Cardinal Advincula, ipinagdiwang ang ika-70 kaarawan at 46 na taon ng pagkapari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Ipinagdiwang ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang kanyang ika-70 kaarawan at ika-46 na anibersaryo bilang pari.

Ito ay sa pamamagitan ng misa pasasalamat na ginanap sa sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary sa Guadalupe, Makati City na pinangunahan mismo ni Cardinal Advincula.

Naging katuwang naman ng Cardinal sa pagdiriwang ng Misa sina Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Dumalo rin sa pagtitipon sina CBCP Vice President Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara; Cubao Bishop Honesto Ongtioco; Novaliches Bishop Roberto Gaa; Novaliches Bishop-Emeritus Antonio Tobias; mga pari, relihiyoso at layko ng Archdiocese of Manila.

Sa pagninilay ni Bishop David, ibinahagi niya ang buhay ni San Pablo na piniling ialay ang buong sarili sa paglilingkod sa Panginoon.

Ayon sa pagninilay ng Obispo, naging makabuluhan ang 70-taon buhay ni Cardinal Advincula gayundin sa 46-taon sa kanyang misyon bilang alagad ni Kristo at pastol ng Simbahan.

“This is what St. Paul is telling us his own life story. He declared and said, yet I lived no longer I but Christ who leaves in me in so far as I now live in the flesh, I live by faith in the Son of God who has loved me and has given up himself for me,” bahagi ng pagninilay ni Bishop David.

Inihayag naman ni Cardinal Advincula na sa mga nakalipas na taon, ipinagdiriwang niya ang kaarawan nang mag-isa na dati ring naging Obispo ng San Carlos at Arsobispo ng Capiz.

Nauunawan din ng Kardinal na bahagi ng pagtanda na mahalaga ang pagdiriwang sa mga okasyon na kasama ang mga kaibigan at pamilya bilang pagpapasalamat sa biyaya ng buhay ng Panginoon.

“70 years of a blessed life, 46 years of loving service as a priest. We serve out of love because we know that we are first and forever mercifully loved by the Lord amid our human failings and frailty…I thank God for the blessing of having you my dear priests as my priests, my sons, my brothers. Thank you for giving me a home in your hearts,” mensahe ni Cardinal Advincula.

Si Cardinal Advincula ay ipinanganak noong March 30, 1952 sa Dumalag, Capiz at inordinahan sa pagkapari noong April 4, 1976 sa ilalim ng Archdiocese of Capiz.

June 24, 2021 naman ng italaga ang Kardinal bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,462 total reads

 78,462 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,101 total reads

 126,101 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,972 total reads

 173,972 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,920 total reads

 277,920 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,374 total reads

 360,374 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,295 total reads

 167,295 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top