UNICEF na isa lamang sa 10 mga batang nasa edad 10-taong gulang ang nakakabasa sa Pilipinas.

Dahil dito, pinuri ni Jose Allan Arellano – CEAP Executive Director ang panunumbalik sa paaralan nang may 3.1-milyong mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa bansa.

Inihayag ni Arellano na malaking balakid sa learning development ng mga estudyante ang 2-taong pagkaantala ng face to face classes.

“Mabuti naman at nakakabalik na ang mga bata sa mga paaralan. Nakakabahala ang resulta ng pagsusuri na wala halos natututuhan ang mga mag aaral sa bahay ayon sa UNICEF, lalo na sa Pilipinas. Kulelat na naman tayo,” ayon sa mensaheng ipinadala ng CEAP sa Radio Veritas.

Upang makabalik sa pagtuturo ang mas marami pang mga pribadong paaralan ay isinumite na rin ng CEAP sa DEPED Private Education Office ang kanilang mga apela.

Ayon sa CEAP, iba at mas mahirap ang mga pamantayan ng DEPED sa mga private schools bago sila pahintulutang makapag-daos ng pisikal na klase.

“Masyado mahigpit ang DepEd sa mga pribadong paaralan kaya hindi agad makabalik ang mga bata sa maraming paaralan. Mas mahirap ang mga pamantayan nila sa amin. Ipinaalam na namin to sa Private Ed Office ng DepEd,” ayon pa kay Arellano.

Magugunitang mayroong mahigit 1,600 mga Katolikong paaralang ang kasapi ng CEAP.

Sa kasalukuyan mayroon nang halos 14-libong pribado at pampublikong paaralan na nasa low-risk areas mula sa COVID-19 ang nagsasagawa ng limited face to face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 79,866 total reads

 79,866 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,427 total reads

 127,427 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,298 total reads

 175,298 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,246 total reads

 279,246 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 361,641 total reads

 361,641 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top