Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 10,740 total views

Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha.

Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon.

Ayon kay Bishop Santos, ang mga naranasang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon at Visayas sa pagpasok ng Setyembre ay labis na nagdulot ng abala sa iba’t ibang aspeto ng buhay, lalo na sa mga pamilyang naghihinagpis dahil sa pagkawala ng mga mahal sa buhay.

Sinabi ng obispo na bagamat may kakayahan ang pamahalaang harapin ang mga ganitong pangyayari, ang mga mapaminsalang pagbaha ay nagpapakita ng mga epekto ng ilegal na quarrying at deforestation partikular na sa lalawigan ng Rizal.

“Throughout the decades, people have committed acts that brought devastating consequences for human beings and the environment. Pollution and destruction of the environment have been widespread. Deforestation reduces soil’s ability to absorb water causing it to run off instead,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinikayat naman ni Bishop Santos ang lahat na ipakita ang pagtalima at paninindigan sa dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang mga likas na yamang ipinagkatiwala lamang ng Poong Maylikha sa sangkatauhan.

Aniya, maaaring ito’y sa pamamagitan ng pag-aalay ng suporta sa anumang paraan habang nagsisikap ang bawat isa na maging mabubuting katiwala ng nag-iisang tahanan, at gawing mas makabuluhan para sa lahat at sa mga susunod pang henerasyon.

“By taking care of the environment, we not only honor God but also demonstrate our potential to create a brighter future for ourselves and future generations,” ayon kay Bishop Santos.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 740-libong pamilya o halos 2.8 milyong indibidwal ang apektado ng nagdaang kalamidad sa 10 rehiyon sa bansa, kung saan nasa 20 na ang naitatalang nasawi at 26 ang nawawala.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,952 total views

 42,952 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,433 total views

 80,433 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,428 total views

 112,428 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,167 total views

 157,167 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,113 total views

 180,113 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,367 total views

 7,367 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,951 total views

 17,951 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,110 total views

 7,110 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top