MSU bombing, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,243 total views

Mariing kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang karahasang nangyari sa loob ng Mindanao State University nitong umaga ng December 3.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng CBCP Social Action Justice and Peace Commission walang puwang sa pamayanan ang anumang uri ng karahasan kaya’t umapela ito sa mga otoridad ng masusing imbestigasyon gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mamamayan lalo ngayong Christmas season.

“Caritas Philippines calls for a thorough and expeditious investigation into this heinous act. The perpetrators must be swiftly identified, apprehended, and brought to justice to ensure that such atrocities do not go unpunished,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Ayon sa Philippine National Police alas 7:10 nang mangyari ang pagsabog sa Dimaparo Gymnasium ng MSU habang dumalo ng Banal na Misa ang mga estudyante at kawani ng unibersidad.

Ikinalungkot ng obispo ang insidente lalo’t nagsusumikap ang religious leaders ng Mindanao na isulong ang pagbubuklod sa lugar upang makamit ang kapayapaan ng pamayanan.

“I am appalled by the blatant act of terror that the perpetrators were able to commit especially at this time when we are celebrating the Mindanao Week of Peace!” ani ng obispo.

Nakiramay so Bishop Bagaforo sa mga nasawi sa pambobomba habang nakikiisa sa mga biktima at buong komunidad na apektado ng karahasan kasabay ng panawagang magkaisang isulong ang kapatiran sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, paniniwala at tradisyong kinabibilangan.

“Caritas Philippines urges all stakeholders, including the government, religious leaders, and the community, as a whole, to collaborate in fostering an environment of peace despite the incident. Concerted efforts must be made to prevent the recurrence of such violent incidents and to safeguard the fundamental right to worship without fear of anyone,” giit ni Bishop Bagaforo.

Sa paunang ulat tatlong katao ang nasawi, 40 ang nasugatan habang patuloy pa rin ang mga otoridad sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga personalidad na responsable sa MSU bombing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,428 total views

 41,428 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,580 total views

 64,580 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,694 total views

 134,694 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,308 total views

 209,308 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,330 total views

 286,330 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top