Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,174 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, 10 Marso 2026, Mat 18:21-35

Kung tayo ay kalarawan ng Diyos, siguro magandang isipin na ang pananalangin ay parang pananalamin. Kaya, kung tulad ni San Pedro naitatanong din natin sa Panginoon kung ilang beses ba tayo dapat magpatawad sa kapatid na may atraso sa atin, nai-imagine ko ang Panginoon na parang larawan sa salamin: uulitin lang niya sa atin ang tanong natin sa kanya: “Ikaw ilang beses mo ba gustong patawarin sa tuwing magkasala ka sa akin?”

At siyempre, pwede tayong mangatwiran at magsabi sa Diyos ng ganito: “Lord naman, e taong lang naman po ako, hindi Diyos.” At ganito naman ang isasagot niya sa atin: “Oo, alam ko kung sino ka dahil ako ang lumikha sa iyo. Niloob ko na maging katulad kita. Kaya gusto kong matuto kang magmahal na katulad ko. Iyan lang ang makapag-papaangat sa pagkatao mo, upang ikaw ay maging hugis at wangis ko.”

Kaya siguro sa Ama Namin, sa panalanging itinuro sa atin ni Hesus, ganito ang sinasabi ng linya tungkol sa patawad: “At patawarin mo ang aming mga sala, kapara ng pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin.” Kapara ng, ibig sabihin KAGAYA NG… Ang pagiging alagad ay pagsusumikap na gumaya sa pagibig ng Diyos na ipinakilala niya sa atin sa pamamagitan ni Hesukristo. Di ba, imbes na balaan niya ng parusa ang mga nagpako sa kanya sa krus, patawad ang hiniling niya para sa kanila. Tandaan natin, si Kristo ay Diyos na totoo pero naging tao ring totoo. Kaya siya ang bigay ng Diyos sa atin bilang huwaran ng pagpapakatao na pwede nating gayahin. Ito ang ibig sabihin ng maging Kristiyano: ang mamulat na hindi lang tayo mga anak ng tao. Tinawag tayo upang maging mga anak ng Diyos—kagaya ni Kristo.

Ano ba ang sumisira at madalas nagpababa sa pagkatao natin? —Ang pagtatanim ng galit at hinanakit at ang pagnanasang makaganti. Dahil sinaktan ka, gusto mong manakit. Ibinababa tayo ng pagkamuhi at hinanakit sa level ng mga taong hibang at wala sa sarili. Sa ganyan, imbes na si Kristo, si Satanas ang ginagaya natin.

Sa panahon natin ngayon, ganyan din ang ipinalalaganap na pag-iisip ng mga nauuso na naman na mga politikong populista: “Unahan lang iyan. Banatan mo na sila bago ka nila banatan. Kalaban iyan, terorista iyan, illegal migrants iyan, drug addicts iyan, kriminal iyan. I-neutralize agad para mabawasan ang mga salot at magkaroon ng kapayapaan sa mundo.”
Binomba nila ang 168 na istudyante sa elementary school. Pinasabog nila nang patraydor ang isang barkong hindi naman armado, mahigit 80 ang namatay at 50 ang missing, at binalaan pa nila ang mga tumulong sa mga biktima. Mapasuko man nila ngayon ang Iran, sigurado kaya ang America at Israel na hindi sila babalikan dahil sa tindi ng sakit na idinulot nila sa mga taong walang kalaban-laban? Ganti-ganti lang hanggang magkaubusan—ito ang magtutulak sa atin sa pagkagunaw ng mundo.

Pagkamuhi—parang lason iyan sa kaluluwa ng tao, ang pagnanasang gumanti ng mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kaya nga ibinaligtad ni Hesus ang tinatawag na Golden rule. Oo, “Kung ano ang di mo gustong gawin sa iyo, huwag mong gagawin sa iba.” Pero kulang pa iyon kay Hesus. Ginawa niyang positive: “Gawin sa iba ang ibig mong gawin nila sa iyo.”

Ibig mong unawain ka? Umunawa ka.
Ibig mong mahalin ka? Magmahal ka.
Ibig mong patawarin ka? Magpatawad ka.
Ibig mong pagbigyan ka? Magbigay ka.
Ibig mong tulungan ka? Tumulong ka.
Ibig mo ng walang hanggang buhay? Maging handa kang ialay ito para sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 67,850 total reads

 67,850 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 103,404 total reads

 103,404 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,704 total reads

 138,704 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,974 total reads

 364,974 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,562 total reads

 254,562 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,092 total reads

 14,092 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,738 total reads

 19,738 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,002 total reads

 19,002 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top