Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibalik ang kumpiyansa sa bakuna

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Mga Kapanalig, lumabas sa 2023 State of World’s Children Report ng United Nations Children’s Fund (o UNICEF) na ang Pilipinas ay may isang milyong zero-dose children o mga batang hindi nakatanggap ng regular na bakuna sa kanilang pagkabata. Dahil dito, panlima ang Pilipinas sa may pinakamaraming batang hindi bakunado sa buong mundo, at pangalawa naman tayo sa rehiyong East Asia and the Pacific.  

Maraming espesyalista sa larangan ng medisina ang naalarma at nabahala sa dami ng batang hindi nababakunahan sa ating bansa. Itinuturing kasing vulnerable o mahina ang mga bata lalo na mula sa buwan ng kanilang pagkasilang hanggang sa umabot sila ng isang taon. Mahalagang nababakunahan ang mga bata lalo na sa yugtong mahina sila dahil proteksyon nila ang bakuna mula sa mga nakakahawa at delikadong sakit na maaari nilang ikamatay. Kung bakunado ang mga bata, liliit ang tsansang magkasakit sila at mas maitutuon ng mga magulang ang kanilang oras sa iba pang bagay at hindi sa pag-aalaga ng anak na may sakit. Nagiging daan din ang pagiging malusog at protektado ng mga bata mula sa mga sakit upang maabot nila ang kanilang buong potensyal at maging produktibong mamamayan.  

Madali dapat nakakukuha ng bakuna ang mga nangangailangan nito. Ngunit malungkot na katotohanang libu-libong mga bata mula sa mahihirap na pamilya at nakatira sa malalayong komunidad ang walang access sa mga bakuna. Nariyang walang suplay ng bakuna ang mga health centers lalo na sa kanayunan, o kaya naman ay walang mga health workers para magbigay nito. Kapansin-pansin ding maraming hindi tiwala sa pagpapabakuna sa mga bata lalo na nitong panahon ng pandemya. Ito ang tinatawag na vaccine hesitancy 

Ayon pa rin sa UNICEF, maiuugnay ang mababang vaccination rate sa mga bata sa cultural concerns ukol sa pagiging ligtas ng bakuna, lalo na matapos ang kontrobersya sa Dengvaxia noong 2017. May kinalaman din ang pagbaba ng tiwala ng publiko sa bakuna sa mga nababasa nilang mali o nakalilinlang na impormasyon tungkol sa pagpapabakuna. Sa kabila nito, binibigyang-diin ng UNICEF, mga health experts, at mga opisyal ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga bata laban sa mga sakit na kayang sugpuin ng bakuna gaya ng measles o tigdas, tubercolosis, pneumonia, mumps o beke, at polio 

Malaki ang responsabilidad ng pamahalaan upang maibalik ang tiwala ng publiko sa bakuna at ang pagiging epektibo nito laban sa mga sakit. Kailangan nitong makipag-usap sa mga komunidad at makinig sa kanilang mga pangamba. Mahalaga rin ang pagbibigay ng prayoridad sa mga health workers at providers dahil sila ang nasa frontline ng pagpapabakuna at unang pagkakatiwalaan ng mga nasa komunidad.  

Para sa mga magulang, kailangang nilang makinig at magtiwala sa mga eksperto sa kalusugan at sumunod sa rekomendasyong pabakunahan ang kanilang mga anak. Dapat din silang maging mapanuri sa mga nababasa at ibinabahaging impormasyon tungkol sa mga bakuna, lalo ngayong laganap ang fake news at disinformation. Upang magkaroon ng tiwala at kumpiyansa ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak, kailangang maipaliwanag sa kanila ang siyensya ng pagbabakuna at maging tapat ang gobyerno at mga eksperto sa medisina sa paglalahad ng wastong impormasyon tungkol sa mga bakuna. Sabi nga sa 3 Juan 1:4, “walang higit na makakapagpaligaya sa [Diyos] kundi ang marinig ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang [Kanyang] mga anak.”  

Mga Kapanalig, kinikilala ng ating Santa Iglesia ang dignidad ng mga bata. Ang pagkakaroon nila ng dignidad ay may kaugnayan sa proteksyon ng buhay at pagtataguyod ng karapatan nila sa isang malusog na pangangatawan at maayos na kalidad ng buhay. Ang pagtataguyod natin sa kanilang karapatang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan, gaya ng bakuna, ay nagpapakita ng pagkilala sa kanilang dignidad.  

Sumainyo ang katotohanan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 25,529 total views

 25,529 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 76,092 total views

 76,092 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 23,565 total views

 23,565 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,272 total views

 81,272 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,467 total views

 61,467 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 25,530 total views

 25,530 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 76,093 total views

 76,093 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,273 total views

 81,273 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,468 total views

 61,468 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,071 total views

 45,071 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,752 total views

 53,752 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,514 total views

 68,514 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,629 total views

 75,629 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,759 total views

 49,759 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,531 total views

 49,531 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,232 total views

 49,232 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,566 total views

 41,566 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,146 total views

 81,146 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,700 total views

 88,700 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,583 total views

 84,583 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top