Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Insulto sa ating hukuman?

SHARE THE TRUTH

 72,957 total views

Mga Kapanalig, sa harap ng balitang inuudyukan ng Kamara si Pangulong Bongbong Marcos Jr na makipagtulungan ang kanyang administrasyon sa imbestigasyon ng International Criminal Court (o ICC) tungkol sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte, pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na respetuhin ang desisyon ng pangulo na hindi pahintulutan ang pagsisiyasat ng mga ICC prosecutors.

Aniya, kahihiyan ang dala nito sa ating mga hukuman. Pagpapakita raw ito na “tayo ay naniniwala na mga dayuhan lang ang tanging may abilidad na magbigay ng katarungan at hustisya sa ating sariling bayan.” Ang libu-libong kaso ng pagpatay habang ipinatutupad ng administrasyon ng ama ni VP Sara ang giyera kontra droga ay nasa “exclusive jurisdiction” na raw ng ating mga hukuman. Ang pagpasok ng ICC, giit niya, ay labag sa ating Saligang Batas. Ibang-iba na ang tono ng bise prsidente ngayon; dati, laging “no comment ang kanyang isinasagot kapag tinatanong tungkol sa ICC.

Hindi na nakagugulat ang mga sinabing ito ng pangalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng bansa. Siyempre, tatay niya ang magiging sentro ng imbestigasyon dahil siya ang naglunsad ng patakarang hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa harap ng batas. Sa opisyal na tala ng gobyerno, hindi bababa sa anim na libo ang napatay—o pinatay—sa mga operasyong isinagawa ng kapulisan. Kung isasama pa sa mga ito ang mga tinatawag na vigilante-style killings, sinasabi ng mga human rights groups na aabot sa 27,000 hanggang 30,000 ang mga buhay na nawala dahil sa madugong kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kung totoong gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa, nagawaran sana ng hustisya ang libu-libong biktima ng extrajudicial killings (o EJK) sa ilalim ng giyera kontra droga. Marami sa kanila ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung sino ang pumatay sa kanilang kaanak. Hindi pa rin napananagot ang mga nasa likod ng mga pagpatay—pulis man o hindi pa rin matukoy na mga sindikato. Batid naman ni VP Sara ang kabagalan ng pag-usad ng mga kaso sa mga korte. Sa isang pahayag noong Oktubre, hinamon niya ang mga kasapi ng Philippine Trial Judges League na bilisan ang pagdinig sa mga kaso. Sa ganitong paraan daw, maibabalik ang tiwala ng taumbayan sa ating sistemang pangkatarungan. 

Ngunit maliban sa mabagal na pag-usad ng mga kaso, malaking bahagi rin ng problema ang pagsasamantala ng mga maimpluwensya sa ating sistemang pangkatarungan. May mga hukom at abugadong kinakasangkapan upang idiin ang mga itinuturing na kalaban ng mga maimpluwensyang tao. Sinusuhulan o kaya naman ay tinatakot sila ng mga tiwaling nasa poder. May mga batas na pinaiikot upang patahimikin at maipakulong ang mga pumupuna sa mga mali nilang ginagawa. May mga desisyon ang korteng binabalewala upang manatiling malaya ang mga magnanakaw sa gobyerno. 

Hindi ba mas matinding pang-iinsulto at mas malaking kahihiyan ang mga ito sa ating sistemang pangkatarungan?

Mga Kapanalig, ang paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng madugong giyera kontra droga ay hindi usapin ng paghihiganti at pagpaparusa sa iilang tao. Gaya ng matutunghayan natin sa Juan 8, kahit si Hesus ay tutol sa kaparusahan para sa sarili nitong kapakanan, lalo na’t tayong lahat ay makasalanan. Bilang mga Kristiyano, ang hinahangad natin sa tulong ng sistemang pangkatarungan ay ang maituwid ang mga mali, huwag nang maulit ang mga ito, at pairaling muli ang tama. Ang mga ito sana ang layunin ng sistemang pangkatarungan sa ating bansa—hindi ang pangatwiranan ang mga mali at ang pagtakpan ang mga gumagawa nito. Kaya sa huli, ano—o sino—ba ang tunay na maiinsulto sa pag-iimbestiga ng ICC?

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,010 total views

 5,010 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,150 total views

 18,150 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,123 total views

 24,123 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,878 total views

 29,878 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,140 total views

 37,140 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,011 total views

 5,011 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,151 total views

 18,151 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,124 total views

 24,124 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 29,879 total views

 29,879 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,141 total views

 37,141 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,990 total views

 40,990 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,371 total views

 36,371 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,375 total views

 48,375 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,417 total views

 56,417 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,974 total views

 47,974 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,399 total views

 46,399 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,185 total views

 48,185 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,110 total views

 45,110 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,424 total views

 59,424 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,114 total views

 63,114 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top