Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 180,472 total views

Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan.

Ngayong lingo, live ng mapapanood sa Facebook at You Tube ang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa multi-bilyong pisong eskandalo sa flood control projects ng pamahalaan.

Ang nabunyag na malawakang korapsyon ay yumanig sa buong bansa maging sa ibayong dagat., dawit sa korapsyon ang mga Senador, mga Konresista, mga opisyal ng DPWH, opisyal ng COA, mga gahaman na kontraktor.

OK na ang livestreaming, pero nilinaw sa 11-pahinang guidelines ng ICI na may pagkakataon na maging closed-door ang sessions.

Kapanalig, maaring magkaroon ng executive session o pribadong pag-uusap ang ICI kung hihilingin ng Anti-Money Laundering Council, Office of the Ombudsman, Department of Justice, Philippine National Police at National Bureau of Investigation. Pagbibigyan daw ng ICI ang kahilingan kung may sapat na legal na basehan at hindi makakaantala at magiging sagabal sa mandato ng kumisyon na ilabas ang katotohanan sa malawakang katiwalian.

Ibabase ng fact-finding body ang pagsasagawa ng executive session sa Section 3, Rule IV of the Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees o Republic Act 6713.

Guidelines sa media coverage… Ang ICI ang may kontrol at superbisyon sa livestreaming feed kung saan ang mga media organization ay maaring magsumite ng aplikasyon sa ICI feed bago papayagan na magkabit ng mga equipment. Hindi naman pinapagayang makapasok sa ICC sessions ang mga reporter o mamamahayag.
Pumayag daw ang ICI na i-livestream ang imbestigasyon upang mawala ang pagdududa ng taumbayan na may pinagtatakpan at kinikilingan ang independent body. Bago ang livestreaming, kinasuhan ni dating AKO-Bicol partylist representative Zaldy Co at 17 pang sangkot sa pangungurakot sa pera ng taumbayan na kinabibilangan ng mag-asawang Discaya.

Kapanalig, hindi kasama sa mga kinasuhan ang sinasabing utak daw ng 100-bilyong pisong budget insertions sa GAA 2025., si PBBM at dating House Speaker Martin Romualdez., dating Senate President Francis Escudero.

Kapanalig, napakalawak ng korapsyon sa flood control projects., sinasabi ng ICI… mahigit sa 1,200 indibidwal na sangkot sa katiwalian ang kakasuhan. Kabilang na ang mga notoryos na mga mambabatas at kontraktors. Maibabalik pa kaya ang tiwala ng taumbayan sa ating pamahalaan., sa mga opisyal nito., sa mga inihalal na mambabatas? Ang floodgate scandal ay nagdudulot ng galit sa maraming Pilipino, naging mitsa ito ng maraming kilos-protesta. Ang sigaw ng taumbayan, pananagutan sa mga sangkot.. makulong at maparusahan sa ilalim ng batas.

Sa mga magnanakaw, pagsisihan ang ginawang korapsyon at isapuso ang :Isaiah 33:15“Those who walk righteously and speak uprightly, who reject gain from extortion and keep their hands from accepting bribes, who stop their ears against plots of murder and shut their eyes against contemplating evil.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,622 total views

 29,622 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 104,236 total views

 104,236 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 184,315 total views

 184,315 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 227,454 total views

 227,454 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,758 total views

 226,758 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,623 total views

 29,623 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 104,237 total views

 104,237 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 184,316 total views

 184,316 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 227,455 total views

 227,455 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top