Ipanalangin ang Italya laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total views

Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng naitatalang nahawaan ng Corona Virus Disease o COVID 19 na umabot na sa tatlong libo katao habang 107 na ang nasawi.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filipino at coordinator ng Pastoral Care of the Overseas Filipino Community sa Italya, ilang simbahan na rin sa hilagang bahagi ng Italya ang nagkansela ng mga misa bilang pag-iingat.

“Patuloy lang po ang ating dasal para sa mga kaparian at mga OFW dito na sana walang matamaan ng virus. ‘Yan ang ipinagdarasal natin, at ingat-ingat din naman kami dito,” ayon kay Fr. Gaston.

Nagpalabas na rin ng panuntunan ang Pontificio Collegio Filipino bilang bahagi ng pag-iingat laban sa virus.

Read: Pontificio Collegio Filipino Safety Measures against COVID-19

Ang collegio ay ang official residence ng mga paring Filipino na nag-aaral sa Roma at tahanan din sa mga opisyal ng simbahan na bumibisita sa Italya.

Sa kasalukuyan ay may 40 mga pari ang naninirahan sa collegio.

Dagdag pa ni Fr. Gaston, kinansela rin ng dapat sana’y recollection na pangungunahan ng kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples’ na nakatakda sana sa ika-15 ng Marso.

“May recollection sana with Cardinal Tagle, marami na nagsign-up all over Italy kaso gawa nga ng cancel ang mga school sabi naming out of respect sa Italian government i-cancel na rin muna namin,” ayon pa kay Fr. Gaston.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ng Italya ang suspensyon ng mga klase sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Italya ang bansa sa Europa na may pinakamaraming bilang ng naitalang nagpositibo sa COVID 19 sunod sa China kung saan nagsimula ang epidemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,163 total views

 14,163 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,177 total views

 64,177 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,046 total views

 60,046 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,218 total views

 96,218 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,304 total views

 104,304 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top