Rep. Barbers kina Quiboloy at Guo: “You can run, but you cannot hide”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,595 total reads

Ito ang binigyan diin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kina dating Bamban Mayor Alice Guo at puganteng si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ, na hindi matatakasan ang batas.

“It only proved that you can run but you cannot hide, ayon nga sa kasabihan. But eventually, the long arm of the law will catch up on you,” ayon kay Barbers.

Si Guo na nahaharap sa mga kaso kaugnay sa ilegal na aktibidad Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) ay naaresto sa Indonesia at si Quiboloy na sumuko makaraan ang ilang linggong pagtatago sa KoJC compound sa Davao- na nahaharap naman sa asuntong sexual abuse at human trafficking ay kapwa nasa pangangalaga na ng otoridad.

Pinasalamatan din ng mababatas ang lahat ng mga kawani ng pamahalaan na naging bahagi sa matagumpay na pag-aresto kina Guo at Quiboloy.

Hindi naman sang-ayon si Barbers ng committee on Dangerous Drugs at lead chairman ng Quad Committee na may special treatment kay Guo ayon na rin sa paratang ng ilan.

“Kakahuli pa lang po. Siguro tingnan muna natin kung ano ang magiging development after ng pagkakahuli bago natin tingnan kung may special treatment,” paliwanag ni Barbers.

Naniniwala din si Barbers na maaring may katotohanan ang sinasabi ni Guo na mayroong banta sa kanyang buhay.

Si Guo ay isa sa pangunahing personalidad na isinasangkot sa ilegal na POGO, na siyang paksa ng imbestigasyon ng Kongreso, kasama na ang joint panel ng Kamara.

“Naniniwala po tayo na isang malaking criminal syndicate ang nasa likod nito at talagang, maaring may katotohanan, maari po ha. Maaring pong may katotohanan ‘yung sinasabi niya (Guo) na may death threat sa kaniya, dahil ito pong mga sindikato na ito hindi magdadalawang isip na i-eliminate ang mga taong makakapag-bunyag sa kanila,” ayon pa kay Barbers sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ni Barbers na base sa pagdinig ng Kamara, sina Guo at Cassandra Li Ong ang nasa likod ng pagpapatakbo ng POGO hub ayon na rin sa testimonial at documentary evidence.

Naniniwala din ang mambabatas na bukod kina Guo at Ong, ay may malaking sindikato ang may hawak sa POGO operations sa Pilipinas.

“I think it’s an international crime organization na pumasok dito sa atin, na hindi lamang POGO ang negosyo, kundi lahat ng klase ng criminal activities kagaya ng drug trafficking, human trafficking, prostitution, cyber-crime, financial scams, etc. etc. Marami po at ito ay hindi basta-basta. E, napili po itong bansa natin na kanilang pasukin, maari po kasing mayroong pumayag na sila ay pumasok number 1, at number 2, marami po sigurong na corrupt na mga kawani ng gobyerno kaya po sila ay napakaluwag na nakapasok sa atin,” ayon pa kay Barbers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,412 total reads

 59,412 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,473 total reads

 163,473 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,261 total reads

 200,261 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,836 total reads

 230,836 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,808 total reads

 276,808 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top