Agarang renewable energy transfer, panawagan ng simbahan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Nanawagan ang simbahan at mga makakalikasang grupo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na pabilisin ang paglipat sa renewable energy kasunod ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya dahil sa pandaigdigang kakulangan sa langis.

Sa ilalim ng isang Executive Order, ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan ang pansamantalang compressed workweek o mas maikling linggo ng trabaho sa mga kawani ng pamahalaan at iba pang hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.
Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, pinuno ng social action arm ng Apostolic Vicariate of Calapan at convenor ng Protect the Verde Island Passage Network, mahalagang hakbang ang pagtitipid ngunit kailangan ding tugunan ang mas malalim na suliranin sa enerhiya.

Batay sa mga ulat, maaaring tumaas ang halaga ng kuryente sa mga off-grid o lugar na hindi konektado sa pangunahing linya ng kuryente na umaasa sa diesel kung patuloy na tataas ang presyo ng langis.

“As long as island provinces depend heavily on imported fossil fuels for electricity, communities will remain vulnerable to global crises that are beyond our control,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Noong 2023, idineklara ng pamahalaang pan lalawigan ang Oriental Mindoro bilang tagapagtaguyod ng malinis at renewable energy at inatasan ang pagbuo ng Provincial Power and Energy Council.
Ayon naman kay Atty. Avril De Torres, Deputy Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), matagal nang kinikilala ng lalawigan ang kahalagahan ng renewable energy, ngunit kailangan nang pabilisin ang pagpapatupad nito.

“What is needed now is to accelerate implementation so that communities can benefit from affordable, reliable, clean energy. Distributed systems like solar rooftops are, at this time, not just a strategic long-term endeavor, but an immediately deployable solution that can cushion the impacts of the crisis for communities in Mindoro and throughout the country,” ayon kay de Torres.

Dagdag naman ni Fr. Gariguez, makatutulong ang pagtalikod sa fossil fuels upang mapangalagaan ang Verde Island Passage, na may pinakamayamang marine biodiversity sa mundo, at kabuhayan ng mga pamayanan sa baybayin.

“Energy conservation is an important immediate step, but the long-term solution for Mindoro is a full transition toward renewable energy so that we provide electricity that becomes truly mura, maaasahan, at malinis for every Mindoreño,” dagdag pa ni Fr. Gariguez.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,139 total reads

 7,139 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,776 total reads

 8,776 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,537 total reads

 19,537 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,915 total reads

 56,915 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,185 total reads

 88,185 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,449 total reads

 164,449 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,705 total reads

 257,705 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,713 total reads

 73,713 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top