Imbestigasyon kay Congressman Romualdez at Rep. Co, ipinaubaya ni PBBM sa Ombudsman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,528 total views

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipapaubaya na sa Tanggapan ng Ombudsman ang pagsasagawa ng imbestigasyon kay dating ako Bicol Party-list Rep. Zaldy at dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Sinabi ng punong ehekutibo na ang lahat ng nakuhang impormasyon ng Independent Commission on Infrastructure at Department of Public Works and Highways ay ibibigay sa Ombudsman para imbestigahan ang pagkakaugnay sa mga paratang.

“At kaya ngayon, ay nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay irerefer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na sakaling may ebidensya at mapatunayan ay maaring makasuhan sina Co at Romualdez.

Dagdag pa ni Marcos, “Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery. Malakas naman ang loob natin na yung Ombudsman ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon.”

Sa kasalukuyan ay nanatiling nasa labas ng bansa si Co, habang una na ring humarap si Romualdez sa ICI, kamakailan.

Si Co ay kabilang din sa unang sinampahan ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan, kabilang ang ilang dating opisyal ng DPWH alinsunod na rin sa rekomenasyon ng ICI.

Matatandaan ding tinuran ni Co sa kaniyang posted video sa social media si Romualdez at Pangulong Marcos na may kinalaman sa sinasabing P100 B ‘insertion’ sa 2025 budget.

Naglabas naman ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa posibleng paggamit sa pulitika ng mga paratang ni Co, kaugnay sa anomalya.

Hinimok ng mga obispo si Zaldy Co na bumalik sa Pilipinas at isumite ang kanyang mga paratang sa tamang ahensya, nang may panunumpa at sapat na ebidensya bilang suporta.

Samantala, nagbitiw na rin sa posisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman, na kabilang naman sa nabanggit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 24,518 total views

 24,518 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 47,670 total views

 47,670 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 117,784 total views

 117,784 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 192,398 total views

 192,398 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 270,735 total views

 270,735 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top