Ipagdasal ang pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total views

July 22, 2020, 11:21AM

Hinihikayat ni Radio Veritas president Fr. Anton CT Pascual ang mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang Pangulong Rodrigo Duterte lalu na ngayong nalalapit na 5th State of the Nation Address sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ayon kay Fr. Pascual na siya ring executive director ng Caritas Manila, napakahalaga ang mga pinuno ng bawat bansa sa pagharap sa mga suliranin lalu na ngayong pandemya.

“Nakikita natin ang kahalagahan ng gobyerno sa harap ng pandemya. At mahalaga sa gobyerno ang pamunuan. Ano ang direksyon ng pamunuan, paano mapapangalagaan ang sambayanan,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Inihayag ng pari na sa mga pagpapasya ng pangulo nakasasalay kung paano bibigyan ng tugon ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan.

“Lalung lalu na sa presidente. Para kapag siya nagpasya ito ay para sa kabutihan ng lahat. Kasi ang common good-ito ang kalooban ng Diyos. Common good is the will of God,” ayon pa sa pari.

Sa Lunes, i-uulat ng pangulo sa sambayanang Filipino ang kasalukuyang kalagayan ng bansa at mga polisiya ng pamahalaan.

Ayon kay Fr. Pascual, pangunahing nais niyang marinig sa pangulo ang plano ng pamahalaan sa pagtugon sa pangkalusugan at pangkabuhayan ng publiko dahil sa krisis na dulot ng pandemic coronavirus disease.

“Kaya’t yan ang unang-una na dapat nating marinig sa presidente, ano ang plano ng gobyerno para tayo maligtas lahat?”pahayag ni Father Pascual

Sa pinakahuling tala, higit na 70-libo ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas habang naitala na rin sa 59 na milyong Filipino ang nagugutom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,071 total views

 150,071 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,295 total views

 180,295 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,941 total views

 206,941 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,914 total views

 301,914 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,124 total views

 313,124 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top