International Day of Education

SHARE THE TRUTH

 95,511 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayong araw ang International Day of Education na may temang “learning for lasting peace”. Layunin ng selebrasyong ito na isulong ang paggamit ng tinatawag na transformative education upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan. Sa transformative education, natututunan ng mga estudyante ang tungkol sa realidad ng mga isyu sa mundo, ang kanilang mga karapatan, ang importansya ng partisipasyon, sustainable development, at iba pa. Sa ganitong paraan, mas mapahahalagahan nila ang kapayapaan at ang pagkilos tungo rito. 

Ngunit gaano ka-transformative ang edukasyon sa ating bansa? 

Mainit na usapin kamakailan ang resulta ng Programme for International Student Assessment (o PISA) na isinagawa noong 2022. Lumahok sa assessment na ito ang mga 15 taóng gulang na estudyante kung saan sinukat ang kanilang kasanayan sa problem-solving, critical thinking, at komunikasyon. Sa resulta ng Pilipinas, lumabas na ang kasanayan ng mga estudyante sa mathematics, reading comprehension, at science ay mababa kaysa sa average score ng lahat ng bansang kasali sa PISA. Kung ikukumpara sa ibang mga bansa, ang Pilipinas ay kulelat sa lahat ng subjects na ito.

Upang tugunan ang isyung ito, inatasan ni Pangulong Marcos ang mga opisyales na nakatalaga para sa edukasyon, sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte, na bigyang-pansin ang pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo sa mga eskwelahan. Sinimulan ng Department of Education (o DepEd) dalawang linggo na ang nakaraan ang “Catch-Up Fridays”. Layunin nitong paunlarin ang tinatawag na foundational na kakayahan ng mga estudyante. Isinasagawa tuwing umaga ang National Reading Program, at pag-aaral tungkol sa values, health, at peace naman sa hapon, kasabay ng Homeroom Guidance Program.

Ngunit maliban sa mga kakulangan ng ating mga estudyante sa mga hard skills gaya ng kaalaman tungkol sa math at science, malaki ring hamon ang pagpapaunlad ng kanilang mga soft skills. Mahalaga ring mapabuti ang mga soft skills katulad ng critical thinking, open-mindedness, problem-solving, at leadership na tila ba kulang na kulang ngayon. Mas nakatuon na kasi ang atensyon ng marami sa atin—lalo na ang kabataan—sa social media kung saan laganap ang mga content na nakaaaliw lamang. 

Kung maayos na nalilinang ang mga hard at soft skills na ito, matututo ang kabataang Pilipino na suriin, punahin, at kuwestiyunin ang mga bagay-bagay, na sa huli, maaari ding makatulong sa pagbuo at pagtuklas nila ng mga bagong kaalaman at kasanayan.

Gayunman, balewala ang mga hard at soft skills na ito kung may problema rin sa kalidad ng pagtuturo sa ating mga eskwelahan. Dagdag pang isyu ang hindi na pagbibigay-pansin sa ating kasaysayan. Talamak pa rin ang historical revisionism na isinasagawa upang baguhin—kung hindi man burahin—ang mga nangyari noong panahon ng batas militar, halimbawa, kung saan malinaw ang paglabag sa mga karapatang pantao. Noong 2023, pinalitan nga ng DepEd sa kurikulum ng Araling Panlipunan ang “diktadurang Marcos” ng “diktadura” na lamang. Kung ang kasaysayan ng ating bansa ay unti-unting babaguhin o buburahin mula sa edukasyon ng mga kabataan, masasabi ba nating transformative ang edukasyong ito? Makatutulong ba ang ganitong edukasyon para pahalagahan nila ang kapayapaan? 

Mga Kapanalig, gaya ng sabi sa Mangangaral 7:12, “Ang tulong na magagawa ng karunungan sa tao ay tulad ng magagawa ng salapi. Ang tao’y maililigtas ng kanyang karunungan, at ito ang kabutihan ng kaalaman.” Ang kabutihan ng edukasyon ay makikita rin sa pagtatatag at pagpapanatili ng kapayapaan, at magsisimula ito sa paglago ng mga mag-aaral. Sa Catholic social teaching na Gravissimum educationis, sinasabing ang tunay na edukasyon ay nilalayong buuin ang indibidwal tungo sa ikabubuti ng kanyang sarili at ng kanyang ginagalawang lipunan. Tunay nga namang maraming hamon upang magkaroon ang kabataang Pilipino ng transformative education.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,147 total views

 75,147 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,793 total views

 86,793 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,040 total views

 96,040 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,837 total views

 101,837 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,225 total views

 114,225 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,148 total views

 75,148 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,794 total views

 86,794 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,041 total views

 96,041 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,838 total views

 101,838 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,226 total views

 114,226 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,691 total views

 64,691 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,902 total views

 99,902 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,737 total views

 145,737 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,755 total views

 146,755 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,521 total views

 120,521 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,580 total views

 117,580 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,622 total views

 118,622 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,051 total views

 123,051 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,251 total views

 137,251 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,704 total views

 147,704 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top