Disaster Resilience Center, itatayo sa Arkidiyosesis ng Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,144 total reads

Inilunsad ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang Matthias 325 para sa itinatayong Disaster Resilience Center (DRC) ng Arkidiyosesis.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jazz Siapco, ang gusali ang magiging sentro ng pagsasanay ng mga Batangueño sa paghahanda sa mga paparating na kalamidad at sakuna.

“Ito’y isang mekanismo sa Arsidiyosesis para suportahan ang paghahanda hindi lamang sa Batangas, kun’di pati na rin sa buong rehiyon sa mga posibleng sakuna. Kaugnay ito sa sustainability efforts sa ating legacy project–ang Disaster Resilience Center,” pahayag ni Fr. Siapco.

Ginanap ang paglulunsad noong Mayo 14, kasabay ng kapistahan ni Apostol San Matias at paggunita sa araw ng mga Ina.

Paliwanag ni Fr. Siapco na balak ng proyektong Matthias 325 na makalikom ng tatlong milyong pisong pondo sa loob ng dalawang buwan.

Target ng proyekto na makahikayat ng limang donors na magkakaloob ng tig-P100,000, 20 donors na magbibigay ng tig-P50,000, 60 donors para sa tig-P10,000, 100 donors para sa tig-P5,000, at 140 donors naman na magbibigay ng tig-P3,000.

Binubuo nito ang 325 donors para maabot ang target na tatlong milyong piso.

“Gaya ng pagkalinga ng isang ina sa kanyang anak, ang Arsediyosesis ng Lipa ang kakalinga at lalapit sa atin sa mga panahon ng sakuna, gayundin sa ating posibleng maging pagtama ng ‘The Big One’ sa Kamaynilaan,” saad ni Fr. Siapco.

Paraan din ito ng Arkidiyosesis ng Lipa upang magpasalamat sa Poong Maykapal sa patuloy na paggabay sa lalawigan ng Batangas tulad noong nagligalig ang Bulkang Taal at lumaganap ang coronavirus pandemic.

Nagsimula ang pagtatayo sa LASAC-DRC noong Enero 2023 at inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 15,275 total reads

 15,275 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 15,402 total reads

 15,402 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 27,877 total reads

 27,877 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 84,283 total reads

 84,283 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 207,784 total reads

 207,784 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 291,795 total reads

 291,795 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,622 total reads

 175,622 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top