Hyper inflation, pinangangambahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,493 total reads

Inaasahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang ‘Hyperinflation’ o labis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay SLP President Jun Cruz, bukod sa panibagong pagtaas sa presyo ng may walumput-dalawang produkto ay magiging sanhi rin ng hyperinflation ang pagpasok sa merkado ng bilyong piso halaga ng pera na ginamit sa vote-buying noong panahon ng halalan.

Iginiit ni Cruz na hindi makatarungan at napapanahon ang pag-apruba ng Department of Trade and Industry (DTI) sa price-hike ng mga pangunahing bilihin tulad ng gatas, canned goods at ibat-ibang uri ng pampalasa.

“Sa mga susunod na araw ay makikita natin ang isang Hyper Inflation. Ito ay dahil sa hindi pangkaraniwang pagbuhos ng pera sa merkado dahil sa malawakang vote- buying. Pumasok ang bilyon-bilyong piso sa ekonomiya na walang naiambag na produkto at serbisyo. Dahil dito, bababa ang halaga ng salapi. At ngayon, itataas pa ang halaga ng basic commodities at bilihin. Sino ang tatamaan dito? Ang mga mahihirap na naman. Kaya’t maliwanag na hindi napapanahon ang pagtaas nito dahil kasabay pa nito ang pagtaas ng krudo, gasolina at pati kuryente,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cruz sa Radio Veritas.

Ikinabahala din ng SLP ang kakarampot na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa.

Umaasa si Cruz na italaga ng susunod na administrasyon ang mga opisyal na prayoridad ang kapakanan ng mahihirap.

Itinuturing naman ni Atty.Victor Dimagiba – Pangulo ng Laban Konsyumer Incorporated na anti-poor ang panibagong pagtataas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin.

Ayon kay Dimagiba, hindi lamang ang mga mahihirap ang makakaranas ng epekto ng taas-presyo, mararamdaman din ito ng mga ‘middle-class earners’.

Nasasaad naman sa katuruang panlipunan ng simbahang katolika na laging isaalang–alang ang mga mahihirap sa anumang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,431 total reads

 5,431 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,981 total reads

 29,981 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,540 total reads

 70,540 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,032 total reads

 97,032 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,298 total reads

 145,298 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,026 total reads

 166,026 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 24,100 total reads

 24,100 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top