Religious tourism, palalawakin ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 877 total reads

Palalawakin ng Archdiocese of Cebu ang religious tourism sa lugar bilang bahagi ng pagpapalaganap ng misyon ng simbahan.

Umaasa si Archbishop of Cebu Jose Palma na gawing makabuluhan ng mga foreign at domestic tourists ang pagbisita sa Cebu hindi lamang sa magagandang tanawin ng lalawigan kundi maging sa mga makasaysayang simbahan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtalaga ng Capelinha de Fatima Replica ang ikaapat na replica chapel ng Our Lady of Fatima sa buong mundo.

“I would really wish and hope that when you are in Cebu you will visit churches, chapel of relics and shrines aside from the wonders of nature and ecological parks because we take pride in our cultural heritage churches and in our shrines,” pahayag ni Archbishop Palma sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng Arsobispo na makapagbibigay aliw at kasiyahan ang pagbisita sa mga magagandang lugar na mayroon ang lalawigan subalit binigyang-diin na mas may kapanatagan at tunay na kaligayahan sa pagbisita sa tahanan ng Panginoon.

Kamakailan ay pinasinayaan at pormal na itinalaga ang Capelinha de Fatima Replica sa Tinubdan Hills Lambusan San Remigio Cebu na dinaluhan ng halos sampung libong deboto mula sa mga karatig lalawigan ng Cebu.

Bukod sa ito ang ikaapat na replica chapel sa buong mundo ito rin ang kauna-unahan sa Asya at bukod tangi sa Pilipinas.

“What a wonderful testimony of faith! People gathered in the site of Capelinha to witness the blessing and consecration despite of the pandemic,” ani ng Arsobispo.

Ilan sa mga tanyag na heritage sites and churches sa Cebu ang Basilica Minore del Sto. Niño, Cebu Metropolitan Cathedral, San Jose de la Montaña Parish, Sto. Tomas de Villanueva Parish, National Shrine of St. Joseph, Nuestra Señora Virgen de la Regla Parish Church, San Fernando Rey Church, St. Therese of the Child Jesus Parish, gayundin ang Simala Shrine na dinadagsa rin ng mga deboto.

Naniniwala si Archbishop Palma na makatutulong sa pagpalago ng pananampalataya ang religious tourism lalo’t ipinagdiwang ng bansa ang bunga ng 500 Years of Christianity.

Samantala, una nang sinabi ni Reynald Andales ang Intenational Trustee ng World Apostolate of Fatima – International na makatatanggap ng parehong biyaya ang sinumang dadalaw sa Capelinha de Fatima Replica.

“When you visit in Portugal and in visiting the Capelinha de Fatima Replica here in Cebu you will receive the same graces and mercy, so no need to go to Fatima Portugal,” giit ni Andales.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,267 total reads

 81,267 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,745 total reads

 128,745 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,616 total reads

 176,616 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,564 total reads

 280,564 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,903 total reads

 362,903 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top