Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Interfaith prayer service sa mga nasawi at naiwang pamilya ng PAF C-130 plane crash, pinangunahan ng Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

 445 total views

Pinangunahan ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pag-aalay ng Interfaith Prayer Service para sa mga biktima at kapamilya ng naganap na trahedya ng pagbagsak ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu noong ika-4 ng Hulyo, 2021.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan, ang isinagawang Interfaith Prayer Service ay bilang pakikiisa at pakikidalamhati hindi lamang ng Simbahang Katolika kundi maging ng iba’t ibang denominasyon sa mga biktima at naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa trahedya.

“Our inter-faith prayer is our way of being in solidarity with them [victims and their families] lifting up our prayers, all our sorrows together with them, our grief due to the sudden loss of their loved-ones.” pahayag ni Archbishop Cabantan.

Bukod sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng 53-nasawi sa trahedya ay ipinanalangin rin sa naganap na Interfaith Prayer Service ang katatagan ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi at mabilis na paggaling ng mga nakaligtas.

Ipinaabot rin ni Archbishop Cabantan ang pagpupugay sa lahat ng mga lulan ng bumagsak na military plane na karamihan ay patungo sana sa kanilang unang misyon bilang kawani ng pwersa ng pamahalaan sa Sulu.

“Our Interfaith Prayer Service is our way of expressing our deepest sympathy to the families of our fallen heroes and our prayers also for the eternal repose of those who died and our prayers for those who are still recovering in the hospitals not only physically but also psychologically and emotionally from the trauma that they have experienced.” Dagdag pa ni Archbishop Jose Cabantan.

Naganap ang Interfaith Prayer Service – Prayer’s for our fallen heroes A Tribute to C-130 Plane Crash Victims sa St. Augustine Metropolitan Cathedral sa Cagayan De Oro City na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t bang relihiyon at denominasyon kabilang na ang Iglesia Filipina Independiente, United Church of Christ in the Philippines, Muslims, Evangelicals at maging kinatawan ng mga Lumads.

Isinagawa ang Interfaith Prayer Service dahil sa pagkakaroon ng magkakaibang relihiyon at pananampalataya ng mga lulan at mga nasawi sa bumagsak na C-130 Hercules cargo plane.

Matapos ang Interfaith Prayer Service ay nag-alay rin ng Banal na Misa ang Archdiocese of Cagayan de Oro para sa lahat ng mga kapamilya at biktima ng naganap na trahedya na pinangunahan ni Archbishop Cabantan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 3,870 total views

 3,870 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 22,897 total views

 22,897 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 18,253 total views

 18,253 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 26,963 total views

 26,963 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 35,722 total views

 35,722 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 21,518 total views

 21,518 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 21,590 total views

 21,590 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 22,103 total views

 22,103 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 21,961 total views

 21,961 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 27,561 total views

 27,561 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 32,879 total views

 32,879 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 27,061 total views

 27,061 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 27,317 total views

 27,317 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 28,859 total views

 28,859 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 27,910 total views

 27,910 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 28,514 total views

 28,514 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 30,210 total views

 30,210 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 30,318 total views

 30,318 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 35,940 total views

 35,940 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 32,147 total views

 32,147 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top