“Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 719 total reads

July 21, 2020, 1:45PM

Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na may ugnayan ang simbahan sa pamahalaan sapagkat kapwa ito naglilingkod para sa ikabubuti ng nakararami.

“There should be collaboration always and dialogue. Church relationship with State is what we call CRITICAL COLLABORATION!,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng pari sa pahayag ni Presidential Chief legal counsel Salvador Panelo kung saan sinabing labag sa konstitusyon ang pagpuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan.

Tinukoy ni Panelo ang liham pastoral ng CBCP na nananawagan ng pananalangin at pagiging mapagmatyag ng publiko sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law of 2020 sa kabila ng kawalan ng Implementing Rules and Regulations.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na totoong may pagkakaiba ang simbahan at estado sa larangan at konteksto ng organisasyon at pamumuno ngunit sa usapin ng paglilingkod para sa kabutihang panlahat ay dapat nagtutulungan ang dalawang institusyon.

“Sec. Panelo said there is separation of church and state daw. That’s true is the context of: Organization? Yes; Leadership? Yes; Resources? Yes; but no separation in the context of: People that we BOTH serve especially the POOR; Common Good, & Environment,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Unang hinamon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo si Panelo na maghain ng reklamo laban sa CBCP kung tunay itong nakalalabag sa konstitusyon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pagsasalita at pakikibahagi ng simbahan sa usaping panlipunan ay naglalayong gabayan ang mamamayan upang makita ang mga pangyayari sa maka-Kristiyanong pananaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 86,773 total reads

 86,773 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 180,803 total reads

 180,803 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 225,071 total reads

 225,071 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 248,180 total reads

 248,180 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 319,414 total reads

 319,414 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top