10,770 total views
Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika.
Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope Francis sa Southeast Asia at Oceana.
“It’s a long visit but incredibly important, incredibly fruitful as a visit,” ayon kay Arbishop Brown sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.
Sinabi ng Papal Nuncio na nakapaimportante ng pagbisita ni Pope Francis sa Southeast Asia at Oceana dahil minority lamang ang mga kristiyano.
“One thing we can say is Pope has this tendency, since the very beginning of his pontificate to want to go to the peripheries to the edges where the faith is often stronger than it is. I think that is really, the motivation for this wonderful trip to Southeast Asia. His visiting countries where Christians are minority, with the exception of course for Timor Leste-which actually is the most Christian country in Asia, it’s like 98 percent Catholic.”
Ayon kay Archbishop Brown, isinusulong ng Santo Papa sa kanyang Apostolic journey ang kahalagahan ng religious dialogue at interreligious harmony.
“He wants to encourage Catholic population in those places, but also, I think he takes the opportunity to reiterate the importance of religious dialogue, interreligious harmony. In fact, in Jakarta he signed a declaration with the Grand Imam of Indonesia. An interreligious harmony and human dignity and with some elements also of concern for the environment. So, to have that interreligious relationship with the Muslims which is very appropriate and a big part of this wonderful visit.”
Bibisita ang Santo Papa Francisco sa Timor-Leste, matapos ang pagdalaw sa Indonesia at Papua New Guinea kung saan huli nitong tutunguhin ang Singapore.
Ang Indonesia-ang pinakamalaking Muslim na bansa sa buong mundo na may walong milyong bilang ng mga katoliko mula sa kabuuang 275 milyong populasyon, ang Papua New Guinea ay may 2.5 milyong katoliko mula sa higit 10 milyong populasyon habang ang Singapore naman ay may apat na porsiyento ng mga mananampalataya o apat na porsiyento sa kabuuang populasyon ng bansa.
Tema ng apostolic journey ni Pope Francis sa apat na bansa ang Hope and Act with Creation Towards Integral Ecology.
Ito rin ang ang itinuturing na pinakamalayo at pinakamahabang paglalakbay ng 87-taong gulang na si Pope Francis sa loob ng kanyang 11-taong panunungkulan bilang pamumuno sa simbahang katolika.